INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang hakbang ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan. Kabilang sa mga hakbang na binanggit ng Pangulo ang posibleng tax adjustments sa petroleum products, pagbibigay ng fuel subsidies, at pagpapatupad ng energy-saving measures sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na naapektuhan ang global oil supply dahil sa tensyon sa rehiyon, partikular sa pagdaan ng mga oil tanker sa Strait of…
Read MoreAuthor: admin 3
Sa pagsirit ng presyo ng langis PUBLIKO HINIMOK ISUMBONG GAHAMANG GASOLINAHAN
HINIMOK ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga gasolinahang maagang nagtataas ng presyo ng langis. Kasabay nito, nanawagan naman si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na higpitan ang pagbabantay sa mga retailer at oil companies. Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang establisimyento ang nagtaas na ng pump prices bago ang nakatakdang price adjustment. Iginiit ni Lacson na ang maagang pagtataas ng presyo ng langis ay paglabag sa Republic Act No. 8479 at Republic Act No.…
Read MoreGRUPO NG BFP RETIREES SUPORTADO PAGLILINIS SA KANILANG HANAY
SA kabila ng mga alegasyon ng katiwalian, nagpahayag ng suporta ang Bureau of Fire Protection Retirees Association of the Philippines, Inc. (BFPRAPI) kay BFP chief F/Director Jesus Fernandez sa gitna ng mga pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. Sa isang liham, pormal na ipinahayag ng BFPRAPI ang buong suporta nito sa kasalukuyang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at sa nagpapatuloy na internal reforms, habang nananawagan din ng patas na pagkilala sa todo-todong kampanya ng ahensya upang linisin ang sarili nitong hanay.…
Read MoreORAS NG HIMALA Celebrates 33rd Living Like Jesus Anniversary with “Christ’s Power in Action”
This March 2026, Jesus Is Our Shield Worldwide Ministries (JIOSWM) marks a historic milestone as its flagship mass media program and global crusade, ORAS NG HIMALA, celebrates its 33rd Living Like Jesus Anniversary under the inspiring theme, “Christ’s Power in Action.” For over three decades, ORAS NG HIMALA has served as a beacon of faith, hope, and transformation — reaching lives across the Philippines and around the world through dynamic preaching, healing ministry, and compassion-driven outreach. What began as a broadcast of hope has grown into a global movement, now…
Read More17 SUSPEK SA HAZING PINANGALANAN, PINASUSUKO
TINUKOY na ng mga awtoridad ang 17 estudyante na hinihinalang sangkot sa hazing na nagresulta sa pagkamatay ng isang maritime student noong Linggo ng hapon sa Cavite. Kinilala ang mga ito na sina John Verson Cabrera, Argie Rosal, Felix Martin Dala, John Ray Torrecampo, John Lee Tuliao, John Vincent Malipot, Neil Nicolas Rapatan, John Michael Jagonoy, Mark Kenneth Gonzaga Acelo (neophyte), Lar Sabilona, Sedan Manglanlan, alyas Mark, Gabriel Vergara, Bert Dela Cruz, Cedrick Salmon Bornea, Jose Marce Garcia at alyas Kenneth. Lahat ay mga estudyante na may edad 18 hanggang…
Read MoreHIGIT 1K SUSPEK AT PUGANTE, NAARESTO NG CIDG NOONG PEBRERO
AABOT sa 1,009 na pugante, suspek at wanted person ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa buong bansa noong buwan ng Pebrero. Bukod sa mga naaresto, nakasamsam din ang ahensya ng 137 loose firearms, 28 pampasabog, 121 assorted magazines, at 1,541 rounds ng live ammunition. Tinatayang mahigit ₱851 milyong halaga ng mga ebidensya ang nakumpiska ng ahensya sa isinagawang mga operasyon. Ayon sa CIDG, matagumpay rin ang kanilang crackdown at pagsasara ng mga operasyon ng ilegal na sigarilyo sa ilang lugar kabilang ang San Fernando, San Simon,…
Read MoreKALIGTASAN NG MGA PINOY SA MIDDLE EAST, TINALAKAY SA SENADO
PINANGUNAHAN ni Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, ang pagdinig kasama ang Department of Migrant Workers upang talakayin ang isang resolusyon hinggil sa katayuan, kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa mga bansa sa Gitnang Silangan sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon. Kabilang sa tinalakay ang proteksiyon at kahandaan ng pamahalaan sa posibleng pagpapauwi ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, gayundin ang epekto sa ekonomiya at seguridad ng sigalot na kinasasangkutan ng United States, Israel at Iran. Tinalakay rin ng mga mambabatas ang mga…
Read MoreBOC NAGPATUPAD NG MONITORING SA OIL IMPORTS
UPANG matiyak ang katumpakan at pagiging maaasahan ng mga datos na isinusumite ng district ports, pinahintulutan ang BOC-OIL Task Force na i-validate ang mga ulat sa pamamagitan ng inspeksyon at pagsusuri ng mga dokumento. Maari ring humiling ang Task Force ng regular na pagsusumite ng mahahalagang impormasyon mula sa mga stakeholder sa industriya upang suportahan ang inisyatibo ng pagmamanman. Maaari rin itong magrekomenda ng pag-isyu ng summons kung kinakailangan upang matiyak ang pagsunod. Ang lahat ng natuklasan at ulat na mabubuo sa ilalim ng pagsisikap na ito ay isusumite sa…
Read MoreDOH SUPORTADO BAGONG BALIKBAYAN ACT
SUPORTADO ng Department of Health (DOH) ang panukalang Bagong Balikbayan Act na naglalayong magtatag ng komprehensibong reintegration framework para sa mga overseas FilipinowWorker (OFW) na bumabalik sa bansa. Ayon sa DOH, mahalagang matugunan ang mga isyung pangkalusugan ng mga returning OFW, kabilang ang mga kondisyong medikal at psychosocial stress na dulot ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng reintegration framework lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, na maaaring magresulta sa pag-uwi ng mas maraming OFW na mangangailangan ng medical at psychosocial…
Read More