PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng umiinit na diskurso sa pulitika, muling umani ng kontrobersya si Senator Rodante Marcoleta nang paratangan ang media na umano’y “bayaran.” Isa itong mabigat na akusasyon na hindi dapat basta ibinabato sa hangin, lalo na kung nagmumula sa isang taong naghahangad na muling pagkatiwalaan ng sambayanan sa isang mataas na posisyon sa pamahalaan. Kung may ebidensya si Marcoleta, ilabas niya. Pangalanan niya ang mga sangkot. Iharap niya ang mga dokumento. Idulog niya sa kinauukulang ahensiya. Nguni’t kung wala, hindi maituturing ang kanyang…
Read MoreAuthor: admin 3
BUNTIS, 3 PA PATAY SA SUNOG SA BAKERY SA CALAMBA
APAT katao ang nasawi, kabilang ang isang buntis, habang isa pa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential-commercial area sa Barangay Real, Calamba City, Laguna nitong madaling-araw ng Huwebes. Ayon kay Calamba City Police chief, PCol. Dennis De Guzman, kabilang sa mga nasawi ang mga residenteng nakatira sa ikalawang palapag ng Redlocks Bakery na pinagmulan ng insidente. Na-trap umano ang mga biktima sa loob ng gusali habang mabilis na lumalaki ang apoy. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang makatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa sunog na agad…
Read MoreATENEO COACH BALDWIN IPINA-SUBPOENA NG DOLE
IPINA-SUBPOENA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Basketball Coach ng Ateneo na si Tab Baldwin. Sa press briefing, kinumpirma ni Labor Secretary Francis Tolentino na ipina-subpoena nila si Baldwin sa gitna ng isyu ng pagkasawi ng dalawang basketball player ng Ateneo sa kalagitnaan ng training sa Dipaculao, Aurora. Ayon kay Tolentino, ito ay para alamin kung may valid na alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng Labor Code. Layon din nitong suriin kung saklaw ng alien employment permit ang pagsasagawa ng team building activities. Bahagi rin ito…
Read MoreHIGIT 346,000 KATAO APEKTADO NG MINDANAO QUAKE— NDRRMC
UMAKYAT na sa mahigit 346,000 katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa 8 a.m. report nitong Huwebes, sinabi ng NDRRMC na aabot sa 346,449 katao o 75,324 pamilya mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan ng malakas na pagyanig. Sa naturang bilang, 16,349 katao o 3,515 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center habang 29,260 katao o 7,279 pamilya naman ang pansamantalang…
Read MoreBOC-CEBU COLLECTOR INIREKLAMO SA OMBUDSMAN
PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang stakeholder ang district collector ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu kaugnay ng umano’y mga iregularidad na may kinalaman sa isang pagawaan ng sigarilyo sa Mactan Export Processing Zone (MEPZ). Batay sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman noong Abril 29, hinihiling na masiyasat ang posibleng kaugnayan ng BOC-Port of Cebu na pinamumunuan ni District Collector Alexandra Yap-Lumontad sa mga alegasyon ng paggamit ng pekeng opisyal na selyo at peke o falsified na commercial documents. Ayon sa reklamo, ang mga naturang aktibidad ay maaaring lumabag sa…
Read MoreTAYAM MAGHAHAIN NG MR SA SC PETITION SA SENATE QUORUM
MAGHAHAIN ng motion for reconsideration (MR) ang high school teacher na si Barry Tayam matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanyang petisyon kaugnay ng quorum sa Senado. Ayon kay Tayam, naghihintay na lamang siya ng opisyal na kopya ng resolusyon ng Supreme Court bago isumite ang kanyang MR. “Nakapag-decide po ako na magfa-file ng MR once officially received ko na yung reso from SC,” ani Tayam. Ibinasura ng Korte Suprema nitong Miyerkoles ang petisyong inihain niya na humihiling na ideklarang may valid quorum ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3,…
Read MoreWalang validated threat PNP ALL SYSTEMS GO SA IKA-128 ARAW NG KALAYAAN
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na nakapuwesto na ang lahat ng kinakailangang seguridad para sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala silang namomonitor na anomang validated threat kaugnay ng selebrasyon, ngunit nananatiling nakaalerto ang buong hanay ng kapulisan. Sinabi ni Nartatez na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang higit pang mapalakas ang intelligence monitoring at security operations sa buong bansa. “This is an annual activity that we…
Read MoreSOLON KINASUHAN SA DOJ ’18 KARGADOR’ SA MALETA ISSUE
PANIBAGONG kasong legal ang kinakaharap ng tinaguriang 18 kargador matapos silang sampahan ng reklamong cyberlibel at/o perjury ni Iloilo Rep. Janette Garin kaugnay ng kontrobersiyal na “maleta” issue. Inihain ni Garin ang reklamo sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkoles laban sa 18 dating bodyguard ni ex-congressman Zaldy Co at kay Atty. Levito Baligod. Ayon kay Garin, layunin umano ng mga paratang na nakatanggap siya ng mga maletang may lamang pera na sirain ang kanyang pangalan at hadlangan ang kanyang pagtupad sa tungkulin bilang kinatawan sa 20th Congress. “Sinusumpa ko…
Read MoreCURLEE DAPAT ILABAS EBIDENSYA SA 150 SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCAM – INTON
HINIKAYAT ng beteranong abogado na si Atty. Ariel Inton si contractor Curlee Discaya na ilantad ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay ng umano’y malawakang katiwalian sa mga flood control project, lalo na kung mayroon siyang matibay na ebidensiya laban sa mga personalidad na kanyang itinuturong sangkot. Ayon kay Inton, nabigong makakuha ng suporta si Discaya mula sa mga taong umano’y nakinabang sa kanyang operasyon, kabilang ang ilang politiko na sinasabing naging kaparte niya sa kita mula sa flood control projects. Nagbanta si Discaya na isisiwalat niya ang nasa 150 pang…
Read More