BUMAGSAK ng 60 porsyento ang koleksiyon ng gobyerno mula sa rice tariff noong 2025, ayon sa datos ng Bureau of Customs (BOC). Umaabot lamang sa ₱13.7 bilyon ang nakolektang taripa sa bigas na malayong mas mababa kumpara sa ₱34 bilyon noong 2024. Iniuugnay ito sa pagbaba ng rice tariff mula 35% ay naging 15%, bagay na inaasahan na umano ng mga nasa rice industry. Dagdag pa rito ang ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) na temporary ban sa pagpasok ng imported rice simula Setyembre 1. Gayunman, inaasahang tataas muli ang…
Read MoreCategory: BALITA
BAR PASSERS HINIMOK SUMAMA SA LABAN KONTRA KURAKOT
UMAPELA ang isang abogadong mambabatas sa mga bagong pumasa sa 2025 Bar Examination na gamitin ang kanilang propesyon sa paglaban sa katiwalian at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. “Maging mga ahente sana tayo ng ordinaryong Pilipino tungo sa pagpapalaya sa sambayanan mula sa katiwalian at pang-aapi!” pahayag ni Kabataan party-list Rep. Atty. Renee Co. Noong Miyerkoles, inilabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2025 Bar Exam kung saan 5,594 ang pumasa mula sa 11,420 examinees. Nakaplanong manumpa ang mga bagong abogado sa susunod na linggo. Ayon kay Co, nahaharap ang…
Read MorePHILHEALTH AMNESTY SA MGA MAY UTANG NA EMPLOYERS, SELF-EMPLOYED – PBBM
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapatupad ng general amnesty para sa mga negosyante, private employers, at self-employed na hindi nakapagbayad ng kanilang kontribusyon. Ibig sabihin, wala nang interes na ipapataw sa mga unpaid PhilHealth contributions. “Sa patuloy nating pagtulong sa ating mga kababayan, lalo na sa healthcare, inutusan ko po ang PhilHealth na magpatupad ng general amnesty para sa mga negosyante, private employer at self-employed na hindi nabayaran ang kontribusyon,” pahayag ng Pangulo sa isang video message. Aminado si Marcos na ramdam…
Read MoreSa pagsusuot ng mamahaling sapatos PENSYON NG NAGRETIRONG HENERAL POSIBLENG BAWASAN
NAHAHARAP sa reklamong less grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer si dating PNP Health Service Chief PBGen. Jezebel Medina. Nag-ugat ang reklamo matapos umanong hindi sumunod ang dating heneral sa direktiba ng National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay ng pagsusuot ng mamahaling sapatos. Kapag naglabas na ng resolusyon ang kinauukulang ahensya, posibleng mabawasan ang pensyon ni Medina. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, dalawang araw lamang ang pagitan ng pagsasampa ng reklamo at ng pagreretiro ng heneral kaya’t hindi na maaaring ma-hold ang kanyang mga…
Read MoreUA SA 2026 BUDGET PINAHAHARANG NA SA SC
NAGHAIN ng petition for certiorari and prohibition sina Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa Korte Suprema, umaga ng Huwebes, upang kuwestiyunin ang constitutionality ng Unprogrammed Appropriations (UA) sa 2026 national budget. Magkasamang dumating ang dalawang mambabatas sa Korte Suprema bago mag-alas-11 ng umaga bilang mga petitioner. Hiningi rin nila ang agarang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at/o Writ of Preliminary Injunction, Status Quo Ante Order, at iba pang injunctive remedies upang mapigilan ang implementasyon ng UA. Ayon kay De Lima,…
Read MoreBI: HIGIT 15 MILYON BUMISITA SA PILIPINAS NOONG 2025
UMABOT sa mahigit 15 milyong pasahero ang naitala ng Bureau of Immigration (BI) na pumasok sa bansa noong 2025. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nasa 15.6 milyon ang kabuuang arrivals mula Enero hanggang Disyembre, kung saan 6.7 milyon ay mga dayuhan. Katumbas ito ng anim na porsiyentong pagtaas kumpara sa 14.7 milyong arrivals noong 2024. Kasabay ng pagdami ng mga pasahero, patuloy umano ang pagpapabuti ng BI sa kanilang mga proseso, kabilang ang pagpapalawak ng automated systems, pag-upgrade ng mga pasilidad, at pagpapalakas ng manpower upang mas mapabilis…
Read MoreNCRPO FULL ALERT, PNP ALL SYSTEM GO SA TRASLACION 2026
INIHAYAG ng Philippine National Police na “all system go” ang pambansang pulisya kaugnay sa gaganaping ngayon Traslacion 2026 na inaasahang dadaluhan ng milyon-milyong deboto kasabay sa selebrasyon ng Kapistahan ng Nuestro Señor Padre Jesus Nazareno ng Quiapo, sa Maynila. Ayon sa PNP, all set na ang kanilang pwersa na nasa heightened alert status simula pa kahapon habang naka-full alert naman ang mga tauhan ng National Capital Regional Police Office na naatasang magpatupad ng maximum tolerance kaugnay sa gagawing pagmamantina ng peace and order para sa tradisyunal procession na magmumula sa…
Read MoreNAKUMPISKANG DROGA NG PDEA LUMOBO NG 123 PORSYENTO
UMABOT sa P47.80 bilyong halaga ng ilegal na droga o mas mataas ng 123 percent, ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang inilunsad na anti-narcotics operations para sa taon 2025 sa buong bansa. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, mula sa P18.43 bilyon noong 2024 ay umakyat sa P47.80 bilyon ang halaga ng mga nasamsam na droga at mga precursor material ng mga operatiba ng PDEA, katuwang ang iba pang law enforcement agency ng gobyerno kabilang ang Philippine National Police at Armed…
Read MoreDEPED SYSTEM SINISI SA PAGKAMATAY NG GURO SA MUNTINLUPA
NANINIWALA ang kinatawan ng mga guro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang sistema ng Department of Education (DepEd) ang ugat ng pagkamatay ng isang public school teacher sa Muntinlupa City. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, nasawi ang gurong si Agne Buenaflor noong Miyerkules, Enero 7, habang nagtuturo sa ilalim ng classroom observation sa Pedro E. Diaz High School. Nagpaabot ng pakikiramay si Tinio sa pamilya at mga kasamahan ng yumaong guro, at iginiit na ang matinding pressure at stress na dulot ng evaluation system ng DepEd…
Read More