Quiet rebellion sa Kamara? VISMIN BLOC DISMAYADO KAY ROMUALDEZ – FRASCO

IPINAHIWATIG kahapon ni House Deputy Speaker at Cebu Rep. Duke Frasco ang malawakang pagkadismaya sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez. Una nang inamin ni Frasco na ang kanyang desisyon na hindi pirmahan ang manifesto of support kay Romualdez ay resulta ng kanyang konsultasyon sa local leaders mula sa Visayas at Mindanao na hindi na pabor sa paraan ng pamumuno sa Kamara. Ito ay matapos siyang tanggalin bilang miyembro ng National Unity Party. “In recent weeks, I have spoken with my colleagues in Congress, local leaders—especially from the Visayas and Mindanao—and…

Read More

INTERNATIONAL CRIME GROUP MAY PAKANA NG FLOATING SHABU – PDEA

TINUKOY ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang notorious na Sam Gor, isang malawak na international crime syndicate, ang responsable sa paglutang ng isang toneladang shabu sa karagatang saklaw ng Zambales, Pangasinan at Ilocos Sur, na nabingwit ng mga mangingisda. “Sam Gor is a five-drug triad alliance namely: the 14K, Bamboo Union, Big Circle Gang, Sun Yeen On, and Wo Shing Wo, whose leaders are based in Hong Kong and Taiwan. Their members simply called it “The Company,” pahayag ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez kahapon. Ayon…

Read More

PURA LUKA VEGA ABSWELTO SA ‘PAGTUYA’ KAY KRISTO

INABSWELTO ng Manila Regional Trial Court ang drag performer na inakusahang ng pagtuya sa Poon Hesus Cristo, dahil sa kabiguan umano ng prosekusyon na makapaghain ng sapat na katibayan para mapatunayang nagkasala ito sa kinakaharap na habla. Ang drag actor na si Amadeus Fernando Pagente, kilala bilang Pura Luka Vega, ay pinawalang-sala ng Manila RTC Branch 184, sa kasong nag-ugat sa kanyang kontrobersyal na performance gamit ang banal na awiting “Ama Namin” habang naka-costume at ginagaya ang imahe ni Jesus Christ. Sa ibinabang desisyon ni RTC Branch 184 Presiding Judge…

Read More

QUAD COMM 2.0 SA 20TH CONGRESS

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng bagong Quad Committee sa 20th Congress para ipagpatuloy ang imbestigasyon sa ugnayan ng illegal drug trade, extra-judicial killings (EJK) at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa 20th Congress. Ito ang tinuran ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chairman ng nasabing komite sa pagtatapos ng imbestigasyon dahil matatapos na ang 19th Congress, kaya wala pa umanong dapat ipagsaya ang mga personalidad na sangkot sa illegal drugs, EJK at POGO na hindi kasama sa mga naimbestigahan. “Kaya sa mga natutuwa sa pag-aakalang nakalusot…

Read More

MBHTE DEALS PINASISILIP SA MALAKANYANG, COA

HINILING ng isang grupo na imbestigahan ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil umano sa mga kaduda-dudang transaksyon nito. Kabilang sa mga nais ipasilip sa Office of the President (OP) at Commission on Audit (COA) ang pagpapalabas ng P1.7 billion mula sa kaban ng BARMM sa loob lamang ng isang araw para sa Learner’s Kits at Teacher’s Kits noong Marso 7, 2025. Hindi umano dumaan ang transaksyon sa Finance Division Chief para sa rebyu at lagda ng hepe nito…

Read More

CHIZ NANUMPA NA BILANG IMPEACHMENT PRESIDING JUDGE

NANUMPA ngayong Lunes ng gabi si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero bilang presiding judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Pinangasiwaan ni Senate Secretary Atty. Renato Bantog ang panunumpa ni Escudero matapos ang mahabang talakayan ng mga senador. Nauna rito, itinulak ng nina Minority Leader Koko Pimentel at Sen. Risa Hontiveros na mag-convene ang Senado para sa impeachment trial ni Duterte. (DANNY BACOLOD) 284

Read More

P23-M DROGA SA FOOD DELIVERY BOXES NASAMSAM NG NBI

TINATAYANG P23-milyong halaga ng umano’y shabu at imported marijuana o kush ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) sa isang repacking at distribution hub sa Davao City noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, nagsagawa ng anti-drug operation ang NBI-SEMRO XI, sa pamumuno ni Regional Director Atty. Arcelito Albao, bandang alas-5:00 ng madaling araw noong Hunyo 8, 2025, sa isang residential unit sa Cabantian, Davao City kung saan inire-repack umano ang mga ilegal na droga, matapos makatanggap…

Read More

Nagtalo sa bayad sa gate pass PANADERO BINARIL NG SEKYU, PATAY

LAGUNA – Patay ang isang 26-anyos na panadero matapos barilin ng isang security guard ng subdivision sa Brgy. Malitlit, Sta. Rosa City nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng Sta. Rosa City Police ang biktimang si “Aldrin”, isang master baker. Ayon sa report, dakong alas-4:25 ng umaga, nagmamaneho ng kanyang tricycle pauwi ang biktima matapos ihatid ang mga kasamahan, nang asintahin ito ng 30-anyos na suspek na si “Ronald”, isang security guard sa San Lorenzo Subdivision, na noon ay naghihintay sa kanto. Tinamaan ang biktima ng bala sa likod ng ulo…

Read More

5 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA NORTHERN SAMAR

NORTHERN SAMAR – Limang kasapi ng communist New People’s Army ang napaslang ng mga tauhan ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division, Philippine Army, sa nangyaring sagupaan noong Linggo sa bayan ng Catubig sa lalawigan. Kinilala ang tatlo sa limang napatay na communist terrorist na sina Noel Lebico Sr., ng Roxas, Catubig; Arnel Aquino ng Barangay Osmeña, Palapag; at Nonoy Norcio, ng Luneta, Gamay, Northern Samar. Kinumpirma ang pagkakakilanlan ng mga napaslang, ng isang alyas “In-In,” vice squad leader ng Squad 1, Sub-Regional Guerrilla Unit, Sub-Regional Committee Arctic, Eastern Visayas Regional Party…

Read More