SINIBAK sa puwesto at dinisarmahan ang dalawang pulis matapos makatakas ang dalawang Persons Under Police Custody (PUPC) sa Mariveles, Bataan. Natuklasan nitong Martes na nawawala ang mga presong sina Junjun Jimenez, 33, at Jaypee Laquisan, 33, na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law. Ayon sa ulat, tumalon umano ang dalawang suspek mula sa patrol car habang pabalik ang mga pulis mula sa inquest proceedings. Inamin ng dalawang pulis, na may ranggong Police Chief Master Sergeant at Police Senior Master Sergeant at nakatalaga sa Mariveles Municipal Police Station, ang…
Read MoreCategory: BALITA
MAHIGIT P500-M KAGAMITAN NG PNP, BINASBASAN SA CAMP CRAME
BINASBASAN ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkoles ang mahigit P500 milyong halaga ng bagong kagamitan na ipamamahagi sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Personal na ininspeksyon ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga newly procured equipment na layuning palakasin ang kakayahan ng pulisya sa pagtugon sa krimen. Kabilang sa mga bagong kagamitan ang: 117 unit ng personnel carrier (4×4) 71 unit ng motorsiklo 800 set ng civil disturbance management equipment 600 set ng non-lethal equipment 403 unit ng autogated night vision device Ayon kay Nartatez, ipakakalat…
Read MoreSEKYU PATAY SA PAMAMARIL NG KABARO SA BACOOR
PATAY ang isang security guard matapos pagbabarilin ng kanyang kabaro kasunod ng kanilang pagtatalo sa loob ng binabantayang establisimyento sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima sa alyas “Joebe,” tubong Agusan del Sur, na nasawi sa mga tama ng bala sa katawan. Ang suspek naman ay nakilalang si alyas “Wilson,” residente ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City, na agad tumakas matapos ang insidente. Sa ulat, naganap ang pamamaril bandang alas-6:45 ng gabi sa Kali Marketing Trailer Truck Fabrication Private Company na matatagpuan sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway,…
Read MoreZERO OBSTRUCTION IPATUTUPAD SA MGA KALSADA NGAYONG SEMANA SANTA
MAGPAPATUPAD ng “zero obstruction” policy ang pamahalaan sa mga pangunahing kalsada sa buong bansa ngayong Semana Santa upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko. Sa joint press conference ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na aalisin ang mga sagabal sa kalsada. Ayon naman kay DPWH Secretary Vince Dizon, pansamantalang ititigil ang mga road construction at muling ipagpapatuloy matapos ang Abril 6. Sinabi ni PNP…
Read MoreCIVIL CASE LABAN SA CIDG, ISINAMPA SA MANILA RTC
ISINAMPA na ng pamunuan ng Coliseo de Manila ang kasong sibil sa Manila Regional Trial Court Branch 45 laban sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng isinagawang raid sa isang sabungan sa Tondo, Maynila noong Marso 25, 2016. Sa press conference na ginanap sa Coliseo de Manila, sinabi ni Atty. Carl Jon P. Mucho ng Chavez Miranda Associate Law Office na magsasampa rin sila ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga sangkot sa operasyon sa susunod na linggo. Ayon sa abogado, ilegal umano ang…
Read MoreDOTr HINIHINTAY LANG MA-RELEASE NG DBM ₱1-B SARO PARA SA SERVICE CONTRACTING PROGRAM
HINIHINTAY na lamang ang paglalabas ng ₱1 bilyong Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM) para ibahagi sa mga tsuper, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Lopez na gagamitin ang pondo para sa pagpapatupad ng service contracting program para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan. Layunin ng programa na magbigay ng subsidiya sa mga tsuper kapalit ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero. Bukod dito, nakalaan din ang ₱2.5 bilyong fuel…
Read MoreGAS STATION SUPERVISOR ARESTADO SA P57-M QUALIFIED THEFT
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang babaeng supervisor ng gasolinahan sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng 60 counts ng kasong qualified theft, matapos umano itong makakulimbat ng ₱57 milyon mula sa kita ng isang gasolinahan sa Maynila. Batay sa reklamo ng isang HR officer ng manpower agency na naka-deploy sa gasolinahan sa Taft Avenue, nadiskubre ang umano’y anomalya noong Marso 2024 nang mapansin ng accountant at auditor ang discrepancies sa mga isinumiteng ulat ng suspek. Sa isinagawang pagsusuri ng records, lumitaw na mula…
Read MorePH ‘DI IKOKOMPROMISO WPS SA CHINA KAPALIT NG OIL EXPLORATION
TINIYAK ng Malacañang na hindi isusuko ng Pilipinas ang anomang interes nito sa West Philippine Sea (WPS) kapalit ng posibleng joint oil at gas exploration sa China. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mananatiling maingat ang pamahalaan sa pakikipag-usap upang maprotektahan ang interes ng bansa at ng mamamayan. “Walang mawawalang interes, walang ipamimigay na interes,” ani Castro. Sinabi rin niya na bukas ang Pilipinas sa usapin ng joint exploration, ngunit igigiit nito ang karapatan nito sa WPS. Nauna nang nagkaroon ng pulong ang Pilipinas at China sa 24th Foreign…
Read MoreKasunod ng ambush PNP PINAIGTING OPERASYON SA MINDANAO
KINONDENA ng Philippine National Police (PNP) ang magkasunod na pananambang sa Mindanao na nagresulta sa pagkasawi ng ilang pulis at sibilyan. Ayon sa ulat, noong Marso 18 ay inambush ang isang miyembro ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur, kung saan nasawi rin ang kanyang kasamang sibilyan. Makalipas ang ilang oras, tinambangan naman ang walong pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur habang pabalik mula sa kanilang checkpoint operation. Lima sa mga pulis ang nasawi habang tatlo ang nasugatan. Dahil dito, iniutos ni…
Read More