DIGITAL JUSTICE INITIATIVE IPATUTUPAD NG NBI

IPATUTUPAD na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang digital justice initiative para maging moderno ang case management at proseso sa forensic. Kaugnay nito, sisimulan na ang modernisasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay at teknolohiya para wala na umanong agent ang lumalaban sa krimen gamit ang makalumang sistema. Sinabi ni Atty. Angelito Magno, palalakasin din ng nasabing inisyatiba ang kaalaman ng NBI Academy, hindi lamang para maging bihasa sa paglaban sa mga hamon, kundi para na rin sa usapin ng malasakit ng mga imbestigador sa kanilang trabaho. Tiniyak at nangako…

Read More

OIL COMPANIES LUMALANGOY SA BILYONES NA KITA

HABANG nalulunod ang taumbayan sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, lumalangoy naman sa bilyon-bilyong kita ang mga kumpanya ng langis. Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago kasunod ng ipinatupad na oil price hike ng mga kumpanya ng langis noong Martes na lalong nagpapahirap aniya sa taumbayan partikular sa transport sector. Ayon sa mambabatas, sa unang 9 na buwan na taon, nagtala umano ang Petron Corporation ng P9.7 bilyong net income o mas mataas ng 37% kumpara sa kinita ng mga ito sa…

Read More

LIFESTYLE CHECK SA MGA POLITIKO SA FLOOD SCAM, SINIMULAN NA NG BIR

Pasok na rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa imbestigasyon ng lifestyle check laban sa mga politikong sangkot umano sa maanomalyang nakawan sa mga flood control projects ng gobyerno. Bukod sa mga private contractor at district engineers, target din ng BIR ang mga mambabatas na isinasangkot sa kontrobersyal na proyekto. Kinumpirma mismo ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa isang ambush interview sa Department of Justice (DOJ) na sisilipin din ng kanilang ahensya ang maalwan at magarbo umanong pamumuhay ng ilang politiko na kinabibilangan ng mga senador at kongresista.…

Read More

P584.28-M DROGA NASABAT, 112 SUSPEK NALAMBAT

UMABOT sa P584.28 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang iba pang law enforcement agencies, sa loob lamang ng isang linggong anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa 112 drug personalities, kaugnay sa kanilang kampanya kontra droga sa buong bansa. Ayon sa weekly accomplishment report na inilabas ng tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nabatid na 81 anti-illegal drug operations ang matagumpay na naisagawa sa loob ng isang linggong kampanya sa buong bansa mula Oktubre 24…

Read More

PNP WEBSITE ITINANGGING NA-HACK

PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) na napasok ng hackers ang kanilang websites at na-take down. Matatandaan, nauna nang nagbabala ang Department of Information and Communication Technology (DICT) nitong Nobyembre 5, “Hacking Day”, bilang petsa ng potensyal na cyberattacks. Ito ay makaraang ihayag ng grupong nagpakilalang “Happy Go Lucky Ph,” na umabot na umano sa 68 official websites ng PNP hanggang Regional at Provincial office, ang kanilang na-hack. Batay sa pahayag ni PNP spokesperson, PBGen. Randulf Tuaño, sinadya ng DICT na pansamantalang i-shutdown ang websites ng pulisya para hindi mapasok…

Read More

UHAW SA KATARUNGAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD IPINANGAKO ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na bago magpasko ay may makukulong na mga sangkot sa pinakamalalang katiwalian sa kasaysayan ng bansa… ang harap-harapan at walang takot na pagnanakaw sa flood control projects. Ramdam siguro ng gobyernong ito na uhaw na uhaw na ang mga Pilipino sa katarungan kaya para maibsan ang kanilang pagkauhaw ay siniguro ni Remulla na hindi magiging masaya ang Pasko ng mga nangurakot sa kaban ng bayan. Pero kahit may makukulong bago magpasko, hindi pa rin maibsan ang pagkauhaw ng mga…

Read More

Bakit Hindi Inventory ang Pagbibilang ng Sahig?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAKATATAWA man sa iba, nakahihiya sa marami ang lumabas na video sa social media kung saan makikita ang isang fastfood crew na nakayuko habang nagtatrabaho. Habang abala ang ibang kasamahan sa pagtanggap ng order at paghahain, siya ay nagbibilang ng tiles sa sahig. Ayon sa ulat, utos daw ito ng kanilang manager bilang bahagi ng “inventory.” Seryoso ba ito? Ang pagbibilang ng tiles ay hindi inventory. Para sa mga crew, hindi ito biro. Ito ay nakaaapekto sa kanilang dangal at tiwala sa kanilang manager.…

Read More

SINGSON KAY BBM: PAIMBESTIGAHAN MO SA ICI ANG ILOCOS NORTE

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINABI ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kay Pangulong Junjun Marcos na kung gusto niyang maniwala sa kanya ang mga Pilipino, unahin niyang paimbestigahan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga proyekto ng flood control sa Ilocos Norte na kanyang lalawigan. Natuklasan ni Singson na mismong sa Ilocos Norte ay maraming flood control projects na ang kontraktor ay ang pamilyang Discaya. Sinabi ni Singson, lumalabas na ang Ilocos Norte ay pangatlo sa Bulacan at Mindoro na pinakamalaking pinaglaanan ng pondo para sa flood…

Read More

MULA SA BILYON-BILYONG UTANG, SARILING BAHAY POSIBLE NA!

BISTADOR ni RUDY SIM ANG tahanan ay isang pangunahing pangangailangan. Pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay, hindi lang ito nangangahulugan ng seguridad at ginhawa, makatutulong din ito sa pagpapaunlad ng bawat miyembro ng pamilya. Ngunit sa hirap ng buhay ngayon at nagtataasang presyo ng mga bilihin sa Metro Manila, tila suntok sa buwan ang magkaroon ng sariling bahay. Sabi nga ng mga eksperto, umabot na sa 6.5 milyong tahanan ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa, at posibleng lumobo pa sa 10 milyon bago matapos ang kasalukuyang…

Read More