HINIKAYAT ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen ang mga bagong abogado na gamitin ang kanilang propesyon upang isulong ang tunay na hustisya at magkaroon ng kritikal na pag-iisip sa paglilingkod sa bayan. Sa kanyang talumpati matapos tanggapin ang Doctor of Laws, Honoris Causa mula sa Saint Louis University sa Baguio City, sinabi ni Leonen na ang batas ay dapat magsilbing sandigan ng katarungan at hindi kasangkapan ng pang-aabuso. Binigyang-diin din niya ang mga hamong dulot ng social media, artificial intelligence, kaginhawahan, at kasakiman, na aniya’y maaaring makaapekto…
Read MoreCategory: BALITA
PLUNDER CASE VS. MARCOLETA WALANG KINALAMAN SA VPSD IMPEACHMENT – BARBERS
NILINAW ng House prosecution panel na walang kaugnayan ang inaasahang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado. Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tagapagsalita ng House prosecution panel at impeachment trial adviser, magkaibang usapin ang dalawang isyu at hindi dapat bigyan ng maling interpretasyon. Ang pahayag ni Barbers ay kasunod ng mga espekulasyon na ang reklamong isasampa laban kay Marcoleta ay bahagi umano ng “coordinated effort” upang mapigilan itong makalahok sa impeachment trial. “Well,…
Read MoreBATAS LABAN SA NIHILISTIC VIOLENT EXTREMISM HIRIT SA KONGRESO
UMAPELA ang Department of Justice (DOJ) sa Kongreso na gawing prayoridad ang pagpasa ng isang hiwalay na batas laban sa nihilistic violent extremism kasunod ng madugong pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa. Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, bagama’t maaaring gamitin ang mga umiiral na batas sa pag-iimbestiga sa kaso, mas magiging epektibo kung may isang komprehensibo at partikular na batas na nakatuon sa ganitong uri ng krimen. “Dapat, sa tingin namin, ma-prioritize ito. Bagama’t magagawan natin ng paraan…
Read MoreBasta may arrest warrant CIDG HANDANG ARESTUHIN KAHIT HIGH-RANKING OFFICIAL
HANDA ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipatupad ang anomang warrant of arrest na ilalabas ng korte laban sa sinumang high-ranking government official. Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni CIDG-NCR Director PCol. John Guiagui na bahagi ng kanilang mandato ang pagpapatupad ng warrant of arrest, anuman ang posisyon ng taong nasasangkot. Nang tanungin kung paano nila haharapin ang posibilidad na maglabas ng warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng inaasahang kasong plunder, sinabi ni Guiagui na mangangailangan ito ng masusing paghahanda hindi lamang ng…
Read MoreCAYETANO MULING NANAWAGAN NG AGARANG AKSYON LABAN SA CHILD STUNTING
KASABAY ng pagsisimula ng Nutrition Month ngayong Hulyo, muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang laban sa child stunting. Ang panawagan ay kasunod ng ulat ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na tumaas sa 25.3% noong 2025 ang stunting rate ng mga batang limang taong gulang pababa mula sa 23.6% noong 2023. Ito ang unang pagtaas ng child stunting sa nakalipas na isang dekada, na nangangahulugang isa sa bawat apat na batang Pilipino na edad limang…
Read MoreP6-M HINIHINALANG SMUGGLED E-BIKE BATTERIES, NASABAT NG CIDG
MAHIGIT P6 milyon halaga ng hinihinalang smuggled na e-bike batteries, chargers at e-bikes ang nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang warehouse sa Barangay Laug, Mexico, Pampanga. Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga awtoridad ang warehouse na umano’y pinatatakbo ng Antelope Electric Motors. Nakumpiska ang 365 imported e-bike batteries, 90 battery chargers, at 20 e-bikes na may kabuuang halagang P6.02 milyon. Ayon sa CIDG, walang Import Commodity Clearance (ICC) stickers, Philippine Standard (PS) marks, at kaukulang business permit ang mga produkto at warehouse. Mahaharap sa…
Read MoreGOREBOX BURADO NA SA GOOGLE PLAY STORE AT STEAM SA PH – MALAKANYANG
TULUYAN nang inalis sa Google Play Store at Steam sa Pilipinas ang mobile at PC game na GoreBox, ayon sa Malakanyang. Sinabi ng pamahalaan na bunga ito ng pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Pilipinas sa Google at sa mabilis na pagtugon ng mga digital platform sa kahilingan ng bansa. Kinumpirma rin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na hindi na maaaring i-download o laruin ng mga user sa Pilipinas ang GoreBox. Ayon sa CICC, hindi na rin maa-access ang laro kahit ng mga gumagamit na nakapag-download nito bago pa ipatupad…
Read MorePDEA TINIYAK MAS PINAIGTING NA KAMPANYA KONTRA ILEGAL NA DROGA
TINIYAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga kasabay ng pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng ahensya sa Camp General Aguinaldo, Quezon City. Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez na nananatiling matatag ang kanilang mandato na bumuo ng ligtas at drug-free na mga komunidad. “We will continue to serve with integrity, act with urgency, and stand firm in defending the safety, dignity, and future of every Filipino,” ani Nerez. Bahagi ng selebrasyon ang pagkilala sa mga natatanging opisina at…
Read MoreHINIHINALANG ROCKET DEBRIS, NAREKOBER SA PALAWAN
ISANG malaking piraso ng hinihinalang rocket debris ang narekober sa baybayin ng Sitio Taburo, Bisucay Island, Cuyo, Palawan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Agad na nagpadala ng Quick Response Team ang Coast Guard matapos makatanggap ng ulat hinggil sa naturang bagay. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang debris at sasailalim ito sa technical assessment ng Maritime Safety Law Enforcement Group–Palawan upang matukoy ang pinagmulan nito. Iniimbestigahan pa kung ang narekober na debris ay mula sa rocket na inilunsad ng China. (JESSE RUIZ) 203
Read More