‘PEOPLE POWER’ NI ROQUE SINUPALPAL NG PALASYO

SINUPALPAL ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque matapos idaan ng huli sa kanyang Facebook Live ang muling panawagan nito na people power revolution. Para kay Roque, walang masama sa people power revolution dahil ‘mapayapang pagtitipon’ lamang naman ito. “Peaceful gathering for what? For what? Anong purpose? Well, they can discuss this over YouTube channel nila, over social media accounts nila, and for what is that gathering? If they’re for peace, why are they asking for the resignation of…

Read More

SOLONS KAY VP SARA: MAHIYA KA NAMAN

“MAHIYA naman sila!” Reaksyon ito ng isang militanteng mambabatas kay Vice President Sara Duterte-Carpio nang ikumpara nito ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte kay dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. “Si Ninoy ay nakipaglaban sa diktadura ni (Ferdinand) Marcos Sr. noon na pumatay ng napakaraming Pilipino at si Digong naman ay nagpapatay din ng napakarami nating mamamayan,” pinunto ni House Deputy Minority Leader France Castro. Una rito, sinabi ng panganay na anak na babae ni Duterte na posibleng magaya kay Ninoy ang kanyang ama kapag umuwi ito sa Pilipinas…

Read More

VIRGINIA RODRIGUEZ NAGPASALAMAT SA 38th PMPC star awards at FAMAS SA IGINAWAD NA AWARD

TAOS-PUSONG pasasalamat ang ipinaabot ni Ms. Virginia Rodriguez sa natanggap na pagkilala mula sa 38th PMPC Star Awards at sa FAMAS Prestige Awards bilang Philanthropist of the Year at Outstanding Entrepreneur in Agribusiness. “Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagtanggap ng parangal na ito lalo na sa mga kinatawan ng PMPC at FAMAS. Malaki ang naging tulong ng inyong suporta sa aking mga adhikain, at tinitiyak ko na ipagpapatuloy ko ang aking misyon na tulungan at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino,” ayon kay Rodriguez sa kanyang pagtanggap ng…

Read More

PAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE ‘DI DAPAT MABALAM SA TRANSPORT STRIKE AT IBA PANG MGA PROBLEMA SA BANSA

PINATITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na palakasin pa ang kakayahan ng sektor ng edukasyon upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga mag-aaral tuwing may krisis o aberya, tulad ng suspensyon ng face-to-face classes bunsod ng tatlong araw na transport strike. Ayon kay Gatchalian, bagamat naiwasan ng mga mag-aaral at guro ang abala dulot ng tigil-pasada, ipinakita rin nito ang matagal nang kahinaan ng sistemang pang-edukasyon sa gitna ng krisis. Iginiit ng senador na hindi dapat natitigil ang pag-aaral sa tuwing may ganitong mga hamon,…

Read More

ASSASSINATION PLOT KAY DU30 GUNI-GUNI LANG

WALANG basehan ang tila pinangangambahan ni Vice President Sara Duterte na security threats laban kay dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sakali’t mapabalik ang huli sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinagot ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang tila pagkukumpara ni VP Sara sa amang si Digong kay dating senador Ninoy Aquino. Bahagi ng talumpati ng Bise Presidente sa meet-and-greet event na inorganisa ng Duterte supporters sa Het Malieveld The Hague, Netherlands na binalaan umano niya ang ama na maaaring matulad kay Ninoy…

Read More

HIGIT 8K NA PULIS BANTAY SA TRANSPORT STRIKE

IDINEPLOY ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 8,152 na pulis sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang matiyak ang seguridad at maalalayan ang mga commuter sa gitna ng transport strike ng grupong Manibela. Sinabi ni NCRPO Regional Director Police Brig Gen. Anthony Aberin, na kabilang sa mga idineploy ang Civil Disturbance Management contingents na magbabantay sa matataong lugar, transport terminals at commercial zones. Pinakalat din ang mga pulis sa mga pangunahing kalsada upang mapanatili ang kaayusan sa gitna ng transport strike. In-activate na rin ng NCRPO…

Read More

KAMPANYA KONTRA FAKE NEWS SAKOP VLOGGERS ABROAD – DOJ

HAHABULIN at pananagutin din ng mga ahensyang nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) ang mga vlogger at social media influencers na nasa abroad na nagpapakalat ng maling impormasyon o balita laban sa gobyerno ng Pilipinas. Ito ang tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime “Jimmy” Santiago sa isang ambush interview sa ginanap na 52nd NBI Agent’s Basic Training Program Commencement Exercises sa DOJ Hall of Justice (DOJ) kahapon. Paiigtingin ng NBI ang koordinasyon sa International Criminal Police Organization (Interpol) para maisyuhan ng warrant of arrest ang iba…

Read More

PAGKAKALAT NG FAKE NEWS ITUTURING NA CYBER CRIME OFFENSE

KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na may mga hakbang na silang isinasagawa upang maituring bilang cybercrime offense na may mabigat na parusa ang pagpapakalat ng fake news o maling impormasyon sa social media. Katunayan ay nagsimula na anya ang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media sa mga panukala kaugnay nito na sisikapin nilang gawing batas. Isa na rito ang inihain niyang Senate Bill 1296 na nagsusulong na maidagdag ang pagkakalat ng fake news bilang krimen sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2013…

Read More

Kapag nagpilit umuwi FPRRD MATUTULAD KAY NINOY – VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINALAAN ni Vice President Sara Duterte ang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na posibleng sapitin nito ang nangyari kay dating senador Ninoy Aquino kapag nagpumilit itong umuwi mula sa The Netherlands. Sa pagtitipon ng kanilang mga supporter sa The Hague kung saan naroon ang detention facility ng International Criminal Court (ICC) ay nagbigay ng pahayag ang batang Duterte hinggil sa kanilang pag-uusap ng ama. Ayon kay VP Sara, tuwing binibisita niya ang dating pangulo sa detention center ng ICC, lagi nitong tinatanong kung maiuuwi siya…

Read More