PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING naka-PUNA sa magkaibang pagtrato sa impeachment complaint laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Vice President Inday Sara Duterte ng House Committee on Justice ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment kay PBBM ay agad na dinesisyunan ng House Committee on Justice na “insufficient in form and substance.” Sinasabing wala raw basehan ang dalawang reklamo para ma-impeach si PBBM. Unang sinampahan ng dalawang impeachment complaint si PBBM, at kasunod nito ay apat naman ang isinampang impeachment laban kay VP Duterte. Tatlong impeachment sana…
Read MoreAuthor: admin 3
KOLEKSYON MUNA BAGO PROYEKTO?
Syanong Detektib HINDI sapat ang katagang nakalulungkot para ilarawan ang lumalalang kanser sa pamahalaan. Ultimo sa barangay, garapalan na ang katiwalian. Matapos mabisto ang payroll padding, naglakas-loob na rin ang mga kagawad ng Barangay Kalayaan (na sakop ng baybaying bayan ng Angono, Rizal) na ibunyag ang umano’y iba pang iregularidad sa pananalapi ng kanilang chairman. Ang modus — nagre-release muna ng pondo bago pa man simulan ang proyekto. Partikular na idinulog ng mga barangay kagawad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y kakaibang estilo ni Kapitana…
Read MoreSPEAKER DY, KUMUSTA NA ANG MGA CONG SA FLOOD CONTROL PROJECTS? (PART 4)
Balitang ‘di Kanais-nais KAYA pala tahimik na tahimik itong ating Speaker of the House Kuya Bodjie Dy sa usaping ghost flood control projects ay nabanggit din ang kanilang pangalan ng DPWH officials at mga contractor, na nagkamal umano ng limpak-limpak na salapi kabilang ang kanyang kadugo na si Isabela 6th District Congressman Inno Dy, kaya No Investigation, mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais? Mas makabubuti sigurong simulan na ni House Speaker Bojie Dy ang pagsisimula ng imbestigasyon sa mga kongresista na pinangalanan na umano’y sangkot sa ghost flood control projects na…
Read MoreDOBLENG HIGPIT NG SINTURON NI JUAN DELA CRUZ
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HALOS masakal na sa sobrang paghihigpit ng sinturon ang mga Pilipino dahil sa epekto ng korupsyon na sinundan pa ng krisis sa langis dulot ng giyera sa Gitnang Silangan. Hindi tayo naniniwala na walang pera ang gobyerno para magamit sanang pang-ayuda sa mga direktang apektado ng krisis sa langis. Nasaksihan natin ‘yan noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay nagkaroon ng COVID-19 pandemic. Marami pa siyang nagawang proyekto sa ilalim ng kanyang programang Build, Build, Build (BBB). Sa ilalim ng programang…
Read More2 RIDERS PATAY SA PASKO NG PAGKABUHAY
DALAWANG motorcycle riders ang namatay nitong Pasko ng Pagkabuhay kasunod ng karambola ng mga sasakyan na ikinasugat din ng siyam na iba pa, kabilang ang driver ng isang Sports Utility Vehicle (SUV), sa Barangay Gongogong, San Ildefonso, Ilocos Sur. Batay sa paunang imbestigasyon, isang northbound na Ford Everest na minamaneho ng 23-taong-gulang na lalaki mula Barangay Vacunero, Santo Domingo, Ilocos Sur, ang lumihis sa kabilang linya habang sinusubukang mag-overtake sa sasakyang nasa unahan niya. Hinihinalang nag-alanganin ito at bumangga sa limang southbound o kasalubong na motorsiklo bandang alas-3 ng madaling…
Read MoreBABAE NATAGPUANG PATAY SA DALAMPASIGAN
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung namatay sa pagkalunod ang isang babae makaraang matagpuang walang malay sa dalampasigan sa isang resort sa Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi. Isinugod pa sa Tanza Doctors Hospital ang biktimang si “Precious” subalit wala na itong pulso pagsapit doon. Ayon sa ulat, isang pamilya ang nagtungo sa Garden Coast sa Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite upang maligo at doon ipagdiwang ang Easter Sunday. Inakala ng pamilya na natutulog lamang ang biktima sa kanilang inupahang cottage ngunit bandang alas-10:00 ng gabi ay nabatid na wala ito…
Read More5 mangingisda nasagip ng Coast Guard 4 DROWNING INCIDENTS NAITALA SA CALABARZON NITONG SEMANA SANTA
APAT katao ang naitalang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa rehiyon ng CALABARZON nitong Semana Santa, ayon sa inisyal na ulat ng Philippine National Police, habang lima namang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Batangas. Sa bayan ng Tiaong, isang 38-anyos na lalaki ang nalunod matapos tangkaing kunin ang tsinelas ng kanyang anak na inanod ng agos sa Mabilog River. Sa Magdalena, isa ring lalaki ang matagpuang hindi na gumagalaw sa ilalim ng tubig sa Balanac Dam. Sa Mabini, nasawi ang isang 48-anyos…
Read MoreSa shooting incident sa Puerto Princesa 4 PULIS IPINAAARESTO SA ILEGAL NA PAGRESPONDE
IPINAG-UTOS ni PNP chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pag-aresto at pagpapakulong sa apat na pulis na tinukoy na nagresponde sa pamamaril sa Puerto Princesa sa Palawan. Ito ang inihayag ng hepe ng Pambansang Pulisya sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame. Inatasan ni Nartatez ang Regional Director ng Police Regional Office Mimaropa na arestuhin at ipakulong ang apat na pulis na nagresponde sa pamamaril noong Biyernes Santo sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Palawan na ikinasawi ng tatlo katao. Kabilang sa mga nasawi…
Read MorePAGPAPARAMI NG KADIWA STORES IPINANAWAGAN
HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) na palawakin ang paglalatag ng mga Kadiwa store upang makapagbigay ng murang mga bilihin sa mga sektor na apektado kasunod ng sigalot sa Gitnang Silangan. Ayon sa senador, dapat masakop ang mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) upang matiyak na ang vulnerable sectors tulad ng mga senior citizen, solo parent, Persons With Disabilities (PWD), at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay may access sa mga pangunahing pagkain. Binigyang-diin ni Gatchalian na mismong ang DA ang nagbigay…
Read More