PINAG-AARALAN na ng Department of Health ang pagbibigay ng libreng pay wards o shared rooms sa mga DOH-run hospital para sa mga direct contributor ng PhilHealth. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos na tiyaking makatatanggap ng mas maayos na serbisyong medikal ang mga Pilipino. “Mag-uutos ito sa lahat ng DOH hospitals na maging zero balance billing ang mga pay wards para sa mga direct contributors ng PhilHealth,” pahayag ni Castro. Ipinaliwanag na ang pay wards ay hiwalay sa kasalukuyang basic accommodation na saklaw…
Read MoreAuthor: admin 3
EX-FINANCE USEC: STELLA QUIMBO DAPAT MAGSALITA SA MGA ISYU NG NATIONAL BUDGET
IGINIIT ni dating Finance Undersecretary Cielo Magno na dapat magsalita si dating Marikina 2nd District Representative at dating chairperson ng House Appropriations committee na si Stella Quimbo tungkol sa mga isyu at kontrobersiya sa national budget. “Ang sabi ko nga sa ending ng forum na ito, dapat pala naimbitahan din si Stella Quimbo,” sabi ni Magno, na isa sa mga panelist sa forum ng UP School of Economics tungkol sa pambansang budget. Dagdag ni Magno, bilang dating vice chairperson at chairperson ng House Committee on Appropriations, si Quimbo ang pinakaangkop…
Read MoreIMPORTASYON NG MANOK, PINATITIGIL
MULING kinalampag ni Senador Imee Marcos ang gobyerno upang itigil ang pagmamadaling itulak ang importasyon ng manok. Iginiit ni Marcos na walang kakulangan sa suplay at sapat ang lokal na produksyon para tugunan ang pangangailangan ng bansa. Binatikos ng senadora ang umano’y pagmamanipula ng datos upang palabasing may kakulangan sa suplay ng manok sa merkado. Ayon kay Marcos, malinaw sa mismong datos ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng manok sa bansa na maaaring tumagal ng hanggang walong buwan, batay sa tala noong Disyembre. Hindi anya makatwiran…
Read MoreSa pagsusuot ng uniporme ng pulis PAGSASAMPA NG KASO KAY NORMAN MANGUSIN PINAG-AARALAN NG PNP
INIHAYAG ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randulf Tuaño, pinag-aaralan ng Pambansang Pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa isang vlogger. Matatandaang nag-viral sa social media ang content creator na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos, habang nakasuot ng uniporme ng pulis. Pinagmumura at hinamon din ng suntukan ni Mangusin si Police Regional Office 2 Director P/Brig. Gen. Antonio Marallag Jr. Ayon kay Tuaño, posibleng maharap sa kasong usurpation of authority at illegal use of uniforms or insignia si Mangusin na posibleng magresulta sa pagkakakulong. Iginiit…
Read MorePara sa special election 7 KANDIDATO NAGSUMITE NG COC SA ANTIPOLO
MAY kilalang mga politiko at personalidad na naghain ng Certificate of Candidacy para sa Ikalawang Distrito ng Antipolo para sa special election upang mapunuan ang nabakanteng pwesto ni dating Rep. Romeo Acop. Ayon sa Comelec, inaasahan na pito ang opisyal na kandidato kasama ang isang ordinaryong mamamayan mula sa Antipolo na tumakbo sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maituturing na maganda ang kinalabasan ng filing of candidacy dahil nagpapakita ito ng pagiging masigla at buhay ng demokrasya sa Ikalawang Distrito ng Antipolo. Sa pagtatapos ng en banc session…
Read MoreP10-B CANCER FUND ITINUTULAK NI VILLAR
MAGHAHAIN si Senador Camille Villar ng panukalang batas na magtatatag ng ₱10-bilyong Cancer Medicine and Treatment Assistance Fund upang matulungan ang mahihirap at kapos-palad na pasyenteng may kanser sa bansa. Inilatag ng senador ang panukala bilang paggunita sa World Cancer Day, kung saan layon nitong magbigay ng libreng gamot at paggamot sa kanser sa pamamagitan ng mga PhilHealth-accredited na pampublikong ospital sa bawat lalawigan. Makikipagtulungan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of the Interior and Local…
Read MoreDASMARIÑAS COP, 20 PA INIREKLAMO NG PANANAKIT
INIREKLAMO sa Department of Justice (DOJ) ang hepe ng Dasmariñas Police sa Cavite at 20 iba pang pulis kaugnay ng umano’y illegal arrest, arbitrary detention at pananakit sa mga karpintero at security guard ng isang establisimyento sa Cavite. Ayon kay Atty. Fatimah Villanueva, abogado ng mga nagreklamo, naganap ang unang insidente noong Disyembre 21, 2025 nang umano’y ilegal na arestuhin at saktan ng hindi bababa sa 20 pulis ang 12 karpinterong nagtatrabaho sa isang gusali. Noong Enero 6, 2026 naman, inimbitahan umano sa police station at inaresto nang walang warrant…
Read MorePUPIL PATAY SA LOOB NG CLASSROOM
PATAY ang isang limang taong gulang na kindergarten pupil matapos tamaan ng ligaw na bala habang nasa loob ng kanilang classroom kahapon ng umaga sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur. Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), dead on the spot ang biktima na si Farhadin Ludia, 5, residente ng Datu Salibo nang tamaan ng bala habang nagkaklase sa Damabalas Elementary School. Sa salaysay ni Babylonia Biao, class adviser, bandang alas-8:40 ng umaga nang bigla na lamang bumagsak ang biktima. Nang kanyang…
Read More10 PULIS-ANGONO SWAK SA ‘HULIDAP’
DINIS-ARMAHAN at nasa kustodiya na ng Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng Rizal Provincial Police Office (Rizal-PPO) ang sampung pulis na nakatalaga sa Angono Municipal Police Station (MPS) dahil sa ‘pekeng’ drug arrest at hulidap. Sa isinagawang press conference dakong alas-10 ng gabi noong Martes, Pebrero 10, 2026, sinabi ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal PPO, haharap sa kasong administratibo ang nasabing mga alagad ng batas. Nag-ugat ang nasabing kaso sa isang insidente na naganap noong Nobyembre 10, 2025 kung saan nagsagawa ng isang drug buy-bust…
Read More