HINDI nagbigay ng exemption ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanyang nabigong makapagbigay ng 13th month pay sa itinakdang huling araw noong Bisperas ng Pasko. Muling nagpaalala ang DOLE sa deadline ng pagbibigay ng 13th month pay at wala nang tatanggapin pang anomang kahilingan para sa exemption o deferment kapag lumagpas sa nasabing petsa. Ayon sa ahensya, obligasyon din ng mga employer na magsumite ng report bilang patunay ng pagsunod, na dapat ipadala sa pamamagitan ng DOLE Establishment Report System (DERS). Babala pa ng DOLE, mahigpit na…
Read MoreCategory: BALITA
EKONOMIYA, KORUPSYON NAGPALUBOG KAY PBBM
KABIGUANG tugunan ang pangunahing problema ng bayan ang nakikitang dahilan ng mga eksperto sa patuloy na pagsadsad ng trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sa mga isyung tinukoy ng mga eksperto mula sa OCTA Research at iba pang political analysts ang tumataas na presyo ng bilihin, korapsyon, banggaan ng Marcos at Duterte camps, kawalan ng trabaho, at lumalalang kahirapan. Ayon sa kanila, nananatiling pinakamabigat na hamon ang ekonomiya. Ang patuloy na pagmahal ng bigas, gulay, kuryente, at gasolina ay direktang tumatama sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.…
Read MorePBBM siningil sa pangakong napako WALANG ‘BIG FISH’ NA NAGPASKONG HIMAS-REHAS
MISTULANG siningil ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa binitiwan nitong pahayag na may mga “malalaking personalidad” umanong magpapasko sa selda dahil sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Erice, hindi natupad ang pangako ng Pangulo dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakulong na makapangyarihang politiko at tanging ang kontraktor na si Sarah Discaya ang naipakulong. “Does the President truly mean what he is saying?” tanong ng mambabatas. Bumuwelta rin si Erice ng panibagong tanong kasunod ng tuluyang pagguho ng Independent Commission for…
Read MoreDOJ ADMIN OFFICER KINASUHAN NG NBI SA P12-M ANOMALYA
PATUNG-PATONG na kasong kriminal ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang administrative officer ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y paglihis ng hindi bababa sa P12 milyon na pondo ng publiko. Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng NBI na si Palmer Mallari, na nagsabing nag-ugat ang kaso sa mga iregularidad sa payroll ng mga regional prosecutor. Sa panayam sa media noong Sabado, Disyembre 27, sinabi ni Mallari na ang anomalya ay unang nadiskubre ng DOJ Payroll Section, na agad nagsumite ng kumpletong dokumento sa NBI para…
Read MoreParang kidnap for ransom MGA PINOY SA SCAM HUB SA SE ASIA PINATUTUBOS NG SINDIKATO
MISTULANG biktima ng kidnap for ransom ang mga Pilipinong naengganyong magtrabaho sa mga scam hub sa ibang bansa gaya ng Cambodia, matapos umanong singilin ng malaking halaga ang kanilang pamilya kapalit ng kalayaan. Dahil dito, inihain ang House Resolution No. 602 ng Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang patuloy na pagdurusa ng mga Pilipinong nasa kamay ng mga Chinese scam syndicate na nakabase sa Cambodia, Myanmar, Laos, at iba pang bansa sa Southeast Asia. Bagama’t hindi tinukoy sa resolusyon kung ilang Pilipino ang kasalukuyang bihag ng mga sindikato, nabatid…
Read MoreMRT-3 WALANG FARE HIKE SA 2026
MAAASAHAN ng mga komyuter na walang pagtaas ng pamasahe sa susunod na taon sa Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3. Ayon sa MRT-3, walang napag-uusapan na pagtaas ng pamasahe o fare hike sa 2026. Sinabi ng MRT-3 general manager Mike Capati, ang line stations ay aayusin muna lalo na ang mga escalator. Aniya, sa papasok na taon hanggang 2027 ay mayroon silang papalitan ‘fully’ na escalator sa Taft Avenue at Ayala. Unti-unti ring magdedeploy ng mga Dalian train ang MRT-3, target nilang ma-deploy ang lahat ng 48 Dalian trains…
Read More2025: KONTROBERSYA, KALAMIDAD AT PAGKAKABUKLOD NG MGA PINOY
HINDI naging tahimik ang 2025. Sa loob ng isang taon, hinarap ng bansa ang mabibigat na isyung pampulitika, pagpanaw ng mga iniidolong personalidad, mga lindol at bagyo, at mga pangyayaring gumulantang sa publiko. Bawat buwan ay may iniwang marka — may nagpagulat, may nagpaiyak, at may nagbukas ng mas malalaking tanong tungkol sa direksyon ng bansa. ENERO Agad naging usap-usapan ang pagsisimula ng taon matapos magsanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA sa mga proyekto sa telebisyon, tampok ang espesyal na kolaborasyon sa ika-20 season ng Pinoy Big Brother. Ngunit kasabay ng…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA LRT-2, MRT-3 SA RIZAL DAY ALOK NG LRTA
MAG-AALOK ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa lahat ng mga pasahero sa ilang oras sa Martes, Disyembre 30, 2025 bilang paggunita sa Araw ni Rizal. Ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ay iaalok mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, ayon sa anunsyo ng pamunuan ng dalawang rail transit noong Sabado. Idineklara ng Malacañang ang Disyembre 30 o Araw ni Rizal bilang isang regular na holiday.…
Read MoreBIGLAANG DAGDAG-MANAGEMENT COMPANY SA PPAI IKINABABAHALA NG LCSP
NABABAHALA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa planong gawing tatlo mula dalawa ang bilang ng accredited management company sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) Program na isinasailalim sa konsiderasyon ng Insurance Commission (IC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon sa LCSP, ang two-group structure ng PPAI ay matagal nang ipinatupad upang resolbahin ang mga dating problema gaya ng pekeng insurance coverage, delayed claims, at hindi patas na kompetisyon. Sa paglipas ng panahon, napatunayan umano nitong epektibo at nagbigay ng matatag at maaasahang…
Read More