HINUBARAN NG KARANGALAN

 GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAPANOOD ko ang video ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Hiniling ng isang punong-guro sa Antique sa kanyang magtatapos na mga mag-aaral na hubarin ang kanilang suot na toga bago sila makapagmartsa. Bawal daw. Mabilis na naging viral ang video. Nagalit ang mga tao. Ang ilan ay nagtaka at hindi makapaniwala. Gayundin ako. Nakabihis na ang mga estudyante at nakapila na. Handa na silang magmartsa. Nakangiti ang ilan. ‘Yung iba mukhang kinakabahan pero excited. Pagkatapos ay may nagsabi sa kanila na hubarin…

Read More

CHINA MADE PRODUCTS LALONG BABAHA SA PINAS

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT KAILANGANG magbantay ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) kasama siyempre ang kanilang mother agency na Department of Finance (DOF), ngayong tumitindi ang tariff war ng China at United States (US). Itigil na kasi ng importers ang pagdadala ng mga China made product sa Amerika dahil sa napakataas na taripa na ipinataw ni US President Donald Trump sa mga produktong galing sa kaharian ni Xi Jinping. Walang ibang opsyon ang China kundi i-export ang kanilang mga…

Read More

QCPD NABABALOT SA KONTROBERSIYA

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINIBAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Major General Anthony Aberin noong Abril 21, 2025, mula sa kanyang pwesto si Quezon City Police District (QCPD) director, Police Brig. Gen. Melecio Buslig, Jr., dahil sa command responsibility matapos na isa sa kanyang mga pulis ang nasampahan ng kasong grave misconduct. Sa isang pahayag noong Martes, tinugunan din ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Rommel Marbil ang isyu, na nagsabing: “Let this be clear: We will not allow any abusive officer…

Read More

CONVOY NG MAYORALTY CANDIDATE SA ABRA, INULAN NG BALA

PATAY ang isang kasamahan ng mga kandidato at isa pa ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Sitio Agdamay ng Barangay Budac sa Tayum, Abra. Ayon sa inisyal na ulat, nakatanggap ang Tayum Police Station ng impormasyon hinggil sa pamamaril, kung saan agad tumugon ang pulisya at naglatag ng checkpoint sa mga posibleng exit point mula sa pinangyarihan ng pamamaril. Isang itim na pick-up truck ang pinara ng mga awtoridad na minamaneho ni alyas ‘Ben’ matapos makarinig ang mga pulis ng putok ng baril. Nakuha mula sa direktang pag-iingat…

Read More

PRESIDENTIAL MEDAL OF MERIT PARA KINA NORA, PILITA, MARGARITA, GLORIA

KINUMPIRMA ng Malakanyang na gagawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Nora Aunor, Pilita Corrales, Margarita Fores, at Gloria Romero ng Presidential Medal of Merit sa Mayo 4, 2025. “The event is confirmed,” ang pagtiyak ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang parangal ay para sa kanilang mga hindi matatawarang kontribusyon sa Philippine entertainment industry at gastronomy. Si Nora Aunor, tinaguriang Superstar at isang National Artist; Gloria Romero, kilala bilang movie queen noong 1950s; Pilita Corrales, tinaguriang Asia’s Queen of Songs at Chef Margarita Fores, pioneer…

Read More

SHOE FESTIVAL BINUKSAN SA MARIKINA

DINALUHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Cacho Araneta-Marcos ang pagdiriwang ng Shoe Festival nitong Martes ng hapon sa Marikina City. Mainit naman na sinalubong ang unang ginang nina Senator Aquilino “Koko” Pimentel; asawang si Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the UAE for Trade and Investments na apo ng sapatero at Ikalawang Distrito Rep. Stella Quimbo kasama ang Pamahalaang Lungsod. Ang Marikina ay kinikilala bilang Shoe Capital of the Philippines. Ang pagdiriwang ay may temang “Marikina: Pamana ng Sapatos-Kahapon, Ngayon at Bukas”. Sa kanyang pag-iikot sa Marikina Freedom…

Read More

MAHIGIT P400K SHABU NASAMSAM SA HVI

MAHIGIT P400,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng pulisya mula sa isang high value individual (HVI) drug pusher nang masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director, P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief, P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., ang suspek na si alyas “Dexter”, 25, residente ng lungsod. Ayon kay Aniway, positibo ang natanggap na impormasyon ng kanyang mga tauhan hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng droga kaya ikinasa nila ang buy-bust operation,…

Read More

MURDER SUSPECT NABINGWIT SA BINONDO

NABINGWIT ng mga operatiba ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 29-anyos na murder suspect sa Binondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jorakim Salum alyas “Bakla”, 29, binata, helper, residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Armando Dela Cruz Jr., hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, bandang alas-2:30 ng hapon nang damputin ang suspek makaraang inguso ng mapagkakatiwalaang impormante, sa harap ng isang fastfood restaurant sa naturang…

Read More

Marcos admin kinalampag KRIMEN, KORUPSYON TUGUNAN AGAD

NANGALAMPAG ang Citizens Crime Watch sa administrasyong Marcos Jr. para agad tugunan ang dumaraming krimen at ang korupsyon sa gobyerno. Pinuna rin ng grupo ang magkaiba anilang pahayag ng dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa problema sa kidnapping sa bansa. “Sana naman pag-aralan nilang maigi ‘yung mga ginagawa nilang sinasabi, sapagkat ngayon pong panahon, ang mga tao mukhang humihina po ang kanilang pagtitiwala at paniniwala sa atin pong mga pulis,” ani Jigs Magpantay, National President, Citizens Crime Watch. Ayon sa grupo, kailangang magpatupad si Pangulong Ferdinand Marcos…

Read More