WALANG agarang taas-presyo sa tinapay sa kabila ng pagmahal ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ito ang tiniyak ni Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP) president Lucito “Chito” Chavez upang maiwasan ang panic buying sa mga mamimili. Ayon kay Chavez, ginagawa ng kanilang grupo ang lahat upang mapanatiling stable ang presyo ng tinapay sa gitna ng krisis. “Ngunit sa sandaling maapektuhan na ang kalidad ng aming produkto, we may need to adjust prices responsibly,” aniya. Aminado ang APP na ramdam ng industriya ang epekto ng pandaigdigang sitwasyon sa…
Read MoreCategory: BALITA
EMPOWERED WOMEN, UMARANGKADA SA LAS PIÑAS!
BUONG sigla at lakas na nagtipon ang mahigit 3,000 kababaihan mula sa 20 barangay sa Las Piñas para sa selebrasyon ng Women’s Month sa Villar Coliseum nitong Sabado, Marso 20. Sa pangunguna ng Villar Foundation, naging tampok ang isang masiglang Zumba competition na nagbigay-buhay sa okasyon—isang makulay na pagsasama ng kalusugan, saya at bayanihan. Hindi lang sayawan ang bida kundi ang mahalagang papel ng kababaihan sa pamilya, komunidad at lipunan—bilang mga lider at tagapagtaguyod ng pagbabago. Dumalo sina dating Senadora Cynthia Villar, kasama sina Senador Mark Villar at Senadora Camille…
Read MoreANTI-DYNASTY BILL SA KAMARA, ‘DI PA SAPAT—DIOKNO
NANINIWALA si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na kailangan pang palakasin ang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill sa Kamara upang tuluyang matuldukan ang dominasyon ng mga political family. Ayon kay Diokno, hindi sapat ang House Bill No. 8389 at maaaring hindi nito maresolba ang matagal nang isyu ng political dynasty sa bansa. “The Constitution commands Congress to enact an anti-political dynasty law… but House Bill No. 8389 is falling short,” giit niya. Ikinumpara niya ang bersyon ng Kamara sa Senado, kung saan mas mahigpit ang limitasyon sa magkakamag-anak na sabay-sabay…
Read MoreBULUSAN INILAGAY SA ALERT LEVEL 1
ITINAAS na sa Alert Level 1 ang Mount Bulusan matapos makitaan ng pag-aalburuto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Batay sa datos, umabot na sa 475 volcanic earthquakes ang naitala simula Marso 15, indikasyon ng paggalaw sa loob ng bulkan. Naitala rin ang pamamaga o inflation sa ilang bahagi nito at patuloy na degassing activity na may sulfur dioxide emission na 91 tonelada kada araw. Ayon sa Phivolcs, posibleng magdulot ito ng phreatic eruptions o steam-driven explosions anomang oras. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa…
Read MoreSENADO NAGKAISA SA PAGTATATAG NG CRISIS RESPONSE PANEL
NAGKAISA ang mayorya at minorya ng Senado upang agarang aprubahan ang isang resolusyon na naglalayong palakasin ang maagap na pagtugon ng pamahalaan sa mga krisis. Inaprubahan ang Senate Resolution No. 350 na inakda nina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Minority Leader Alan Peter Cayetano. Layunin ng resolusyon na magtatag ng isang ad hoc committee na tututok sa mas proactive na crisis response. Ayon sa mga senador, napapanahon ang hakbang sa gitna ng tumitinding banta sa loob at labas ng bansa, kabilang ang tensyon sa…
Read MoreSC NAGLABAS NG GABAY SA PAGGAMIT NG AI SA HUDIKATURA
PINAGTIBAY ng Korte Suprema (SC) En Banc ang isang Governance Framework para sa paggamit ng human-centered augmented intelligence sa hudikatura. Batay sa resolusyon na may petsang Pebrero 18, 2026, naglatag ang SC ng mga alituntunin para sa responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI), na nakabatay sa mga prinsipyo ng fairness, accountability, at transparency. Pinangunahan ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen ang pagbuo ng framework, kasama sina Associate Justices Ramon Paul L. Hernando at Rodil V. Zalameda. Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang AI ay magsisilbing suporta lamang at hindi…
Read More2 BIKTIMA NG TRUCK NA NAWALAN NG PRENO, PUMANAW
QUEZON – Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang sugatan sa isang aksidente sa Maharlika Highway, sa bahagi ng Old Zigzag Road entrance sa Sitio Amao, Barangay Silangang Malicboy, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Pagbilao Police, nangyari ang insidente bandang alas-10:15 ng umaga matapos mawalan umano ng kontrol ang isang wing van truck na kargado ng feeds habang bumabagtas sa pababang bahagi ng kalsada mula south direction o Atimonan area patungong direksyon ng bayan ng Pagbilao. Posible umanong nagkaroon ito…
Read MoreSinuro ng cargo truck 2 PATAY, 3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 8 SASAKYAN
CAVITE – Patay ang driver ng isang motorsiklo at ang driver ng isang sasakyan, habang sugatan ang angkas ng motorsiklo at dalawang pedestrian kabilang ang 5-anyos na estudyante ng Day Care, at nagresulta rin sa pagkasira ng walong sasakyan makaraang nagkarambola ang mga ito nang mabangga ng isang cargo truck ang isa sa mga sasakyan sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang mga namatay na sina alyas “Archie”, 42, ng Puting Kahoy, Silang Cavite, driver ng isang Yamaha Mio 125, at “Christian”, 44, driver ng…
Read MoreMAHIGIT 300 OFWs, LIGTAS NANG NAKAUWI SA PINAS
LIGTAS nang nakabalik sa bansa ang 317 Pilipino mula sa Gitnang Silangan sakay ng ika-tatlong chartered flight ng pamahalaan. Kabilang sa mga repatriate ang 153 overseas Filipino workers (OFWs), kasama ang kanilang 114 pamilya at 50 stranded Filipino passengers. Ang matagumpay na repatriation ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Embassy sa Abu Dhabi, Philippine Consulate General at Migrant Workers Office sa Dubai, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Nagmula ang flight sa Dubai, United Arab Emirates, kung saan maraming OFW…
Read More