MANGINGISDA NASAGIP SA KARAGATAN NG BATAAN

MARIVELES, Bataan — Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 35-anyos na mangingisda na namataan sa karagatang sakop ng Hornos Point, Mariveles. Nagpapatrulya umano patungong Bajo de Masinloc ang BRP Cape San Agustin nang makita ang mangingisda na humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng pagkaway at pulang bandila. Ayon sa PCG, nagkaroon ng problema ang bangka matapos makalas ang outrigger, dahilan upang hindi na ito umandar. Nagtamo rin ang biktima ng first-degree burn sa kanang hita matapos dumikit sa exhaust pipe ng makina. Agad siyang nabigyan ng paunang lunas…

Read More

NAWAWALANG 17-ANYOS NA DALAGA SA LIPA, NATAGPUANG PATAY

LIPA CITY, Batangas — Patay na nang matagpuan ang isang 17-anyos na dalaga sa isang damuhan malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Sico, Lipa City nitong Huwebes, Enero 22. Ayon sa Lipa City Police, nadiskubre ang bangkay bandang alas-12 ng tanghali ng kapatid nitong si Manny at kaibigan habang pauwi mula sa paaralan. Nakilala agad ang biktimang si “Kris,” na iniulat na nawawala matapos magpaalam noong Enero 21 upang dumalo umano sa isang birthday party ngunit hindi na nakauwi. Wala umanong nakitang sugat o saksak sa katawan ng biktima. Patuloy…

Read More

BABAE PUWERSAHANG ISINAKAY SA MOTORSIKLO, LALAKI ARESTADO

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Arestado ang isang 46-anyos na lalaki matapos umanong manutok ng baril at puwersahang isakay sa motorsiklo ang isang babae sa Barangay Cabuco, Trece Martires City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Guiller,” residente ng Sunshine Package 3, Brgy. Cabuco. Nahaharap siya sa kasong Grave Threats, Grave Coercion, at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng paggamit ng replica firearm. Batay sa ulat, nasa loob ng isang gadget store sa Sunshineville, Package 2 ang mga biktimang sina “Cecile,” 40, pump attendant, at “Marianne,” 32,…

Read More

PCG SUBSTATION COMMANDER, 7 TAUHAN SINIBAK SA PAGKAWALA NG DIVER BOAT

PANSAMANTALANG sinibak sa puwesto ang PCG Sta. Ana Substation commander at pitong tauhan kaugnay ng pagkawala ng MBCA Amejara na may sakay umanong 11 diver at 4 crew sa Davao Oriental. Isang tripulante lamang, si Christopher Bulig, ang nasagip. Ayon kay CGDSEM deputy commander Macy Gabion, ang mga inilipat na personnel ay ire-reassigned sa district headquarters habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. “As of today, the investigation is ongoing, and the Philippine Coast Guard, particularly CGDSEM, will not preempt the results. Our focus remains on search and rescue operations, as time is…

Read More

72 CONTAINER VAN NG ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES, ILALABAS NA SA PANTALAN

PINAGHAHANDAAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang paglabas ng 72 container van na puno ng abandonadong balikbayan boxes upang maihatid sa mga pamilya ng OFWs. Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, sisimulan ang proseso ngunit hindi pa agad matatanggap ang mga padala dahil daraan pa ito sa forwarders para sa maayos na distribusyon. Tiwala ang BOC na matatapos ang proseso sa loob ng ilang buwan, lalo’t tapos na ang peak season ng Kapaskuhan. (JESSE RUIZ) 139

Read More

ISKO, NAGHATID NG ₱117.5-M SUBSIDIYA SA PLM

PERSONAL na pinangunahan ni Mayor Isko Moreno-Domagoso ang paghahatid ng ₱117.5 milyon subsidiya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) nitong Enero 23. Ayon sa City Hall, bahagi ito ng agarang hakbang para patatagin ang pananalapi ng unibersidad at maiwasan ang pagkaantala ng operasyon. Saklaw ng pondo ang dalawang dating hindi nabayarang subsidy period mula pa sa nakaraang administrasyon. Gayunman, nananatili pang ₱223.75 milyon ang kabuuang hindi nababayarang subsidiya ng PLM, batay sa city finance office. “Bago ako naging mayor, ₱250 milyon ang subsidy. Itinaas natin sa ₱360 milyon. Binaba…

Read More

ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SEN. JV EJERCITO, TINANGGAP NA NG OPISINA NI SP TITO SOTTO

PORMAL nang inihain ng abogadong si Eldrige Marvin B. Aceron ang ethics complaint laban kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Ethics and Privileges, dahil sa umano’y pagpapabaya sa sinumpaang tungkulin bilang mambabatas. Kinumpirma na natanggap ng opisina ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang reklamo noong Enero 22, 2026. Ugat ng reklamo ang hindi umano pag-aksyon ni Sen. JV sa ethics complaint laban kay dating Senate President Francis “Chiz” Escudero, na inihain pa noong Oktubre 2, 2025. Makalipas ang 110 araw, wala pa ring case…

Read More

‘BIG NAMES’ SA MISSING SABUNGEROS CASE WALANG LUSOT – MALAKANYANG

TINIYAK ng Malakanyang na walang sinoman—maliit man o malaking pangalan—ang makatatakas sa batas kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungeros. Ito ay kasunod ng pahayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng nagtatago na sa Cambodia o Thailand ang puganteng negosyanteng si Atong Ang. Ayon kay Remulla, ibinunyag ng whistleblower na si Julie Patidongan na may kakayahan umanong bumiyahe si Ang sa Cambodia gamit ang mga backdoor route upang makaiwas sa mga awtoridad. Sinabi ni PCO Undersecretary Claire Castro na matagal nang mino-monitor ng gobyerno ang kaso…

Read More

3 BI OFFICIALS SINIBAK SA ‘VITALY VIDEO SCANDAL’

KINUMPIRMA ng Malakanyang na tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang sinibak sa puwesto kaugnay ng pagre-record ng content ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy habang nakadetine sa BI facility. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang mga video ay kinunan noong mga unang araw ng pagkakaaresto kay Vitaly. “Tatlo po ang natanggal na immigration officials at marami na-confiscate na cellphones,” ani Castro. Dagdag pa niya, paiigtingin pa ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang sangkot sa paglabag sa detention…

Read More