PBBM SA TRANSPORT SECTOR: WALANG MAIIWAN SA FUEL SUBSIDY

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pababayaan ang transport sector sa gitna ng tumataas na presyo ng langis, kasabay ng nakatakdang nationwide fuel subsidy rollout sa Abril 6. Sa vlog na inilabas noong Linggo, Marso 22, sinabi ng Pangulo na inilabas na ang pondo para sa fuel subsidy ng Department of Transportation bilang tugon sa epekto ng oil price hike dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. “Naiintindihan natin ang sigaw ng mga nagpoprotesta na kababayan nating nasa sektor na ito. Pero gusto kong ulitin sa inyo — hindi…

Read More

3-TERM SCHOOL CALENDAR APRUBADO SIMULA SY 2026–2027

APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang three-term school calendar sa public schools simula School Year 2026–2027. Mula sa apat na quarter, gagawin na itong tatlong termino para maiwasan ang siksik na schedule at mapabuti ang daloy ng pagkatuto. Inatasan ang Department of Education (DepEd) na ihanda ang implementasyon habang mananatili ang 180 araw ng klase. Layunin ng bagong setup na pahabain ang uninterrupted learning time, ayusin ang pacing ng lessons, at magbigay ng mas maayos na assessment periods. Magkakaroon din ng nakalaang oras para sa training at wellness…

Read More

CRISIS COMMITTEE IPINOPORMA NA

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng crisis committee para bantayan ang oil supply at protektahan ang consumers. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tututok ang grupo sa supply chains at availability ng fuel at pangunahing bilihin. Nilinaw ng Palasyo na wala pang oil crisis sa bansa dahil sapat pa ang suplay. Gayunman, aminado ang gobyerno na patuloy ang banta ng “supply disruption” kaya tuloy ang negosasyon para sa dagdag na 440,000 barrels at inaasahang 600,000 barrels na imports. Ipinaliwanag din ng Malakanyang na ang presyo ng…

Read More

Palasyo nanindigang wala pang krisis STATE OF EMERGENCY PINADEDEKLARA NA

SUPORTADO ni Senador Bam Aquino ang panawagan na magdeklara ng state of national emergency kasabay ng babala na nasa “krisis” na ang bansa dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis na agad tumatama sa bilihin. Ayon kay Aquino, kailangan ng agarang aksyon ng pamahalaan para mapigil ang domino effect ng oil price hike na nagpapahirap hindi lang sa consumers kundi pati sa iba’t ibang industriya. Sa ilalim ng state of national emergency, maaaring gamitin ng Pangulo ang mas malawak na kapangyarihan upang ituon ang pondo ng gobyerno…

Read More

“Ubo ng Dalawang Linggo? Magpasuri na!” DOH-MMCHD, Pinaigting ang Panawagan sa TB Screening sa World TB Day

Sa paggunita ng World TB Day, muling pinaalalahanan ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang publiko na huwag ipagwalang-bahala ang mga sintomas ng tuberculosis (TB) at agad magpa-screening, bilang mahalagang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at maisalba ang mas maraming buhay. Ayon sa datos ng Epidemiology Bureau – Integrated Tuberculosis Information System, umabot sa 101,807 na mga kaso ng TB ang naitala sa National Capital Region (NCR) as of February 16, 2026, dahilan upang higit pang paigtingin ng tanggapan ang kampanya para…

Read More

Bagong Konstitusyon nga ba ang solusyon para umunlad ang Pinas?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ISANG sistema nga ba ng parliyamentaryo ang dapat na ipalit sa presidential system sa ating bansa? Federal government ba na tulad sa Canada na prime minister ang may hawak ng executive power o tulad sa US na federal presidential o ang modelo ng Germany, o ng Japan, o ng England at iba pang bansa? Napapanahon na nga ba para amyendahan o tuluyang gumawa at lumikha ng isang bagong Konstitusyon natin? Napakaraming provision sa Cory Constitution ang kailangang mabago tulad ng teritoryo ng Pilipinas na…

Read More

KWESTYUNIN NA ANG OMBUDSMAN SA PAGHAWAK NG KASO KAY ROMUALDEZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI na ang pumupuna sa tila pagiging maingat ni Ombudsman Boying Remulla sa imbestigasyon sa flood control anomalies sa tuwing ang tanong ay nakadugtong sa pangalan ni Martin Romualdez. Sa simula pa lang, nabanggit na ang pangalan ng dating House Speaker at sa patuloy na paggulong ng imbestigasyon ay palagi itong nababanggit. Consistent, ika nga nila. Pero sa kabila nito, tila raw may contrast kung ikukumpara sa iba pang mga personalidad na idinadawit sa anomalya. Sa ilang opisyal tulad ng mga senador, mabilis ang galaw ng…

Read More

SERBISYONG MALASAKIT NI MAYOR SUSAN YAP PARA SA BAWAT TARLAQUEÑO

TARGET ni KA REX CAYANONG SA pangunguna ni Mayor Susan Yap, muling pinatunayan ng pamahalaang lungsod ang kanilang dedikasyon sa kapakanan ng bawat mamamayan. Sa opisyal na paglulunsad ng Birth Registration Assistance Program and Mobile Registration Program, tiniyak na ang bawat Tarlaqueño ay may legal na pagkakakilanlan—susi sa pag-access sa iba’t ibang serbisyong pampubliko at pribado. Pinadali ng programa ang proseso ng pagpaparehistro, mula sa tulong sa delayed birth registration, verification ng mga record, at suporta sa out-of-town registration, hanggang sa libreng birth certificate sa SECPA. Sa pamamagitan ng mobile…

Read More

LOLO NILIMAS, LIVE-IN PARTNER PALA UTAK!

ARESTADO ang isang binatilyo at ang live-in partner ng isang 87-anyos na lalaki matapos mabuking ang planong pagnanakaw sa Naic, Cavite kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “John,” 18-anyos, at alyas “Ruby,” 39-anyos, na live-in partner ng biktimang si alyas “Domingo.” Sa imbestigasyon, lumabas na si Ruby ang utak ng krimen at siyang nag-utos sa binatilyo na pasukin ang bahay ng matanda. Sa ulat, armado ng patalim at nakasuot ng itim na jacket na may hood, pinasok ng suspek ang bahay sa Pawikan St., Brgy. San…

Read More