NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang kargamento na naglalaman ng 1,000 sako ng refined sugar na walang karampatang import permits at clearance. Ang mga nakumpiskang asukal ay nagkakahalaga ng P5 milyon na nakumpiska sa Port of Manila. Kasunod ng Pre-Lodgement Control Order na inisyu ni POM District Collector Alexander Gerard E. Alviar, isinailalim sa physical examination ang dalawang 20-foot containers at doon natuklasan ang mga laman nitong asukal. Ikinasa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Sugar Regulatory Administration (SRA), Department of Agriculture (DA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba…
Read MoreCategory: BALITA
WPS BLOC SA KAMARA BUBUUIN
MARIING kinondena sa Mababang Kapulungan ang pagbuntot ng dalawang Chinese Coast Guard (CCG) guard vessel sa bark ng Atin Ito Coalition na nagsagawa ng ‘Concert at Sea for Peace’ sa West Philippine Sea (WPS). Kasabay nito, kinumpirma ni Akbayan party-list representative Perci Cendaña na bubuo sila ng tinatawag na West Philippine Sea Bloc sa Kamara sa 20th Congress na naglalayong paigtingin pa ang pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa nasabing karagatan. Ayon sa kay Cendaña, nangyari ang pagbuntot ng Chinese Coast Guard na may body number na CCG 3306 at…
Read MoreDUTERTE YOUTH KINATAWAN NG MGA ABUSADO
“THEY represent no one but the abusers, warmongers and misogynists we fight against.” Ganito ang paglalarawan ng Gabriela Youth sa Duterte Youth party-list na taliwas sa ipinapalabas umanong sila ay kumakatawan sa mga kabataan sa Mababang Kapulungan bilang isang party-list group sa ika-20 Kongreso. Ginawa ng Gabriela Youth ang pahayag kasabay ng paghahain ng panibagong disqualification case laban sa Duterte Youth kahapon dahil pekeng kinatawan umano ng mga kabataan ang grupo ni Ronald Cardema. Sa anim na taon ng Duterte Youth sa Kongreso, wala umanong ginawa ang mga ito kundi…
Read MoreSURVEY SA IMPEACHMENT WA EPEK SA PROSECUTION TEAM
HINDI magpapaapekto ang prosecution team ng Mababang Kapulungan sa survey ng Pulse Asia na nagsasabing singkwenta porsyento sa mga respondent ay hindi sang-ayon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Paniniwala ito ni Mamamayang Liberal (ML) party-list representative-elect Leila De Lima na inaasahang makakasama sa 11-kataong prosecution panel matapos siyang imbitahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasama si incoming representative Atty. Jose Manuel Tadeo ‘Chel’ Diokno ng Akbayan party-list, na maging bahagi ng prosekusyon na maglilitis kay Duterte sa impeachment court. “Wala po,” ani De Lima nang…
Read MoreLEGARDA NANGUNGUNA SA MULING PAGPAPATIBAY NG 2015 MANILA CALL TO ACTION
Si Senator Loren Legarda ang nagbigay ng keynote address sa DFA Ocean Talk: The 2015 Manila Call to Action, Charting Philippine Ocean-Climate Policy Towards the 2025 UN Ocean Conference (UNOC3) na ginanap noong Martes, 27 Mayo 2025, sa National Museum of Fine Arts, Manila. Inorganisa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasama ang napakahalagang suporta ni Legarda, ginanap ang event sa pakikipagtulungan ng Embassy of France to the Philippines at Micronesia, Intramuros Administration, at Liter of Light. Isang dekada matapos ilunsad ang Manila Call to Action on Climate Change kasama…
Read MoreLotilla sa DENR kinuwestyon RESHUFFLE NI BBM SABLAY PA RIN?
PINAGDUDAHAN ng incoming na mambabatas sa Kamara ang pagiging epektibo ng pagbalasa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga gabinete dahil may ilan sa kanila na hindi nababagay sa pinaglagyang pwesto. Inihalimbawa si Department of Energy (DOE) Sec. Raphael “Popo” Lotilla na inilipat ni Marcos sa DENR matapos tanggapin ang courtesy resignation ni dating DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga. Nababahala si Act Teacher Rep-elect Antonio Tinio sa pagkakaugnay umano ni Lotilla noon sa mga industriya na laging tumututol kapag may aksyon para protektahan ang kapaligiran. “Secretary Lotilla’s background…
Read MorePSA, NBI HINAHANAP NA SINA ‘MARIAN RIVERA’ AT “CHEL DIOKNO’
KUMIKILOS na ang Philippine Statistics Authority (PSA) at National Bureau of Investigation (NBI) para alamin kung may kapangalan si party-list representative-elect Atty. Chel Diokno at aktres na si Marian Rivera na parehong tumanggap umano ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Kasunod ito ng paghingi ng Kamara ng tulong sa dalawang nabanggit na ahensya matapos matuklasang may recipient na nagngangalang ‘Chel Diokno’ at ‘Marian Rivera’ sa confidential funds ng pangalawang pangulo at pumirma pa sa acknowledgement receipt (AR). Ayon kay Lanao del Sur congressman Zia Alonto Adiong ng Lanao…
Read MoreALOKASYON NG PARTY-LIST SEATS KINUWESTYON SA SC
NAGHAIN ng petisyon ang OFW Party-list sa Korte Suprema (SC) nitong Lunes upang humiling ng muling pagsusuri sa pagkalkula para sa mga partidong maaaring makaupo sa ika-20 Kongreso. Sa kanilang petisyon para sa certiorari, pinarerepaso ng grupo ang pagkalkula ng alokasyon ng mga panalong party-list seats gamit ang isang formula na hindi nagpapahintulot ng karagdagang upuan para sa mga nakakuha ng 2% ng kabuuang boto. Nakakuha ng tig-tatlong upuan ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog. Tig-dalawang upuan naman ang napanalunan ng 4Ps, ACT-CIS at AKO BICOL. Sa kabuuan, may 48…
Read MoreMatapos mangulelat sa midterm polls NETIZENS ‘RERESBAKAN’ NI REVILLA
AMINADO si Senador Ramon Bong Revilla Jr. na isa sa naging dahilan ng kanyang pagkatalo sa nakalipas na halalan ay ang naglipanang fake news na tinarget ang kanyang pagkatao. Dahil dito, sinabi ni Revilla na panahon nang aksyunan ang mga nagpapakalat ng fake news para na rin sa kapakanan ng kabataan na naloloko sa iba’t ibang pahayag dahil hindi nila alam ang mga pangyayari sa nakalipas na mga taon. Aminado si Revilla na malungkot siya sa naging resulta ng halalan subalit binigyang-diin na inirerespeto niya ang naging pasya ng taumbayan…
Read More