Pinasalamatan sa serbisyo sa Calabarzon SEC. RECTO AT VILMA SANTOS, INENDORSO SI ERWIN TULFO SA SENADO

OPISYAL na inendorso ni Department of Finance Secretary at dating senador Ralph Recto at dating Batangas Governor Vilma Santos ang kandidatura ni Erwin Tulfo para Senador, bilang pagkilala sa masigasig at tapat nitong serbisyo bilang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lalo na sa Batangas at buong Region IV-A. Ibinahagi ni Recto na noong siya’y kinatawan ng Ika-anim na Distrito ng Batangas, naging mahalaga ang papel ni Tulfo sa pagpapalapit ng serbisyo ng DSWD sa mga Batangueño at karatig-lalawigan, sa pamamagitan ng pagtatayo ng DSWD Field…

Read More

BENGUET CONGRESSIONAL BET SINAMPAHAN NG DQ SA COMELEC

SINAMPAHAN ng disqualification case ang congressional candidate at kasalukuyang Benguet Vice-Governor na si Ericson “Tagel” Felipe dahil sa paggamit ng government issued vehicles sa kanyang pangangampanya. Isang pribadong indibidwal ang naghain ng petition for disqualification laban kay Felipe dahil sa paglabag umano nito sa Section 68 ng Omnibus Election Code (OEC). Sa kanyang complaint affidavit , isang kulay puting sasakyan na may nakasulat na “FOR OFFICIAL USE ONLY” na madalas makitang nakaparada sa harap ng property sa Baguio City ay tinakpan at nilagyan ng magnetic signage na may nakasulat naman…

Read More

COCO MARTIN TODO ENDORSO SA FPJ PANDAY BAYANIHAN PL

BUONG pusong inendorso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa makasaysayang grand rally na ginanap sa Pangasinan. Aktibong lumahok si Coco sa motorcade kasama ang unang nominado na si Brian Poe at ang pangalawang nominado na si Mark Patron, bilang patunay ng kanyang suporta sa adbokasiya ng party-list. Sa pagtitipon, sinabi ni Coco Martin, “Nandito ako para tumulong sa kanila dahil ako mismo ang nagsasabi sa inyo, itong mga taong ito ang tutulong sa inyo. Sinimulan ito ni FPJ, ipinagpatuloy ni Susan Roces, at ngayon…

Read More

BINAY BINIRA SI VP SARA, KINUYOG NG NETIZENS

HINDI pinalampas ng mga pro-Duterte netizen ang banat ni Makati Mayor Abby Binay laban kay Vice President Sara Duterte. Sa social media, inilabas ng mga netizen ang ngitngit kay Binay matapos nitong soplahin si VP Sara na binatikos ang pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan kahit ipinagbabawal ng Comelec. Sa post ng news website na Politiko, inulan ng komento ng netizens na inuupakan si Abby Binay na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa. Makikita sa https://www.facebook.com/politics.com.ph, aabot sa 113 comments, 166 reaksyon at tatlong shares na karamihan ay…

Read More

A TEACHER UMAANI NG ATENSYON SA MGA BOTANTE

NAKUHA ng A TEACHER party-list ang atensyon ng mga botante para sa darating na May 12 elections dahil sa mga programang naglalayong magbigay ng tunay na suporta sa mahihirap, lalo na sa mga magsasaka at estudyante sa bansa. Ang A Teacher party-list nominee na si Virginia Rodriguez ay nagbabala sa mga botante na maging maingat at mapanuri sa kanilang mga pipiliing kandidato sa halalan, dahil ang kinabukasan ng bansa at kanilang mga pamilya ang nakasalalay sa kanilang mga desisyon. Pinayuhan niya rin ang mga botante na huwag tangkilikin ang mga…

Read More

‘POLITICAL ATTACKS’ DINEDMA NI PASIG MAYORALTY BET SARA DISCAYA

HINDI papatinag si Pasig City mayoral candidate Sara Discaya sa aniya ay, negatibong taktika ng ilang media na ginagamit ng kanyang katunggali para magpakalat ng political attacks laban sa kanya. Kasunod ito ng video na lumabas sa online news site na Rappler kamakailan kung saan ipinakita ang pagtulak umano ng mga supporter ni Discaya sa isang reporter na nais siyang makapanayam. Ayon kay Discaya, hindi totoo ang pinalabas sa nasabing video. Hindi rin ito binigyang-pansin ng mga netizen sa Pasig sa paniwalang panibagong political ploy lamang ito ng kampo ni…

Read More

100 SOLONS PINULONG NI ROMUALDEZ PARA TIYAKIN PANALO NG ‘ALYANSA’

PINULONG ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes ang mahigit 100 kongresista upang isulong ang pagkakaisa sa pagsuporta sa 11 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. Bilang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), iginiit ni Speaker Romualdez sa pagtitipon na ginanap sa Imelda Hall, Aguado Residence sa Malacañang, ang kahalagahan na magkaisa upang ipanalo ang mga kandidato ng Alyansa sa Senado. “We need to put extra effort into our Alyansa candidates. As I’ve said in many of our gatherings, we…

Read More

MAAYOS AT MAAASAHANG SERBISYO NG KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGULANTANG ang mga nasa España at Portugal kamakailan pagkatapos magkaroon ng matinding blackout sa Iberian Peninsula. Sa loob ng ilang segundo, bumagsak sa 10.5 gigawatts (GW) ang suplay ng kuryente mula sa 32 GW. Milyun-milyon ang naapektuhan nito dahil bukod sa kawalan ng ilaw, naantala rin ang transportasyon, at ang iba pang mga serbisyo kagaya ng telecommunications. Kung sakaling natuloy ako sa aking biyahe, naranasan ko rin sana ang pangyayaring ito dahil ang mga kaibigan kong nasa Porto — isang siyudad sa Portugal, nagulat din…

Read More

KUME NAGWALA SA MEETING?

BISTADOR ni RUDY SIM TRENDING na ang insidente kung saan ay ‘G NA G’ si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado na pumasok sa isang meeting ng ilang matataas na opisyales ng ahensya na nagsasagawa ng pagpupulong para sa pagsusulong ng modernisasyon upang mapabilis ang proseso ng mga dayuhang nasa bansa at maiwasan ang matagal nang bulok na sistema na pinagmumulan ng korupsyon. Ayon sa nakalap nating impormasyon mula sa mga Maritess sa BI, habang nasa kalagitnaan umano ng naturang meeting na isinagawa sa main office noong nakaraang Biyernes,…

Read More