SUMMER SPECIAL UNIFORM SA PRIVATE SECURITIES APRUB

PINAPAYAGAN ng PNP – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o PNP- SOSIA ang paggamit ng summer special set of uniforms ng mga private security personnel na naka-deploy sa outdoor areas. Base sa Uniform and Equipment Board resolution ng PNP-SOSIA at sa babala ng DOH at PAGASA, mapanganib ang kasalukuyang heat index na maaaring magdulot ng heat exhaustion at heat stroke. Gayunman, ang mga Private Security Service Provider ay kailangang humingi ng Letter of Authority bago gamitin ang summer uniform na sasailalim naman sa pagsusuri ng Uniform and Equipment…

Read More

Pinaiimbestigahan ng DA sa NBI NALULUGING MAGSASAKA SA NE NAGSU-SUICIDE NA?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HUMANTONG na umano sa pagpapatiwakal ang depresyon ng ilang magsasaka na dumaranas ng matinding pagkalugi ngayon sa gitna ng bagsak presyong palay. Matapos kumalat sa social media ang mga ganitong usapan ay agad nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Department of Agriculture (DA) upang matukoy kung ito’y may katotohanan. Nais ng DA na imbestigahan ng NBI ang mga balitang nasa tatlong magsasaka umano mula sa Nueva Ecija ang nagpakamatay dahil sa pagkalugi sa kanilang mga pananim na gulay. Bagaman may insidente ng pagkamatay ng…

Read More

2 SUSPEK SA PAGPATAY SA APARRI, CAGAYAN VICE MAYOR AT 5 PA, TIKLO

KALABOSO ang dalawang suspek na responsable sa pagpaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda, na ikinamatay rin ng apat na bodyguards at driver nito noong taong 2023. Hindi nakapalag ang mga suspek nang isilbi sa kanila nitong Martes, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Barangay Luna, Sta. Rosa, Nueva Ecija, ang warrant of arrest na inilabas ng Bayombong, Nueva Vizcaya Regional Trial Court Branch 28, kaugnay sa anim na bilang ng kasong murder. Kabilang sa naaresto ang itinuturong lider ng De Guzman potential private armed group, at isang miyembro…

Read More

LAGUNA SINUYOD NG ‘AKO-OFW BIYAHENG KONGRESO CARAVAN’

SINUYOD ng AKO-OFW Party-list ang bawat sulok ng Lumban, Laguna bilang bahagi ng “Biyaheng Kongreso Caravan ng AKO-OFW,” kung saan nagsagawa sila ng kanilang house to house tour kasama ang pinaka-popular na kakandidatong mayor na si Wendy “Love U All” Samonte. Dito, personal na inendorso ni Samonte sa kanyang mga kababayan sa Lumban ang AKO-OFW Party-list upang ipalaganap pa ang mga nais maisabatas ng nasabing partido. Pangunahin kasi sa plano ni AKO-OFW Party-list 1st Nominee Dr. Chie Umandap ang pagpapatayo ng kauna-unahang “Remote Filipino Workers Digital Creative Hub Building” sa…

Read More

TUGBOAT AT PANAMIAN CARGO VESSEL NAGBANGGAAN; 1 PATAY, 1 MISSING

PATAY ang kapitan ng isang Philippine tugboat vessel matapos na makabanggan ang isang Panama registered cargo vessel nitong Martes ng madaling araw sa dagat sakop ng Maasim, Sarangani Province. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nasawi sa banggaan ng barko at tugboat sa Sarangani subalit hindi kaagad inilabas ang pagkakakilanlan nito. Ayon sa PCG, nangyari ang insidente bandang alas-4:20 kahapon ng umaga sa karagatang sakop ng Maasim, Sarangani. Sa ibinahaging ulat ng Philippine Coast Guard na nakabase sa nasabing bayan, patay ang kapitan ng M/Tug Sadong 33, isang…

Read More

PULIS, 3 PA HULI SA 20 KILO NG SHABU

ARESTADO ang isang police officer at tatlo pang hinihinalang bigtime drug personalities sa hilagang Luzon makaraang mahulihan ng 20 kilo ng umano’y shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Baguio City. Ayon sa inisyal na ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Usec. Isagani Nerez, tinatayang P136 milyon ang halaga ng umano’y shabu na nakumpiska mula sa apat na high value target, isa rito ay police personnel, na kanilang nahuli sa isinagawang buy-bust operation. Batay sa ulat, bandang alas-11:02 ng umaga nitong Martes, inilunsad…

Read More

4 CHINESE NAT’LS ARESTADO SA FRAUD, SMUGGLING

APAT na Chinese national na sinasabing pawang sangkot sa fraud at smuggling, ang naaresto sa isinagawang joint law enforcement operation ng militar at pulisya sa Barangay Nueva Vida, M’lang, Cotabato. Kinilala ang mga nadakip na sina Liu Dezhen, Tang Zhongyi, Tianpei Wu, at Wang Lian Xu. Una rito, isang dragnet operation ang inilatag sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau of Investigation Region 12 (NBI-12), Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 (PDEA-12), at Philippine National Police (PNP-M’lang MPS), na suportado ng AFP Joint Task Force Central at 6th…

Read More

16 TEXT BLASTERS KUMPISKADO NG ACG-PNP SA TARLAC

CAMP Olivas, San Fernando, Pampanga- Labing-anim na text blaster equipment ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) at Tarlac PNP sa ikinasang entrapment operation noong Lunes sa Burgos Street, Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac. Isang alyas “Ray”, 28, residente ng Paniqui, Tarlac, ang arestado ng nabanggit na mga operatiba matapos mahuling nagbebenta online ng nasabing 16 SIM-based text blasters o international mobile subscriber identity (IMSI) catchers. Ang suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Philippine Radio Control Law, SIM Registration Act, Data…

Read More

CAMILLE VILLAR NAGPAPASALAMAT SA SUPORTA NG CAVITEÑOS

NAGPASALAMAT si Camille Villar sa suporta ng mga taga-Bacoor, Cavite. Nagbigay ng suporta kay Villar sina Bacoor Mayor Strike Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola sa flagraising ceremony noong Lunes sa Bacoor. Sa sandaling mabigyan ng pagkakataong maglingkod sa Senado, nangako si Villar na uunahin ang mga proyekto at batas na magtataguyod ng mga small-and-medium na negosyo, reproductive at maternal health at de-kalidad na edukasyon, bukod sa iba pa. (Danny Bacolod) 229

Read More