ISANG lola na 100 taong gulang ang nakatanggap ng cash gift na P100,000 mula sa Taguig City government. Personal na inihatid ni Mayor Lani Cayetano ang tseke kay Victoria Almazan sa kanyang tahanan sa Barangay Katuparan kasama sina Konsehal Raul Aquino at Edgar Baptista. “Maligayang ika-100 kaarawan, Nanay Victoria Almazan! Personal po nating binati si Nanay sa kanyang espesyal na araw at inabot ang kanyang P100,000 cheque mula sa Pamahalaang Lungsod. Taun-taon niya po itong matatanggap hangga’t siya ay nabubuhay,” isinulat ni Cayetano sa Facebook. Dagdag pa ni Cayetano, “Nanay…
Read MoreCategory: BALITA
TORRE ‘DI MAGRE-RESIGN
WALA pang plano si dating Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na magretiro kaya mananatili sa kanyang balikat ang 4-star na siyang pinakamataas na ranggo sa pambansang pulisya. Sa ambush interview kay Torre sa Batasan Pambansa kahapon matapos siyang magdala ng cake kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, sinabi ni Torre na ang kanyang appointment lamang bilang PNP chief ang tinanggal sa kanya at hindi ang kanyang ranggo. “Up to this moment there’s no turn-over so to speak off.…
Read MorePaalala ng LCSP sa DOTr DUE PROCESS SA SHAME CAMPAIGN PAIRALIN
PINAALALAHANAN ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang Department of Transportation o DOTr sa plano nitong shame campaign laban sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ayon sa LCSP, mahalagang matiyak na nasusunod ang due process upang mapangalagaan ang karapatan ng mga motorista. Para maging legal anila ang isang shame campaign, kailangan itong nakaayon sa tamang proseso ng batas. Dapat bigyan ng patas na pagkakataon ang lumabag upang maipahayag ang kanyang panig at maipagtanggol ang sarili. Bukod dito, maaari anilang magdulot ng mga isyu sa privacy ang pagbubunyag ng…
Read MoreSUBSIDY SA FOREIGN CAR MANUFACTURERS SINITA NG SOLON
SA halip gamitin ang bilyones para magtayo ng sariling car industry, itinutulong pa ito ng gobyerno sa mga dayuhang car manufacturers tulad ng Toyota at Mitsubishi na walang makatotohanang technology transfer requirements. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon matapos kuwestiyunin ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang halos dalawang bilyong piso na subsidy na ibibinigay ng ahensya sa dalawang nabanggit na car manufacturer. Ayon sa DTI, P1.3 billion Fixed Investment Support (FIS) para sa Toyota…
Read MoreKAMARA NAGPATIKIM NG IMBESTIGASYON SA MISSING SABUNGERO
NAGPATIKIM na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang isasagawang full blown investigation sa tinaguriang “missing sabungeros” upang mabigyan ng katarungan ang pamilya ng mga ito. Bagama’t ang Quad Committee ang pormal na magsasagawa ng imbestigasyon, nagpatawag ng ‘briefing” si House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., kahapon. “We gather this morning not only to organize ourselves as a committee, but also to confront one of the most disturbing cases of human rights violations in recent years: the disappearance of more than 30 sabungeros. This…
Read MoreDPWH IDINIIN SA GHOST PROJECT SA BULACAN
HINDI bunga ng insertions ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang flood control projects na natuklasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ghost projects kundi proyekto ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ang lumalabas matapos balikan ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang 2025 National Expenditure Program (NEP) upang malaman kung sino ang nagpanukala ng nasabing proyekto sa Brgy. Piel, Baliuag, Bulacan. “Reinforced Concrete Riverwall Project implemented by DPWH Bulacan First Engineering District and Syms Construction Trading, and…
Read MoreSa pagsibak kay Torre HIDWAAN SA LOOB NG ADMIN NI MARCOS JR. LUMALALIM
(BERNARD TAGUINOD) INDIKASYON na palalim nang palamin ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang biglaang pagsibak kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III. Ganito inilarawan ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang pagsibak kahapon ng Malacanang kay Torre na 85 araw pa lamang naninilbihan bilang hepe ng pambansang pulisya. “Ang patuloy na rigodon at awayan sa loob ng PNP ay nagpapatunay sa lumalalim na hidwaan sa administrasyong Marcos. Magkakaibang mga grupo ang nag-aagawan ng kapangyarihan…
Read MoreKung hindi tutuga si Zaldy Co – Tiangco TRANSPARENCY SA BUDGET LOKOHAN LANG
HINDI magiging makatotohanan ang sinasabing pagbabago at pagkakaroon ng transparency sa pambansang pondo kung hindi ilalahad ni dating House appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang ginawang pagbabago ng small committee sa 2025 national budget. Kahapon ay muling hinamon ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Co na isapubliko ang amendment na ginawa nito at tatlo pang kasama sa small committee dahil walang naipresentang dokumento ang kasalukuyang chairperson ng nasabing komite na si Nueva Ecija Rep. Mikael Suansing. “Walang napadalang report ang Committee Secretariat, kaya ibig sabihin, wala.…
Read More3 SUGATAN SA PAMAMARIL
CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang tatlong indibidwal na pinagbabaril habang bumibili ng pagkain sa isang tindahan sa Gen. Trias City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Jayson”, 37; “Gerald”, 34; at “John Dave”, 34, pawang mga residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilalang si alyas “Boboy”, sakay ng isang motorsiklo. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Tropical Village Pabahay 2000, Barangay San Francisco. Hindi pa mabatid kung…
Read More