KAMARA HUGAS-KAMAY SA DEMOLITION JOB KAY SP CHIZ

NAGHUGAS-KAMAY ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sila ang nasa likod ng demolition job sa lider ng Senado ukol sa budget insertions. “Bakit kami? Bakit kami ang may kasalanan?,” sagot ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara. Unang kumalat ang impormasyon na si Escudero umano ang nagsingit ng P150 billion sa 2025 national budget na karamihan ay para sa flood control projects na kumalat nang lumubog ang maraming lugar sa bansa dahil sa nagdaang mga bagyo. Lalong uminit ang usapin…

Read More

PANUNUMPA NI CAMILLE

NANUMPA si Senator Camille A. Villar kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagbubukas ng Senado sa ika-20th Congress nitong Lunes. Bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagbigay ng maikling panayam si Camille kung saan sinabi na inaasahan niya na magbibigay ng update ang Pangulo sa mga programa gaya ng infrastructure projects ng administrasyon. Kabilang si Camille sa mga nanalo sa nakaraang 2025 midterm election. (Danny Bacolod) 212

Read More

LISENSYA NG VIRAL SUV DRIVER SINUSPINDE NG LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang sports utility vehicle (SUV) driver na nakabangga ng motorcycle rider sa isang video na nag-viral sa social media. Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, Jr. 90-araw ang suspensyon na ipinataw sa driver’s license ng SUV driver, naglabas din ng show cause order (SCO) para isuko nito ang kanyang lisensya bago ang Hulyo 30. “Kapwa ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at ang plaka ng sasakyan na sangkot sa insidente ay inilagay na sa ilalim ng…

Read More

PANIBAGONG BALASAHAN SA PNP: CIDG MAY BAGONG DIRECTOR

MULING nagpatupad ng balasahan ang Pambansang Pulisya sa pamumuno ni PNP chief General Nicolas Torre lll. Epektibo Hulyo 28, 2025 ang kautusan ni Torre na nag-aatas na palitan si CIDG chief Brig. Gen. Romeo Macapaz na halos isang buwan simula nang itinalaga. Hinirang bilang bagong officer in charge ng CIDG si PBGen. Christopher Abrahano. Habang si Macapaz ay itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office 12. Si PBGen. Marcial Mariano Peyra Magistrado, ang bagong Director ng Police Regional Office 13 o (CARAGA) Region. Itinalaga naman bilang Executive Officer ng…

Read More

Nagdeklara ng independence sa Kamara MGA DUTERTE DUMISTANSYA SA ‘POLITICAL CIRCUS’

(BERNARD TAGUINOD) NAG-WALK OUT ang mga Duterte bago nagbotohan ang mga mambabatas sa Speakership ng Kamara dahil ayaw umano ng mga ito na maging bahagi ng political circus sa Mababang Kapulungan. Nang buksan ang 20th Congress, nasa loob ng plenaryo sina Davao City 1st District Rep. Paolo “Polong” Duterte, anak nitong si Davao City 2nd District at pinsan na si Puwersa ng Pilipino Pandagat (PPP) party-list Rep. Harold Duterte subalit bago ang nominasyon ni Leyte Rep. Martin Romualdez ay umalis na ang mga ito. “I did not vote for Speaker…

Read More

SPECIAL PROSECUTOR ITINALAGANG ACTING OMB

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pag-upo ni Justice Mariflor Punzalan-Castillo bilang Officer in Charge (OIC) ng Office of the Ombudsman. Si Punzalan-Castillo, Special Prosecutor ng Ombudsman ay nanumpa sa harap mismo ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Lunes, Hulyo 28, 2025. “Wala ang JBC shortlist. Interviews of the aspirants by the JBC are yet to begin after the SONA,” ayon kay Bersamin. Natapos ang termino ni Ombudsman Samuel Martires sa kanyang pagreretiro noong Hulyo 27, 2025. Sa ulat, tinatayang 17 kilalang indibidwal ang naghain ng aplikasyon bilang susunod na Ombudsman…

Read More

SC KINALAMPAG NG MGA ESTUDYANTE

KINALAMPAG kahapon ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ang Korte Suprema kaugnay ng ipinalabas na impeachment decision pabor kay VP Sara Duterte. Ito’y kasabay ng ikaapat na SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Batasan Pambansa, Quezon City. Halos nasa 40 indibidwal, karamihan organisasyon ng kabataan at mga mag-aaral mula sa UP Manila University Student Council, at Technology University of the Philippines, PUP, FEU, at iba pa ang nagprotesta sa harap ng SC. Mariing kinondena ng grupo ang naging desisyon ng Korte Suprema nang ideklarang unconstitutional ang…

Read More

CHIZ, ROMUALDEZ HINDI NATIBAG

NAPANATILI ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang pagiging Senate President makaraang maihalal ng mga senador, sa unang sesyon ng 20th Congress nitong Lunes. Sa botong 19-5, muling nahalal si Escudero bilang Senate leader na tinalo si Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III na magsisilbi namang Senate Minority Leader. Mananatili rin si Senador Jinggoy Estrada bilang Senate President Pro Tempore habang si Senador Joel Villanueva ay manunungkulan bilang senate majority leader na siya ring chairman ng Senate Committee on Rules. Kasabay rin nito, itinalaga muli ng Senado si Atty. Renato Bantug Jr.…

Read More

Move on na sa impeachment KORUPSYON, COCAINE USE, BAHA ISYU NA HARAPIN – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KASUNOD ng pagdedeklara ng Supreme Court na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, umapela si Atty. Vic Rodriguez sa publiko na magpokus na sa tunay na problema ng bansa. Sa kanyang Facebook account, nag-post ang dating executive secretary ng maikling mensahe na nagpapahayag ng pagsang-ayon sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman, na aniya’y tagumpay ng mga Pilipino. “Tagumpay ang 𝟑𝟐 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 na malaya, kusang loob, payapa at demokratikong pumili at naghalal kay Inday Sara Duterte para maging Bise Presidente laban sa mga…

Read More