5-MINUTE RESPONSE SA ABERYA SA KALSADA TUTUTUKAN NG MMDA

PINALAKAS ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Metrobase 136 hotline upang mas mapabilis ang pagresponde sa mga insidente sa kalsada. Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, kapag tumawag sa (02) 136, ginagarantiyahan nilang sa loob ng limang minuto ay makararating na ang traffic enforcers saan mang bahagi ng Metro Manila. “Five minutes, darating ang ating enforcer,” ani Torre. Saklaw ng hotline ang mga minor na banggaan, gasgasan, at iba pang emergency sa kalsada. Habang papunta ang enforcers, agad namang nire-review ng Metrobase sa Julia Vargas ang CCTV…

Read More

2 LTO-7 EXECS PINASISIBAK SA ‘P8-M KADA BUWAN’ SCHEME

PINAGPAPALIWANAG at pinatatanggal sa pwesto ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez ang dalawang matataas na opisyal ng Land Transportation Office-Central Visayas (LTO-7) kaugnay sa umano’y P8 milyong buwanang “koleksyon” sa rehiyon. Labis na ikinagalit ng kalihim ang isyu nang bumisita siya sa Cebu noong Pebrero 20 para inspeksyunin ang paghahanda sa Mactan-Cebu International Airport kaugnay ng 2026 ASEAN Summit. Ayon sa source, doon isinumbong kay Lopez ang umano’y P8-million monthly collection scheme sa LTO-7. “Si Sec. Lopez ay halatang galit. Sinabi sa kanya na ang LTO-7 ay diumano’y…

Read More

2 SENIOR PATAY SA SUNOG SA INTRAMUROS

NASAWI ang dalawang babaeng senior citizen sa sunog na sumiklab sa Intramuros, Maynila nitong Miyerkoles ng hapon. Kinumpirma nina Barangay Kagawad Genie Aglinao at Antonio Villero na natabunan ng nasunog na bahay ang isa sa mga biktima habang ang isa naman ay nahirapang huminga dahil sa makapal na usok habang nilalamon ng apoy ang kanilang tirahan. Naisugod pa sa ospital ang isa sa mga senior ngunit idineklara ring dead on arrival. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula alas-5:00 ng hapon sa Cabildo Street. Isang bagong laya umano…

Read More

TUMATAAS NA KASO NG CHRONIC KIDNEY DISEASE, PINAIIMBESTIGAHAN NI VILLAR

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Mark Villar kaugnay ng umano’y lumalalang krisis sa kalusugan dulot ng pagdami ng kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 313, nanawagan si Villar ng agarang imbestigasyon, in aid of legislation, hinggil sa pagtaas ng kaso ng CKD sa bansa. Ayon sa senador, batay sa datos ng Department of Health (DOH), pabata nang pabata ang mga tinatamaan ng sakit sa bato. Mayroon din aniyang mga ulat na may mga batang siyam na…

Read More

CATAPANG ITINANGGING SISIPAIN SIYA BILANG BUCOR CHIEF

MARIING pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang kumakalat na balitang malapit na siyang sibakin o palitan bilang pinuno ng ahensya. Ayon kay Catapang, gawa-gawa lamang ito ng “evil forces” na aniya’y naglalayong sirain ang integridad ng BuCor at guluhin ang tiwala ng publiko. Nagpahayag ang opisyal ng kumpiyansa sa katatagan ng institusyon at sa maayos na pagganap ng kanilang mandato sa kabila ng umano’y paninira. Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng paglaban sa fake news at maling impormasyon upang maprotektahan hindi lamang ang reputasyon…

Read More

PNP: HINDI ILEGAL PAG-ARESTO SA 2 AKTIBISTA SA EDSA RALLY

NANINDIGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na legal at naaayon sa batas ang pag-aresto sa dalawang aktibista sa kasagsagan ng kilos-protesta para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Una rito, iginiit ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang agarang pagpapalaya kina human rights activist Edel Parducho at youth activist na si Three Odena. Ayon kay Co, inaresto ang dalawa habang nakikiisa sa rally at posibleng sampahan ng kasong direct assault, disobedience, resisting arrest at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act. Diin ng mambabatas,…

Read More

PORT CONGESTION SA MAYNILA PINAAAKSYUNAN NI MARCOS

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya na agad tugunan ang napaulat na pagsisikip sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal (MICT). Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, updated ang Pangulo sa sitwasyon at pinatututukan ito sa Bureau of Customs (BOC). “Kung anoman ang nagiging problema dito sa port congestion, iyan po ay pinapatutukan ng Pangulo,” ani Castro. Batay sa ulat ng BOC hanggang Pebrero 19, nananatiling mababa sa 90% ang yard utilization levels: Port of Manila – 79.80%;…

Read More

CAYETANO: WALANG PILIPINONG DAPAT ISUKO SA IBANG BANSA NANG ‘DI DUMAAN SA ATING KORTE

IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat tiyakin ng gobyerno na walang Pilipinong nahaharap sa international arrest warrant ang ipadadala sa ibang bansa nang hindi muna dumaraan sa proseso ng lokal na korte. Sa pagco-sponsor niya ng Senate Resolution No. 307 na inihain ng Minority bloc noong Pebrero 25, 2026, sinabi ni Cayetano na ang resolusyon ay isang “constitutional safeguard” na nakabatay sa 1987 Constitution. “Ang pinag-uusapan dito ay ‘pag may biglang aarestuhin na Pilipino, kailangan may pagkakataon siyang pumunta sa Philippine courts to seek remedy,” ani…

Read More

DESTAB SISILIPIN SA ‘MALETA SCANDAL’

ITINANGGI ni National Security Adviser Eduardo Año ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa alegasyon ng 18 nagpakilalang dating Marines na umano’y naghatid ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno. Sa pahayag na inilabas ng National Security Council nitong Huwebes, tinawag ni Año na “malicious,” “entirely false,” at “fabricated” ang sinasabing unsigned affidavit na nag-uugnay sa kanya sa pagtanggap ng paper bag matapos ang isang pulong sa isang townhouse sa Polo Club. “To set the record straight, I have never attended any meeting with former Speaker Martin Romualdez, former Cong. Zaldy…

Read More