IPINUNTO ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga pagsisinungaling ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya ukol sa flood control programs. Sa pagdinig ng House Infra Comm, tinawag ng alkalde na “lantarang kasinungalingan” ang mga sinabi ng mag-asawa sa kanilang pagharap sa Senado. Aniya, napansin niya na maraming pagkakaiba sa mga pahayag ng mag-asawa sa mga nakalipas na pagharap nila sa Senado. “Lantarang kasinungalingan naman po ‘yung mga sinasabi nito. Hindi naman po bago sa kanila ang pagsisinungaling, naobserbahan na po natin ito on the record and…
Read MoreCategory: BALITA
LUMA AT OVERPRICED NA DUMP TRUCK ISOSOLI
PINAGHAHANDAAN ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue ang pagbabalik ng dalawang garbage truck na nagkakahalaga ng halos ₱22 milyon matapos mabunyag ang umano’y matinding overpricing at misrepresentation sa isang transaksyong nag-ugat sa nakaraang administrasyon. Ibinunyag ni City Administrator Gonzalo “Sally” Malig-on na ang bawat truck ay binili sa halagang ₱10.99 milyon, samantalang ang parehong uri ng unit sa merkado ay mabibili lamang ng humigit-kumulang ₱3 milyon. Natuklasan din na ang mga sasakyan ay 2017 year model at hindi brand new gaya ng ipinapakita sa mga dokumento. Lalong lumaki ang kontrobersiya…
Read MoreLALAKI BINARIL NG BAYAW, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang bayaw sa Barangay Nagsaulay, bayan ng San Juan sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Guillermo Dimaculangan, 69, residente ng Barangay Nagsaulay, habang ang suspek ay ang kanyang bayaw na si “Sireneo”, 69, residente ng Barangay Bulsa sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga noong Linggo nang magselos ang suspek sa biktima dahil sa umano’y pang-aakit sa kanyang misis. Humantong ito sa pamamaril ng suspek sa biktima habang naglalakad sa kalsada…
Read MoreLALAKI TINARAKAN SA PIYESTAHAN
QUEZON – Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaking namiyesta sa Brgy. Liwayway sa bayan ng Mauban sa lalawigan makaraang tarakan ng itak ng isang tagaroon. Ayon sa report ng Mauban Police, kinilala ang biktimang sa pangalang “Bryan”, 34, isang magsasaka at residente ng Brgy. Alitap sa nabanggit na bayan. Nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Lunes habang papasakay na ang biktima sa kanyang motorsiklo para umuwi. Bigla na lamang umanong sumulpot mula sa likod ang suspek na kinilala sa pangalang “Ald”,…
Read MoreBATA NAHAGIP NG KIDLAT SA LAGUNA
LAGUNA – Sugatan ang isang bata matapos na mahagip ng kidlat habang naliligo sa isang ilog sa bayan ng Nagcarlan sa lalawigan noong Linggo. Kinilala ang biktimang si Jake Saloma, residente ng Barangay Santa Lucia. Ayon sa isang nakasaksi, masama ang panahon sa lugar nang gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa malaking puno kung saan nasa ilalim nito ang mga batang naliligo bandang alas-2:45 ng hapon. Napag-alaman na ang biktima ay naglalambitin sa lubid na nakatali sa puno na tinamaan ng kidlat. Gumapang ang boltahe ng kidlat patungo…
Read MoreNaglilinis ng baril ARMY RESERVIST NAPUTUKAN SA MUKHA
CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang 29-anyos na Army Reservist makaraang naputukan sa mukha habang nililinis ang kanyang baril sa kanilang kuwarto sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas si Joseph Gatmaitan y Mauricio, ng Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City dahil sa sugat sa kanyang mukha. Si Gatmaitan ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ayon kay “Christine”, 22, girlfriend ni Gatmaitan, nililinis ng biktima ang kanyang baril sa kuwarto ng kanilang bahay sa Brgy.…
Read MoreROMUALDEZ, CO TUMANGGAP NG KICKBACK SA MGA DISCAYA
PINANGALANAN ni Pacifico Discaya, may-ari ng St. Gerard General Contractor and Development Corporation ang ilang kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways at iba pang personalidad na tumatanggap ng komisyon sa kanilang mga proyekto. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Discaya na hinihingan sila ng porsyentong hindi bababa sa 10 percent at umaabot pa sa 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kanilang mga kontrata. Ito anya ay binibigay nila ng cash at ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger…
Read MoreP13-B SININGIT NI ZALDY CO SA 2025 BUDGET
HUMARAP sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects si Navotas Rep. Toby Tiangco. Isinalaysay ni Tiangco ang kahalagahan na mapaharap sa pagdinig si dating House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co dahil kailangang maipaliwanag ang mga pagbabago sa panukalang budget sa bicameral conference committee. Kasabay nito, kinumpirma ni Tiangco na naibigay na sa kanya ang listahan ng insertions kasama ang proponents. Isa sa napansin ni Tiangco ang paglobo ng pondo para sa Mindoro Oriental at Occidental na mula sa P1.5 billion…
Read MoreINDEPENDENT COMMISSION ‘DI SASAWSAW SA IMBESTIGASYON NG KONGRESO
HINDI makikialam ang itatayong independent commission ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nagpapatuloy na House at Senate inquiries sa kontrobersyal na flood control projects, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin. Ang lilikhaing independent commission ay nakatutok lamang sa imbestigasyon ng maanomalyang proyekto. Tinukoy ni Bersamin ang nakatakdang pagpapalabas ng Executive Order (EO) na magtatatag ng independent commission para imbestigahan ang nagpapatuloy na substandard, kung hindi man ghost flood control projects. “Thank you for this opportunity to say something about this statement of the President. We do confirm that we are…
Read More