MAYOR MARCY SINUSPINDE SA PAGLUSTAY NG PHILHEALTH FUNDS SA VIETNAM TRIP

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ANG maling paggamit sa pondo ang nagdulot ng pagkakasuspinde ni Marikina Mayor Marcy Teodoro. Lumitaw ang kontrobersyal na isyu matapos ibunyag sa reklamo ni Prof. Sofronio Dulay na ginamit umano ni Teodoro at ng kanyang asawang si Cong. Maan ang pondo ng PhilHealth para sa kanilang byahe sa Vietnam. Ayon sa reklamo, bahagi ng P130 milyong PhilHealth funds na inilaan para sa serbisyong pangkalusugan ng mga residente ay ginamit hindi lamang sa pagbili ng mga gastusin na walang kinalaman sa kalusugan kundi pati na rin sa…

Read More

MALABON PARA KAY CAMILLE

NAKUHA ni senatorial candidate Camille Villar ang pag-endorso mula sa mga lokal na opisyal ng Malabon. Sa photo op, gumawa ng “C” hand sign ang mga ito na nagpapahiwatig ng buong suporta para sa senatorial bid ni Villar. Kasama ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval (ikaapat mula kaliwa) at asawang si dating Rep. Ricky Sandoval, ang mga konsehal ng lungsod na sina Niño Galauran, Gerry Bernardo, Maricar Torres, at Leslie Yambao sa isang sortie nitong Huwebes (Marso 27, 2025). (DANNY BACOLOD) 412

Read More

PAG-ASA HATID SA PAMILYA NG NASAWING VOLUNTEER FIRE FIGHTER

SI ABP Party-list first nominee Jose Antonio Ejercito Goitia ay personal na nakiramay sa fire volunteer na namatay sa pagresponde sa sunog sa Tondo. NAKASUMPONG ng pag-asa ang nagdadalamhating pamilya sa Tondo, Maynila matapos ang trahedyang sinapit ng isang hepe ng bumbero na nasawi sa sunog, ilang oras lamang matapos niyang sagipin ang asong na-trap sa nasusunog na bahay. Sa burol noong Martes ng gabi para kay Rodolfo Baniqued, isang 52-anyos na boluntaryong hepe ng bumbero, personal na nagbigay-pugay si Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, unang nominado ng Ang Bumbero…

Read More

BAKIT KAILANGAN BUMUKOD SA MAGULANG?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG paglipat ng tirahan ay dating malaking layunin para sa mga young adult. Ito ay tanda ng kalayaan, isang hakbang tungo sa pagbuo ng sarili mong buhay. Ngunit sa sobrang mahal ng lahat ng mga bagay ngayon, mas maraming taong nasa edad 20 pataas ang nananatili sa bahay ng kanilang mga magulang sa halip na umupa ng kanilang sariling lugar. Ginagawa ito ng ilan para makatipid. Nakikita ito ng iba bilang isang praktikal na paraan upang mabuhay. Sa alinmang paraan, ito ay nagiging mas…

Read More

NAMBOBOLA LANG SA LAND CONVERSION

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT NOONG nasa Laguna ang mga kandidato ng administrasyon sa pagka-senador para mangampanya, ang isa sa isyung pinag-usapan ay ang lumalalang land conversion at halos lahat sila ay pabor na ipatigil na gawing commercial at subdivision ang mga agricultural land. Pero ang tingin ko, binobola na naman nila tayo! Bakit kanyo? Halos lahat ng mga senatorial candidate na nagsalita ay mga dati at kasalukuyang senador na hindi pinansin ang problemang ito at tila nagbulag-bulagan lamang. Marami na ring panukalang batas para kontrolin ang pag-convert sa mga lupang…

Read More

SAAN HAHANTONG ANG KALIWA’T KANANG PROTESTA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA darating na Marso 28, 2025 ay kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands matapos na kusang ipadala ng BBM administration para paharapin sa reklamo kaugnay sa war on drugs sa panahon ng kanyang panunungkulan. Sa araw na ito ay 80-anyos na si FPRRD at batay sa ating natanggap na impormasyon ay magkakaroon ng protesta para iparamdam ng mga Pilipino ang kanilang suporta sa dating pangulo. Ang hindi lang natin alam ay kung gaano kalaki ang magiging protesta at…

Read More

NCRPO MAGPAPAKALAT NG MGA PULIS SA AREAS NA MAY CAMPAIGN PROGRAM

NAKAHANDA na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag-arangkada ng kampanya sa lokal na kandidato sa Metro Manila simula ngayong Biyernes. Ayon kay NCRPO Director Police Brig Gen Anthony Aberin, bahagi ng kanilang gagawing security measures ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga lugar kung saan inaasahang magsasagawa ng campaign programs ang mga kandidato. Dahil dito, nanawagan si Aberin sa mga kandidato ng kooperasyon para makapaglatag sila ng komprehensibong security coverage upang matiyak ang lahat ng aktibidad sa panahon ng kampanya ay maging mapayapa at naaayon sa batas.…

Read More

VP SARA SINOPLA NG MALAKANYANG

NIRESBAKAN ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte matapos nitong magpatutsada na papunta na ang Pilipinas sa basurahan at nawawalan na umano ng pag-asa ang mga tao dahil hindi nararamdaman ang administrasyong Marcos. ”Hindi ba siya ang nawawala sa Pilipinas ngayon?” ang tugon na patanong ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang nang tanungin ukol sa mga pahayag ng Bise Presidente. “Kung walang nakikita siya na ginagawa ng administrasyon, malamang ay dahil nasa ibang bansa siya. Ang Pangulo po ay nasa…

Read More

SOLON: SENADO HINDI PINI-PRESSURE SA HIRIT NA SUMMON KAY VP SARA

ITINANGGI ng isa sa House prosecutors sa Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na pine-pressure ng mga ito ang liderato ng Senado na magsisilbing Impeachment Court at huhusga sa pangalawang pinakamataas na lider ng bansa. We are not pressuring (ang Senate), we are doing our job. Sabi ko nga kanina, gusto rin namin mangampanya pero kami naman ang magkakaroon ng culpable violation of the Constitution ‘pag hindi namin ginawa ang aming tungkulin,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Ginawa ng mambabatas ang pahayag kaugnay ng kanilang inihaing mosyon sa…

Read More