Mga bote sa Ayungin Shoal positibo sa cyanide CORAL REEF, ISDA SA WPS NILALASON?

KINUMPIRMA ng National Security Council (NSC) na naglalaman ng cyanide ang mga dilaw na bote na nakumpiska mula sa mga Chinese sampan sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay NSC spokesperson ADG Cornelio H. Valencia Jr., napatunayan sa laboratory test ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang laman ng mga bote ay cyanide – lubhang nakalalasong kemikal na nakapipinsala sa tao at yamang-dagat. Ang mga naturang bote ay narekober ng Philippine Navy noong Pebrero at Oktubre 2025 malapit sa BRP Sierra Madre (LS 57), kung…

Read More

400 SUMALI SA SM ACTIVE HUB COMMUNITY RUN

HINDI bababa sa 400 indibidwal ang nakiisa sa unang anibersaryo ng SM Active Hub sa isinagawang community run sa SM City Baliwag noong Abril 12, 2026. (ELOISA SILVERIO) HIGIT 400 indibidwal ang lumahok sa community run bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng SM Active Hub sa SM City Baliwag noong Abril 12. Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng SM Supermalls na isulong ang sports at fitness sa komunidad. Nakiisa ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bayan sa Bulacan, kabilang ang Baliwag, Pulilan, Calumpit, San Rafael, Malolos,…

Read More

ASAWA NI VP SARA HUMIRIT NG TRO SA BIR RECORDS

NAGHAIN ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court ang asawa ni Vice President Sara Duterte na si Manases Carpio para humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa subpoena sa kanilang tax records sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ang ibinunyag ni House Justice Committee member at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon matapos matanggap ang kopya ng petisyon. Matatandaang ipinatawag ng komite si BIR Commissioner Charlito Mendoza upang isumite ang tax records ng mag-asawa mula 2007 hanggang 2025 bilang bahagi ng impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo.…

Read More

VAT SUSPENSION SA LANGIS KAILANGAN NG BATAS —PALASYO

NILINAW ng Malakanyang na kailangan ng batas bago masuspinde ang value-added tax (VAT) sa petroleum products. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala sa kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktang pagtanggal ng VAT sa langis dahil nakasaad ito sa umiiral na batas. “Wala pong emergency powers ang Pangulo para suspendihin ang VAT sa fuel. Ito po ay nakasalalay sa Kongreso,” paliwanag niya. Sa ilalim ng TRAIN Law, may 12% VAT ang petroleum products bukod pa sa excise tax—mga salik sa mataas na presyo ng krudo. Gayunman, may…

Read More

P20 ROLLBACK SA DIESEL MARARAMDAMAN NGAYON

MAGKAKAROON ng malaking rollback sa presyo ng langis simula ngayong Martes, Abril 14, 2026, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang video message, sinabi ng Pangulo na aabot sa mahigit P20 kada litro ang ibababa sa diesel. Ang gasolina naman ay may bawas na P4.43 kada litro, habang P8.50 kada litro ang rollback sa kerosene. Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na malaking ginhawa ito sa mga driver, commuter, at pamilyang Pilipino na apektado ng mataas na presyo ng krudo. “Hindi pa ito sapat,” ayon sa Pangulo, sabay giit na tuloy-tuloy…

Read More

VP SARA HINAMON HUMARAP SA IMPEACHMENT HEARING

HINAMON ng ilang mambabatas si Vice President Sara Duterte na dumalo sa impeachment hearing na nakatakda ngayon, Abril 14, upang personal na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya, sa halip na umasa sa pagdulog sa Supreme Court upang harangin ang proceedings. Ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, ang publiko ay naghihintay ng malinaw na sagot batay sa ebidensya. “The public deserves answers based on evidence, not avoidance. Kung may depensa, ilahad. Kung may tanong sa testigo, itanong sa hearing. Hindi puwedeng i-dismiss sa labas…

Read More

P64.4-M CONTRABAND CIGARETTES, NASABAT NG PHIL. NAVY

MULING napatunayan na lubhang mahalaga ang isinasagawang seaborne operations ng Philippine Navy sa pagsugpo ng pamimirata at smuggling sa mga karagatan ng Pilipinas, nang muli na namang makasabat ang Western Mindanao Naval Command (WMNC) ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P64.4 milyon, sa dagat na sakop ng Sulu. Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta PN, nasabat ng mga tauhan ng WMNC- Naval Task Force 61, ang isang motor banca na may kargang contraband cigarettes na tinatayang…

Read More

KAMBAL NA NAWALA SA DAGAT, PATULOY NA HINAHANAP NG PCG

PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa 9-anyos na kambal na tinangay ng alon sa Eastern Leyte. Kinilala ang mga nawawala na sina Andrea at Althea Meras, kapwa residente ng Barangay Victory, Abuyog. Batay sa ulat, sakay ang kambal ng isang motorized banca patungong Barangay Lawaan nang salubungin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyan. Dahil sa lakas ng hampas ng dagat, nahulog ang magkapatid at tinangay ng alon na umabot umano sa 300 metro mula sa baybayin. Agad nagpalabas ng alerto ang PCG…

Read More

159 RESIDENTE NG MALOLOS TUMANGGAP NG LIBRENG LOTE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – May kabuuang 159 residente sa lungsod na ito ang tumanggap ng libreng lote na pagtatayuan ng kanilang bahay, mula sa lokal na pamahalaan katuwang ang Local Housing Board. sa isinagawang awarding of certificate noong Abril 10, 2026. Pinangunahan ni Mayor Christian Natividad ang pamamahagi sa 159 na residente ng Sitio Tuklas, Barangay Mabolo, ng Certificate of Lot Allotment (CELA). Ayon kay Natividad, matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, tuluyan nang naipagkaloob sa mga residente ang karapatan sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Ayon sa…

Read More