LEDAC MOMENTUM: ‘DI LANG BILANG, KUNDI AKSYON – CONG. SANDRO MARCOS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng masalimuot na takbo ng lehislatura, isang mahalagang tanong ang muling umuusbong: nasusukat ba ang tunay na serbisyo sa dami ng batas, o sa bilis ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan? Ang ulat ni House Majority Leader Cong. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos hinggil sa naipasa at umusad na 18 sa 52 prayoridad ng LEDAC bago ang Semana Santa, ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng isang Kamara na hindi nagpapahuli sa oras. Aba’y sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy…

Read More

ZERO OBSTRUCTION IPATUTUPAD SA MGA KALSADA NGAYONG SEMANA SANTA

MAGPAPATUPAD ng “zero obstruction” policy ang pamahalaan sa mga pangunahing kalsada sa buong bansa ngayong Semana Santa upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko. Sa joint press conference ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na aalisin ang mga sagabal sa kalsada. Ayon naman kay DPWH Secretary Vince Dizon, pansamantalang ititigil ang mga road construction at muling ipagpapatuloy matapos ang Abril 6. Sinabi ni PNP…

Read More

DOTr HINIHINTAY LANG MA-RELEASE NG DBM ₱1-B SARO PARA SA SERVICE CONTRACTING PROGRAM

HINIHINTAY na lamang ang paglalabas ng ₱1 bilyong Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM) para ibahagi sa mga tsuper, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Lopez na gagamitin ang pondo para sa pagpapatupad ng service contracting program para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan. Layunin ng programa na magbigay ng subsidiya sa mga tsuper kapalit ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero. Bukod dito, nakalaan din ang ₱2.5 bilyong fuel…

Read More

CIVIL CASE LABAN SA CIDG, ISINAMPA SA MANILA RTC

ISINAMPA na ng pamunuan ng Coliseo de Manila ang kasong sibil sa Manila Regional Trial Court Branch 45 laban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng isinagawang raid sa isang sabungan sa Tondo, Maynila noong Marso 25, 2016. Sa press conference na ginanap sa Coliseo de Manila, sinabi ni Atty. Carl Jon P. Mucho ng Chavez Miranda Associate Law Office na magsasampa rin sila ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga sangkot sa operasyon sa susunod na linggo. Ayon sa abogado, ilegal umano ang…

Read More

GAS STATION SUPERVISOR ARESTADO SA P57-M QUALIFIED THEFT

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang babaeng supervisor ng gasolinahan sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng 60 counts ng kasong qualified theft, matapos umano itong makakulimbat ng ₱57 milyon mula sa kita ng isang gasolinahan sa Maynila. Batay sa reklamo ng isang HR officer ng manpower agency na naka-deploy sa gasolinahan sa Taft Avenue, nadiskubre ang umano’y anomalya noong Marso 2024 nang mapansin ng accountant at auditor ang discrepancies sa mga isinumiteng ulat ng suspek. Sa isinagawang pagsusuri ng records, lumitaw na mula…

Read More

PH ‘DI IKOKOMPROMISO WPS SA CHINA KAPALIT NG OIL EXPLORATION

TINIYAK ng Malacañang na hindi isusuko ng Pilipinas ang anomang interes nito sa West Philippine Sea (WPS) kapalit ng posibleng joint oil at gas exploration sa China. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mananatiling maingat ang pamahalaan sa pakikipag-usap upang maprotektahan ang interes ng bansa at ng mamamayan. “Walang mawawalang interes, walang ipamimigay na interes,” ani Castro. Sinabi rin niya na bukas ang Pilipinas sa usapin ng joint exploration, ngunit igigiit nito ang karapatan nito sa WPS. Nauna nang nagkaroon ng pulong ang Pilipinas at China sa 24th Foreign…

Read More

Kasunod ng ambush PNP PINAIGTING OPERASYON SA MINDANAO

KINONDENA ng Philippine National Police (PNP) ang magkasunod na pananambang sa Mindanao na nagresulta sa pagkasawi ng ilang pulis at sibilyan. Ayon sa ulat, noong Marso 18 ay inambush ang isang miyembro ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur, kung saan nasawi rin ang kanyang kasamang sibilyan. Makalipas ang ilang oras, tinambangan naman ang walong pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur habang pabalik mula sa kanilang checkpoint operation. Lima sa mga pulis ang nasawi habang tatlo ang nasugatan. Dahil dito, iniutos ni…

Read More

GOV’T OFFICES HALF-DAY LANG NGAYONG MIYERKOLES SANTO

MAGPAPATUPAD ang Malacañang ng half-day, work-from-home arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno ngayong Miyerkoles Santo, Abril 1, 2026. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay work-from-home ang mga kawani ng gobyerno, habang wala nang pasok simula 12:01 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon. Batay ito sa Memorandum Circular No. 116 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may petsang Marso 31, 2026. Ang nasabing adjustment ay alinsunod…

Read More

130K PASAHERO NASERBISYUHAN NG LIBRENG SAKAY SA MAYNILA

UMABOT sa halos 130,000 pasahero ang nakinabang sa unang araw ng libreng sakay ng jeep sa Maynila noong Lunes, Marso 30. Sa huling datos na iniulat ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, nasa 129,665 pasahero ang napagsilbihan hanggang alas-9:30 ng gabi noong Lunes. Layon ng libreng sakay program ng pamahalaang lungsod na maibsan ang dinaranas na hirap ng mga Manileño sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dulot ng krisis sa Gitnang Silangan. Sa nasabing programa, sinabi ng alkalde na sabay-sabay na makikinabang ang apat na sektor kabilang ang mga…

Read More