PATAY ang isang ginang at sugatan naman ang isa sa dalawang anak nito sa nangyaring umano’y pangho-hostage ng kanyang mister dakong alas-11:30 ng umaga sa Sta. Isabel Subdivision, Havila, Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal noong Sabado, Abril 4, 2026. Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, patay na ang biktimang babae nang matagpuan ng mga pulis sa kanilang bahay nitong Linggo ng umaga. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO), ang biktimang si Ma. Lourdes Santos, anak nitong sugatan na si alyas…
Read MoreCategory: BALITA
23-ANYOS TIMBOG SA SHABU SA QC
KALABOSO ang isang 23-anyos na lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga o shabu nang sitahin ng mga pulis dahil sa kahina-hinalang pag-iwas sa mga awtoridad sa D. Tuazon Street, Brgy. Lourdes, Quezon City nitong Huwebes Santo. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1-Laloma, kinilala ang suspek na si “Jeyden,” isang helper at residente ng naturang barangay, na kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya. Ayon kay Bryan Soriano, imbestigador ng Laloma Police Station 1, nadakip ang suspek bandang alas-4:30 ng hapon habang nagsasagawa ng operasyon ang Station…
Read MoreSen. Erwin Tulfo nagpasalamat kay Ambassador Lee DISKRIMINASYON SA MGA PINOY SA ILANG KOREAN KTV, RESTO INAKSYUNAN
NAGPASALAMAT si Senate Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo kay Korean Ambassador Lee Sang Hwa sa agarang aksyon nito hinggil sa napabalitang pagbabawal ng ilang Korean KTV at restawran sa mga Pilipino customer sa Angeles City at sa Clark, Pampanga. Ani Sen. Tulfo, “I thank Ambassador Lee for his speedy action na kaagad niyang pinaimbistigahan ang naturang mga reklamo laban sa ilang korean-owned establishments dito sa Pilipinas”. “May mga nagsumbong kasi na mga kababayan natin sa aking opis hinggil sa pagbawal daw ng ilang Korean ktv at restawran sa Central…
Read MoreSinalakay nang walang search warrant HANAPBUHAY NG 300 WORKERS NG COLISEO DE MANILA, HOSTAGE?
MISTULANG hostage ngayon ang hanapbuhay ng mahigit 300 manggagawa ng Coliseo de Manila bunsod ng pagsalakay kahit wala namang search warrant, ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-NCR bago pa mag-Semana Santa, dahilan para manatiling sarado ang sabungan na patuloy pa ring binabantayan ng mga pulis. Ayon sa daan-daang apektadong mga empleyado ng sinalakay na sabungan sa Vitas sa Tondo, Manila, hindi nila malaman kung ano ang motibo ng PNP-CIDG at patuloy silang nakabantay sa establisimyento kaya hindi ito makapag-operate dahilan para magutom ang kanilang pamilya…
Read MoreWFH SA PRIVATE SECTOR MAKABABAWAS SA FUEL CONSUMPTION—PALASYO
NANINIWALA ang Malacañang na makatutulong ang work-from-home setup sa pribadong sektor upang mabawasan ang fuel consumption at maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nasa pribadong kumpanya ang desisyon kung ipatutupad ang ganitong setup. “Kung iyan ang magiging panukala ng mga private business companies, makakatulong na malaki ‘yan. Pero siyempre hindi naman didiktahan ng Pangulo ang mga pribadong kumpanya,” ani Castro. Binigyang-diin niya na malaya ang mga kumpanya na pumili ng work arrangement na makabubuti sa…
Read More131 WPS FEATURES PAPANGALANAN NG PINOY
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng mga pangalang Pilipino sa 131 features ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea. Sa ilalim ng Executive Order No. 111 na inilabas noong Marso 26, inatasan ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na mag-update ng charts at mapa para maisama ang mga bagong pangalan. Obligado rin ang lahat ng ahensya ng gobyerno at state institutions na gamitin ang mga ito sa opisyal na komunikasyon at dokumento. Saklaw rin ang edukasyon, kung saan inatasan ang Department of Education (DepEd),…
Read MorePAGBAGSAK NG BAHAGI NG KISAME SA NAIA T1, IKINABAHALA
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Raffy Tulfo sa pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Arrival Extension Area ng NAIA Terminal 1, kung saan pito ang nasaktan. Sinabi ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Public Services na sa mga ganitong pangyayari, mahalaga ang agarang aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga biktima, gayundin ang tulong na ipagkakaloob sa kanila. Kasabay nito, ipinaalala ng senador sa Department of Transportation gayundin sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maging proactive at tiyakin na sumusunod sa mga itinakdang safety standards ang…
Read MoreCARPOOLING: BAYANIHAN SA LANSANGAN – LCSP
OK sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang carpooling—basta hindi ito magiging “colorum” at hindi makaaapekto sa public transport. Agree. Pero maglalabas daw ng special permit para sa mga magca-carpool? Wait—para saan ang permit? Marami na ang nagca-carpooling. Ibig bang sabihin, magiging illegal sila kapag wala nito? Matagal nang mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang carpooling. Kapag tama ang polisiya, makatutulong ito sa pagbawas ng sasakyan sa lansangan at pagbibigay ng “riding option” sa commuters. Halimbawa: may-ari ng sasakyan na isinasabay ang ilang kaopisina papasok sa…
Read More10% DISKWENTO SA PAMASAHE SA BUS MULA GOOD FRIDAY HANGGANG EASTER SUNDAY, APRUB SA LTFRB
INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng isang malaking bus company na magbigay ng 10% diskwento sa pamasahe simula Black Friday hanggang Easter Sunday. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, saklaw ng Board Resolution No. 114, Series of 2026 ang mga bus na nasa ilalim ng Yanson Group of Bus Companies sa buong bansa. Kabilang sa mga operator ang Vallacar Transit, Inc., Bachelor Express, Rural Transit Mindanao, Inc., Mindanao Star Bus Transport Inc., at Love Transport Express Mindanao, pati na ang iba…
Read More