UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gobyerno at oposisyon na huwag kaladkarin at idamay ang overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang away-pulitika. Ginawa ni Rep. Marissa Magsino ang panawagan sa gitna ng pahayag ng supporters ng pamilyang Duterte na ititigil nila ang pagre-remit ng kanilang sweldo sa loob ng limang araw o mula sa Marso 28 hanggang Abril 1. Agad naman nagbabala si Presidential legal counsel Juan Ponce Enrile na may kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang pribilehiyo ng mga OFW tulad ng zero-tax remittance, libreng…
Read MoreAuthor: admin 3
Pagiging ‘magaspang’ ng gobyerno pinalagan KONGRESO ‘WAG GAMITIN PARA GUMANTI SA OFWs
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINONDENA ng isang grupo ang mistulang pagbabanta ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa mga overseas Filipino worker (OFW) na sasama sa protesta na maaaring bawiin ng mga mambabatas ang kanilang mga pribelehiyo. Nauna rito, inihayag ng ilang OFW ang pagsasagawa ng ‘zero remittance week’ bilang pagsuporta kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa panawagang ibalik ito sa Pilipinas. Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, hindi katanggap-tanggap at kagaspangan ng kapangyarihan kung gagawin ito ng gobyerno para sa mga sinasabing ‘bagong bayani’ ng…
Read MoreAtty. Rodriguez kay Quimbo PHILHEALTH FUNDS NASAAN NA?
PINUNA ni senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa kanyang ginagawang fashion show sa Kamara bitbit ang iba’t ibang mamahaling bag gaya ng Hermes. Ito’y sa kasagsagan ng isyu ng paglilipat ng pondo ng PhilHealth pabalik sa national treasury at ang kontrobersyal na 2025 budget. Isa si Quimbo sa mga kongresistang nagbigay ng zero subsidy sa PhilHealth sa 2025 budget. “Hindi pa ba sapat iyong nagpa-fashion show ka diyan sa House of Representatives. Tangan-tangan ang mga Hermes bag, tatlong milyon, dalawang milyon, apat na…
Read MoreKOKO NALILIGAW; ‘DI KABISADO MARIKINA
BISTADO na lutang at walang alam si Senador Koko Pimentel sa mga lugar sa Marikina kung saan tumatakbo siya bilang kongresista ng Unang Distrito ng siyudad. Sa “Make Manila Liveable: Elections Kapihan with Marikina Candidates” ng Rappler, halata sa kanyang mga pahayag na hindi pamilyar si Pimentel sa mga lugar sa lungsod. “Meron tayo rito, iyong ano, iyong source ng water, ano Del (de Guzman)… sa Barangka, balon, na may structure na ngayon,” wika ng nauutal na si Pimentel, na tinanong pa ang katabing kandidato na si Del de Guzman.…
Read MoreTEODORO COMPLAINANT UMAMING TAO NI QUIMBO
INAMIN sa Office of the Ombudsman ng nagsampa ng kaso kay Marikina Mayor Marcy Teodoro na siya’y kaalyado ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo. Sa pagharap sa media, inamin ni Sofronio Dulay na siya’y kaalyado ng mga Quimbo nang komprontahin ukol sa kanyang mga Facebook post na pabor sa katunggali ni Teodoro. “Imposible naman na sumuporta pa ako kay Marcy. Dinemanda ko tapos susuporta ako sa kanya. Illogical,” katwiran ni Dulay. “Siyempre doon ako susuporta sa walang kasalanan,” dagdag pa niya. Sa kanyang Facebook page, ibinida pa ni…
Read MoreSIGAW NG MARIKINA: MARCY, TULOY ANG LABAN!
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SINALUBONG ng galit na mga taga-Marikina ang kautusan ng Office of the Ombudsman na patawan ng anim na buwang suspensiyon ang kanilang alkaldeng si Marcy Teodoro. Kinondena ng mga residente ng siyudad ang suspensyon sa pagsasabing wala itong epekto sa kanilang suporta sa alkalde. “Solid kami kay Mayor Marcy. Iyan ang sigaw ng taga-Marikina,” wika ng isang residente. “Team Marikina City pa rin kami. Solid ang suporta namin kay Mayor Marcy,” dagdag pa ng isa. Anila, hindi magbabago ang kanilang pananaw sa mga Teodoro, na subok…
Read MorePUWERSA NG PNP PINAIGTING SA PAGSIPA NG LOCAL CAMPAIGN PERIOD
IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na paigtingin ang kanilang inilatag na security blanket kaugnay sa pag-arangkada ng kampanyahan para mga local position sa Biyernes. Kasabay nito ipinag-utos din ni PNP chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil, na mas palakasin ang pagbabantay sa mga lugar na itinuturing na ‘hot spots or areas of immediate concern’ sa pagsisimula ng kampanyahan para sa local elective post mula sa pagka-gobernador, district representatives hanggang pagka-alkalde at konsehal. Una nang pinaghandaan ng PNP ang ipatutupad na security measures sa mga lugar na itinuturing na…
Read MoreELECTION OFFICER AT MISTER PATAY SA PANANAMBANG SA MAGUINDANAO
PATAY ang isang election officer at ang kanyang mister makaraang pagbabarilin ng riding in tandem, Miyerkoles ng umaga sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang mga biktima na sina Atty. Maceda Abo, election officer ng Datu Odin Sinsuat at mister nito na si Jojo Abo. Lumitaw sa paunang imbestigasyon, sakay ang mga biktima sa Toyota Fortuner na minamaneho ng mister galing sa kanilang bahay para ihatid si Atty. Abo sa kanyang opisina sa Dalican, Datu Odin Sinsuat. Dakong alas-08:20 ng umaga…
Read MoreLALAWIGAN NG QUEZON NAIPASA ISO 9001:2015 CERTIFICATION AUDIT
NAIPASA ng Pamahalaang Panlalawigan ang ISO 9001:2015 Quality Management System Certification Audit nitong ika-25 ng Marso 2025. Ito ay matapos ang mahabang paghahanda at dalawang araw na masusing pagsusuri ng Certification Partner Global (CPG) FZ LLC. Ang Certification Partner Global (CPG) ay isang nangungunang certification company na nakatuon sa pagbibigay ng mga serbisyong pagsasanay at sertipikasyon tungkol sa sistema ng pamamahala sa mga Industriya, Komersyo, at Gobyerno. Matatandaan na nitong nakaraang Enero 16, taong kasalukuyan ay nakapasa ang Provincial Government of Quezon sa Stage 1 Initial Audit ng naturang certification…
Read More