TAGA-ALBAY PUMALDO SA LOTTO; P25-M JACKPOT NASOLO

NASOLO ng isang bettor mula sa Lalawigan ng Albay ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office SuperLotto 6/49 matapos nitong makuha ang winning combination sa pinakahuling draw. Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng lone winner ang kombinasyong 33-24-12-13-04-09 na may katumbas na jackpot prize na P25 milyon. Nabili umano ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Legazpi City. Samantala, nasa 15 bettors naman ang makakatanggap ng tig-P86,666.66 matapos makahula ng limang tamang numero. Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.…

Read More

ICC WARRANTS VALID KAHIT WALANG APPROVAL NG LOCAL COURT — PALASYO

NANINDIGAN ang Malakanyang na maaaring agad ipatupad sa Pilipinas ang arrest warrants na inilabas ng International Criminal Court kahit wala nang pag-apruba mula sa lokal na korte. Binigyang-diin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatili itong ginagabayan ng batas at due process. Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na malinaw na ang posisyon ng gobyerno hinggil sa ICC warrants batay sa naging pahayag ng Department of Justice (DOJ). “Nagsalita ang DOJ na ngayon, pinapa-effect ang warrant of arrest mula…

Read More

MALAKANYANG HINDI KINONTRA REKLAMONG PLUNDER VS RECTO

HINDI kinontra ng Malakanyang ang paghahain ng reklamong plunder ng isang doktor laban kay Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng kontrobersyal na paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa National Treasury. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, may karapatan ang sinoman na magsampa ng kaso. “Ang tanong na lamang diyan ay ito ba ay mananalo o ito ba ay madi-dismiss? So, hintayin na lang po natin,” ani Castro sa press briefing sa Malacañang. Sa reklamong inihain, kinuwestiyon ang paglilipat ng…

Read More

MATAAS NA TAX EXEMPTION CEILING ITINUTULAK NI SEN. MARK VILLAR

NAGHAIN si Senador Mark Villar ng Senate Bill No. 2137 na naglalayong itaas ang taunang income tax exemption ceiling mula ₱250,000 tungo sa ₱360,000 upang mabigyan ng dagdag na ginhawa ang mga manggagawang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay. Sa ilalim ng panukala, exempted sa pagbabayad ng income tax ang mga indibidwal na kumikita ng hanggang ₱360,000 kada taon. Layunin nitong mapalaki ang take-home pay ng mga low- at middle-income earners upang mas magamit sa pagkain, pamasahe, kuryente, edukasyon, kalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan.…

Read More

NBI AT PNP NA BAHALA KAY MAYOR BASTE – MALAKANYANG

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa mga pahayag ni Davao City Mayor Sebastian Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa administrasyon nito. Matatandaang tinuligsa ni Mayor Duterte ang umano’y pagbabalik ng problema sa ilegal na droga, kriminalidad at korupsyon sa ilalim ng administrasyong Marcos sa kanyang talumpati sa Rage Coalition Rally sa Davao kamakalawa. “Ang NBI po, PNP, kung may nilalabag na batas, kung may kasinungalingang ibinibigkas para magulo ang bayan, sila na po ang dapat na mag-imbestiga…

Read More

9-STOREY BUILDING SA PAMPANGA GUMUHO, 40 KATAO NA-TRAP

GUMUHO ang isang 9-palapag na under construction na gusali at pinaniniwalaang na-trap sa loob ang nasa 40 manggagawa rito sa kanto ng Oak Street at Teodoro Street sa Old Sta. Maria, Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nitong madaling-araw ng Linggo, Mayo 24, 2026. Kasalukuyang nagsasagawa ng search and rescue operation ang iba’t ibang government at volunteer rescue teams sa site ng pinangyarihan ng pagguho kung saan may mga katabing establisyemento rin ang nadamay kabilang ang former Lorietas Building at Norma’s Money Changer. Base sa panimulang imbestigasyon, nangyari ang pagguho bandang…

Read More

Driver, 4 pa tinutugis PAHINANTE ARESTADO SA PEKENG HIJACK SA TRUCK

INARESTO ang isang pahinante ng truck habang pinaghahanap ang driver nito makaraang nabuking na taliwas ang kanyang sumbong sa pulisya na tinangay ang kanilang sasakyan ng mga sakay ng isang Toyota Innova sa Carmona City, Cavite nitong Linggo ng madaling araw. Hawak ngayon ng Carmona Component City Police Station ang suspek na si alyas “Rey”, 28, pahinante ng truck, habang pinaghahanap ang driver nito na si alyas “Tee”, 38, na tumakas matapos ang insidente, at apat pang sangkot sa insidente. Ayon sa sumbong sa pulisya ni alyas “Rey”, nangyari ang…

Read More

GOBYERNO HINDI MAKIKIALAM SA BARMM POLLS — OPAPRU

TINIYAK ng pamahalaan na hindi ito makikialam sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa Setyembre 14, 2026. Ayon kay OPAPRU Secretary Mel Senen Sarmiento, bahagi ito ng “self-determination” na ipinagkaloob sa BARMM sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). “Unang-una po, hindi mag-interfere. The very reason na ipinasa CAB, ‘yung hiling ng self-determination ng mga kapatid natin sa BARMM,” ani Sarmiento. “So, meaning to say, hindi makikialam ang kahit anong ahensya ng gobyerno sa election,” dagdag pa niya. Pahayag ito…

Read More

20 KILONG SHABU NASABAT SA CEBU; 2 BIG-TIME DRUG SUSPECTS HULI

UMAABOT sa 20 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng mahigit P136 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang joint anti-narcotics operation kasama ang Philippine Coast Guard sa lalawigan ng Cebu. Ayon sa ulat, nasakote ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PCG Intelligence Group-Central Visayas ang dalawang hinihinalang big-time drug dealers bandang alas-4:50 kamakalawa ng hapon. Sa report na isinumite kina PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez at PDEA Deputy Director General for Operations Renato Gumban ni PDEA-7 Regional Director Joel…

Read More