CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA gitna ng mga kontrobersya sa PhilHealth, nalaman ng taumbayan na sangkatutak palang pondo ang hindi nito ginagamit. Imbes pakinabangan agad ng mga miyembro para sa kanilang problemang pangkalusugan ay nagmistulang imbakan ng pondo ang ahensya. Sa batas, nakukuha ng PhilHealth ang kanilang pondo mula sa sintax o kabuuang koleksyon mula sa buwis sa sigarilyo; sa share ng gobyerno sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Maging sa charity fund at mandatory contributions ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); premium contribution ng mga miyembro;…
Read MoreAuthor: admin 3
HINDI DANCER ANG KAILANGAN NAMIN SA SENADO
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT INTELEHENTE ang dapat nating iluklok sa Mataas na Kapulungan o sa Senado at hindi dancer dahil sa rami ng mga problemang kinahaharap ngayon ng bansa tulad ng corruption, mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod, kawalan ng trabaho at kung ano-ano pa. May mga senatorial candidate kasi na walang mailatag na plataporma kundi sumayaw lang sa kanilang kampanya. Hindi na tayo magbabanggit ng pangalan baka pagdating ng araw ng eleksyon ay maalala niyo siya. Nakasusuka talaga na may mga kandidatong ganito eh hindi dancer ang kailangan…
Read MoreTAIWANESE BUSINESSMAN SA SUBIC NA RAPE SUSPECT SA MINOR, TINUKOY
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISINIWALAT ng isang menor de edad ang pagkakakilanlan ng umano’y lalaking gumahasa sa kanya, sa pamamagitan ng sinumpaang salaysay, na isang negosyante sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City. Sa complaint affidavit ng biktima, kinasuhan niya ang isang nagngangalang Simon Su para sa krimeng RAPE, SERIOUS ILLEGAL DETENTION at CORRUPTION OF MINOR. Ayon sa biktima, noong Hulyo 2022, nagsimula siyang magtrabaho sa isang canteen sa Morong, Bataan bilang isang dishwasher matapos siyang ipasok ng kanyang tiyahin. Ang nasabing canteen ay pagmamay-ari ni Su. Sa…
Read MoreSEN. BONG GO, NO. 1 PA RIN SA 2025 SENATORIAL RACE!
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING pinatunayan ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang matibay na posisyon sa darating na halalan, matapos manguna sa pinakabagong Tangere pre-election survey na isinagawa mula Marso 11 hanggang 14. Ayon sa naturang survey, nasa statistical tie si Go sa top spot na may 54% voter preference. Ang resulta ng survey na ito ay patunay ng kanyang matatag na ranggo sa iba pang pre-election surveys noong Pebrero. Sa pinakahuling OCTA Research poll na isinagawa mula Pebrero 22 hanggang 28, pumangalawa si Go na may 62% voter…
Read MoreMAG-INGAT SA SCAMMER
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MULI nating pinaalalahanan ang ating mga kababayan na mag-ingat sa mga scammer na laging nakaabang sa kanilang mabibiktima. Pinag-iisipan ng mga scammer na ito kung paano sila makapambibiktima gamit ang iba’t ibang social media platforms. Nariyan ‘yung magpopost sila ng mga produkto na kunwari ay orihinal, subalit pag-umorder ka, ang darating sa ‘yo ay peke. Nariyan din na may magme-message sa kanilang bibiktimahin na sasabihin na may ipinadala sa kanyang package o balikbayan box na nakabinbin sa Bureau of Customs. Ang scammer ay magpapanggap…
Read MorePUGANTENG PULIS ARESTADO NANG DUMAAN SA EDSA BUSWAY
KALABOSO ang puganteng pulis makaraang sitahin ng mga tauhan ng DOTr-SAICT at PNP-CIDG nang dumaan ito sa busway sa bahagi ng main avenue station ng EDSA busway, Lunes ng umaga. Ayon sa SAICT, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng rush hour nang pumasok ang suspek sa busway dahilan para ito parahin. Dito na nagpakilala ang suspek na pulis siya, dahilan upang humingi ng tulong sa CIDG ang SAICT para kumpirmahin na lehitimong miyembro ito ng Pambansang Pulisya. Nadiskubre na sampung taon nang nagtatago sa batas ang suspek dahil may nakabinbin…
Read MoreOverstaying Egyptian huli rin PUGANTENG KANO TIMBOG SA DRUG TRAFFICKING
ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national na wanted sa U.S. federal authorities dahil sa drug trafficking. Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Henry Watkins, kilala rin bilang si “Tutu,” 51-anyos na American national. Siya ay inaresto noong Marso 18 sa kanyang bahay sa Barangay Ubaliw, Polangui, Albay, ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU). Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng gobyerno ng Amerika na humingi ng tulong sa BI para mahanap at ma-deport si Watkins. Nakumpirma na…
Read MoreP8-M SHABU NASABAT SA CENTRAL LUZON
Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Mahigit sa P8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa kampanya laban sa ilegal na droga at naaresto ang maraming high value individuals (HVIs) sa serye ng mga operasyon sa loob ng tatlong araw. Noong Marso 23, 2025, bandang alas-4:45 ng hapon, ang pinagsamang anti-illegal drug operation, sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Police Stations 4 at 6, Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU), at City Intelligence Unit (CIU), ay nagresulta sa…
Read MoreTOLL RELIEF IPINATUPAD SA NLEX
BILANG tugon sa panawagan ng Department of Transportation (DOTr), nagpatupad ang NLEX Corporation ng pansamantalang toll relief sa northbound na bahagi ng expressway mula Balintawak hanggang Meycauayan na nagsimula nitong Marso 24, 2025, dakong alas-12 ng tanghali. Ayon sa NLEX, ang relief ay mananatiling may bisa hanggang sa muling mabuksan ang lahat ng apat na lane ng Marilao northbound area. Matatandaang noong Marso 19, 2025, bandang 1:30 ng madaling-araw nang bumangga ang dalawang trak sa Marilao Bridge. Ang tulay ng Marilao ay nagkaroon ng matinding pinsala mula sa pagkakabangga, at…
Read More