UNGAB KAY STELLA QUIMBO: NASAAN BUDGET SA FLOOD CONTROL?

KINUWESTYON ni Davao City Rep. Isidro Ungab ang mga dating chairperson ng House Committee on Appropriations na sina Zaldy Co at Stella Quimbo sa kanilang paglipat sa bilyon-bilyong halaga ng foreign-assisted flood control funds mula sa 2024 at 2025 national budgets. Kabilang sa mga proyektong ito ay ang Pasig-Marikina Channel Improvement Project, na mahalaga upang maibsan ang paulit-ulit na pagbaha sa kamaynilaan. Para kay Ungab, kailangang magpaliwanag sina Quimbo at Co kung saan nila dinala ang pera na para sa mga nasabing proyekto. “The rationale for deleting or reducing these…

Read More

MIYEMBRO NG BAGONG SENATE MINORITY POSIBLENG 9 O 10

POSIBLENG umabot sa siyam hanggang 10 ang magiging miyembro ng bagong minority bloc sa Senado kasunod ng biglaang pagpapalit ng liderato, kahapon. Ito ang inihayag ni Senador Alan Peter Cayetano kasabay ng kumpirmasyon na kahapon sila nakatakdang pumili ng kanilang magiging Senate minority leader. Kasama sa itinuturing ni Cayetano na kabilang sa minority bloc ay ang Duterte bloc na sina Senators Bong Go, Bato dela Rosa, Robin Padilla, Rodante Marcoleta at Imee Marcos. Makakasama rin sa grupo sina dating Senate President Chiz Escudero gayundin si dating Senate Majority Leader Joel…

Read More

DATING DPWH OFFICIAL SA BULACAN ISINAILALIM SA PROTECTIVE CUSTODY NG KAMARA

ISINAILALIM sa protective custody ng House Committee on Public Works and Highways (Infra Committee) ang isang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan dahil umano sa banta sa kanyang buhay. Sa mosyon ni Manila Rep. Joel Chua, co-chairman ng Infra Committee, inaprubahan ni lead chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang kahilingan ni Engr. JP Mendoza na isailalim siya sa proteksyon ng Kamara. Si Mendoza, na dating nakatalaga sa Bulacan First District Engineering Office, ay kabilang sa mga dinismiss ni DPWH Secretary Vince…

Read More

Sa hindi pinayagang double funding DISCAYA GUMANTI KAY MARCY

MALINAW na ganti ng kontrobersyal na contractors na sina Sarah at Curlee Discaya ang pagdawit kay Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro sa mga tumanggap ng pera mula sa kanilang mga proyekto. Ayon kay Teodoro, idinamay siya ng mga Discaya dahil sa kanyang pagbubulgar na double funding sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways sa 2026 National Expenditure Program. “Malinaw pa sa sikat ng araw na ito ay diversionary tactics ng mga sindikato para malihis sa tunay na issue ng corruption and anomalies sa flood control projects…

Read More

KELOT TIMBOG SA BUY-BUST

INARESTO ng pulisya ang isang lalaking nasa drug watchlist ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa isang EMBO (enlisted men’s barrio) barangay sa Taguig City noong Setyembre 8. Nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Jay”, 41, sa inilunsad na entrapment operation ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police sa Barangay Cembo. Inuri ng Taguig City Police ang suspek bilang street-level individual. Nakuha sa kanya ang walong plastic sachet na naglalaman ng 15.7 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P106,760. Narekober din ng mga awtoridad ang marked money…

Read More

Ipatutupad ng BOC TRANSPARENCY SA PAGSIRA O PAGTATAPON NG MGA NAKUMPISKANG PRODUKTO

IPINAG-UTOS ni Bureau of Custom Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang pagpapairal ng full coverage ng condemnation activities sa Aduana. “Base na rin ito sa mithiin ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng mga pagbabago sa Aduana na naka-angkla sa transparency and accountability,” ani BOC Commissioner Nepomuceno. Utos ni Nepomuceno na dapat ay may full coverage, recording, at live streaming ang lahat ng condemnation activities ng Aduana, maging ang kabuuan ng gagawing destruction processes para mapatibay ang integridad ng kanilang bawat operasyon. Kinakailang umano rito ang presensiya ng kinatawan…

Read More

TRASLACION 2026 IKINAKASA NA

NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Quiapo church para sa Traslacion 2026. Ito ay makaraang magpulong hinggil dito sa pangunguna ni Rev. Fr. Jade Licuanan kasama si DTCAM Officer-in-Charge Cristal Bagatsing, upang talakayin ang mga paghahanda para sa Traslacion 2026. Upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at maayos na daloy ng prusisyon ng imahe ng Jesus Nazareno, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang buong suporta ng pamahalaang lungsod. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maagang koordinasyon at pagtutulungan ng simbahan, pamahalaan, at mga deboto upang maging matagumpay at mapanatili ang kabanalan ng…

Read More

EX-DPWH ASSISTANT DISTRICT ENGINEER BRICE HERNANDEZ, IDIDIRETSO SA PNP CUSTODIAL CENTER

ILILIPAT sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez para sa kanyang seguridad. Kaagad na nagsagawa ng inspeksyon ang PNP-Headquarters Support Service (HSS) kasama ang Senate Sergeant-at-Arms sa nasabing pasilidad upang tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng pasilidad na pagkukustodiyahan kay Hernandez. Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pansamantalang sa Custodial Center muna dadalhin si Hernandez para masiguro ang kanyang kaligtasan. Naging desisyon ng Senado at ng House of Representatives na hindi na muna…

Read More

Isasampa ng grupo ng mga abogado CIVIL CASE VS KONTRATISTA, OPISYAL SA FLOOD CONTROL PROJECTS

MAGSASAMPA ng kasong sibil ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) laban sa mga kontratista at public official na isinasangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Atty. Ariel Inton, pangulo ng LCSP, layunin ng kaso na papanagutin ang mga responsable sa malawakang pagbaha sa Metro Manila na nagdulot ng matinding perwisyo sa mga motorista at pasahero. Sa ginanap na Quezon City Journalist Forum nitong Martes, Setyembre 9, sinabi ni Inton na kabilang sa posibleng kasuhan ay mga matataas na opisyal ng Department of Public Works and…

Read More