PAGBAGSAK NG BAHAGI NG KISAME SA NAIA T1, IKINABAHALA

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Raffy Tulfo sa pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Arrival Extension Area ng NAIA Terminal 1, kung saan pito ang nasaktan. Sinabi ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Public Services na sa mga ganitong pangyayari, mahalaga ang agarang aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga biktima, gayundin ang tulong na ipagkakaloob sa kanila. Kasabay nito, ipinaalala ng senador sa Department of Transportation gayundin sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maging proactive at tiyakin na sumusunod sa mga itinakdang safety standards ang…

Read More

CARPOOLING: BAYANIHAN SA LANSANGAN – LCSP

OK sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang carpooling—basta hindi ito magiging “colorum” at hindi makaaapekto sa public transport. Agree. Pero maglalabas daw ng special permit para sa mga magca-carpool? Wait—para saan ang permit? Marami na ang nagca-carpooling. Ibig bang sabihin, magiging illegal sila kapag wala nito? Matagal nang mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang carpooling. Kapag tama ang polisiya, makatutulong ito sa pagbawas ng sasakyan sa lansangan at pagbibigay ng “riding option” sa commuters. Halimbawa: may-ari ng sasakyan na isinasabay ang ilang kaopisina papasok sa…

Read More

BingoPlus offers high rebate promos

BingoPlus’ rebate promo will run from April 2 to April 8 The game is on. BingoPlus, the country’s number one and most trusted online entertainment platform, has announced a rebate promo for some of its Pinoy-loved games running from April 2 to April 8. During the special event, BingoPlus players can enjoy generous rebates based on their wagering. In the course of the campaign, each game offers a different rebate rate. Rebates are calculated individually for each game and cannot be combined with other games. Moreover, if a player wagered…

Read More

10% DISKWENTO SA PAMASAHE SA BUS MULA GOOD FRIDAY HANGGANG EASTER SUNDAY, APRUB SA LTFRB

INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng isang malaking bus company na magbigay ng 10% diskwento sa pamasahe simula Black Friday hanggang Easter Sunday. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, saklaw ng Board Resolution No. 114, Series of 2026 ang mga bus na nasa ilalim ng Yanson Group of Bus Companies sa buong bansa. Kabilang sa mga operator ang Vallacar Transit, Inc., Bachelor Express, Rural Transit Mindanao, Inc., Mindanao Star Bus Transport Inc., at Love Transport Express Mindanao, pati na ang iba…

Read More

MAHIGIT P500-M KAGAMITAN NG PNP, BINASBASAN SA CAMP CRAME

BINASBASAN ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkoles ang mahigit P500 milyong halaga ng bagong kagamitan na ipamamahagi sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Personal na ininspeksyon ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga newly procured equipment na layuning palakasin ang kakayahan ng pulisya sa pagtugon sa krimen. Kabilang sa mga bagong kagamitan ang: 117 unit ng personnel carrier (4×4) 71 unit ng motorsiklo 800 set ng civil disturbance management equipment 600 set ng non-lethal equipment 403 unit ng autogated night vision device Ayon kay Nartatez, ipakakalat…

Read More

2 PULIS NATAKASAN NG PRESO, SINIBAK

SINIBAK sa puwesto at dinisarmahan ang dalawang pulis matapos makatakas ang dalawang Persons Under Police Custody (PUPC) sa Mariveles, Bataan. Natuklasan nitong Martes na nawawala ang mga presong sina Junjun Jimenez, 33, at Jaypee Laquisan, 33, na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law. Ayon sa ulat, tumalon umano ang dalawang suspek mula sa patrol car habang pabalik ang mga pulis mula sa inquest proceedings. Inamin ng dalawang pulis, na may ranggong Police Chief Master Sergeant at Police Senior Master Sergeant at nakatalaga sa Mariveles Municipal Police Station, ang…

Read More

SEKYU PATAY SA PAMAMARIL NG KABARO SA BACOOR

PATAY ang isang security guard matapos pagbabarilin ng kanyang kabaro kasunod ng kanilang pagtatalo sa loob ng binabantayang establisimyento sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima sa alyas “Joebe,” tubong Agusan del Sur, na nasawi sa mga tama ng bala sa katawan. Ang suspek naman ay nakilalang si alyas “Wilson,” residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City, na agad tumakas matapos ang insidente. Sa ulat, naganap ang pamamaril bandang alas-6:45 ng gabi sa Kali Marketing Trailer Truck Fabrication Private Company na matatagpuan sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway,…

Read More

KAWALAN NG KAHANDAAN SA KRISIS SA PINAS, NALANTAD!

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGPA-PANIC ngayon ang mga Pinoy dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Hindi lang ang mga may sasakyan ang apektado nito, kundi lahat ng mga Pilipino dahil sa pagtaas din ng presyo ng mga bilihin. Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina, tumaas ang gastusin sa pag-angkat ng mga produktong ibinabyahe sa iba’t ibang lugar. Dahil sa kinahaharap nating krisis, nalantad na hindi handa ang ating bansa at ang Pilipinas ang nangunguna sa listahan ng mga bansang…

Read More

KAUNA-UNAHANG CORONARY ANGIOPLASTY WITH STENTING SA OSMA, TAGUMPAY !

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA wakas, may magandang balita mula sa sektor ng kalusugan ang Ospital ng Maynila, isang pampublikong ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan, na matagumpay na nakapagsagawa ng kauna-unahang angioplasty procedures nito. Isang milestone na hindi lang teknikal o medikal, isa itong patunay na kaya pala ng gobyerno na maghatid ng advanced cardiac care kung gugustuhin. Isipin mo, dalawang pasyente ang naligtas gamit ang procedure na sa mga pribadong ospital, nagkakahalaga ng P1 milyon hanggang P1.5 milyon. Sa Maynila, libre o halos libre ito.…

Read More