C-5 QUIRINO FLYOVER SA LAS PIÑAS, PINAGIGIBA PARA MAPABILIS LRT-1 EXTENSION

HINILING ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang agarang paggiba sa bahagi ng C-5 Quirino Flyover upang mapabilis ang konstruksyon ng multibillion-peso LRT-1 Cavite Extension Project. Ayon kay Santos, mas praktikal na gibain ang P300.39-milyong flyover kaysa gumastos pa ng bilyun-bilyong piso dahil sa paulit-ulit na redesign at pagkaantala ng proyekto. Aniya, ang hindi pa rin nareresolbang right-of-way (ROW) issues ang pangunahing dahilan kung bakit natatagalan ang Phase 2 ng proyekto, na sumasaklaw sa 3.2-kilometrong bahagi para sa Las Piñas at…

Read More

BOC PINAMAMADALI DISPOSAL NG MGA NABUBULOK NA KARGAMENTO SA PORT OF SUBIC

PINAMAMADALI ng Bureau of Customs (BOC) ang disposal ng mga refrigerated container van na naglalaman ng nabubulok at mababahong kargamento sa Port of Subic. Reklamo na umano ng mga terminal operator at kalapit na establisimyento ang matinding baho mula sa mga overstaying refrigerated containers na hinihinalang naglalaman ng mga sirang agricultural products. Pinaniniwalaang karamihan sa mga container ay inabandona ng mga importer upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis at dagdag na gastusin sa tamang disposal ng kanilang kargamento. Kamakailan, inatasan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang legal team ng BOC…

Read More

AFP, USPACOM NAKUMPLETO JOINT MARITIME PATROL SA KABILA NG PAGBUNTOT NG MGA BARKO NG CHINA

MATAGUMPAY na nakumpleto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Pacific Command (USPACOM) ang kanilang ikalimang Bilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea noong Hunyo 27 hanggang 28 sa kabila ng pagbuntot ng apat na barko ng China. Ayon kay BRP Antonio Luna Commanding Officer Captain Jennifer Monforte, inaasahan na nilang susubaybayan ng mga barko ng China ang kanilang maritime exercises. “Lagi nating nade-detect si FFG 555. Siya ‘yung parating sumusunod sa atin dito tuwing pupunta tayo rito,” ani Monforte. Lumahok sa aktibidad ang BRP Antonio…

Read More

PBBM NAG-TURN OVER NG MAHIGIT P82-M AYUDA SA SULU

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ng mahigit P82 milyong financial assistance sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) para sa pamahalaang panlalawigan ng Sulu. Tinanggap nina Sulu Gov. Abdusakur Tan III at ng Provincial Federation of the Association of Barangay Councils (ABC) ang tseke sa isinagawang turnover ceremony. Sa ilalim ng SCPF, bawat isa sa 410 barangay sa Sulu ay nakatanggap ng P200,000 na pondo. Ayon sa Pangulo, P100,000 sa bawat barangay ang inilaan para sa scholarship ng limang estudyante o tig-P20,000 bawat iskolar. “‘Yung natirang P100,000…

Read More

Impeachment adviser naman si Barbers EX-SC SPOKESMAN TE, 4 PANG ABOGADO PASOK SA PROSECUTION TEAM

LIMANG kilalang abogado, kabilang ang dating tagapagsalita ng Korte Suprema, ang opisyal nang sumali sa House prosecution panel bilang private prosecutors para sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay ML Party-list Rep. Leila de Lima, magsisilbi ring spokesperson at impeachment adviser ng prosecution panel si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ang limang bagong private prosecutors ay sina Atty. Theodore O. Te, Atty. Reynaldo B. Robles, Atty. Arnold H. Labay, Atty. Mae S. Divinagracia, at Atty. Benjamin Tolosa Jr. “We welcome these seasoned…

Read More

Bagong disenyo kinuwestiyon sa SC MODERN JEEPNEY MAS MUKHANG BUS

NANAWAGAN ang grupong Piston sa Korte Suprema habang nilinaw na hindi sila tutol sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Sa halip, kinuwestiyon ng grupo kung bakit mas kahawig umano ng mini bus kaysa tradisyonal na jeepney ang kasalukuyang disenyo ng modern jeepney. “Bakit ang konsepto natin ng modern jeepney ay mini bus na galing pa sa Japan at China, samantalang kaya naman natin itong gawin dito sa bansa,” ani human rights lawyer na si Atty. Kristina Conti. Ayon kay Conti, handang makiisa ang mga jeepney operator at…

Read More

WALANG PINOY NA NASAKTAN SA PANIBAGONG PAG-ATAKE SA STRAIT OF HORMUZ – MALACAÑANG

WALANG Filipino seafarers ang nasaktan sa pinakabagong pag-atake sa dalawang barkong dumaan sa Strait of Hormuz, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nananatiling seaworthy ang dalawang vessel at ipinagpapatuloy ang kanilang biyahe. Batay sa ulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang kalagayan ng mga Pilipinong tripulante. Ang unang barko, ang M/V Ever Lovely, ay iniulat na inatake noong weekend habang lulan ang 21 Filipino crew…

Read More

Mas mainam age restrictions – solon BLANKET BAN SA VIDEO GAMES TINABLA

TUTOL si Senador Bam Aquino sa pagbabawal sa mga video game matapos ang shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City. Sinabi ni Aquino na mas madaling sisihin ang mga video game kapag may nagaganap na insidente ng karahasan subalit maraming pag-aaral ang nagsasabing walang ugnayan ang mga video game at mga school shooting. Ipinaliwanag ng senador na ang mga video game, bilang isang anyo ng sining at libangan, ay hindi humahantong sa marahas na pag-uugali. Sa halip na magpatupad ng blanket ban sa mga video game,…

Read More

MALACAÑANG: PILIPINAS AT CHINA WALANG HIDWAAN SA KABILA NG ISYU KAY TEODORO

ITINANGGI ng Malacañang na may hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng matinding palitan ng pahayag nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at mga opisyal ng Beijing kaugnay ng West Philippine Sea. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nananatiling maayos ang ugnayan ng Pilipinas at China. Ito ay sa kabila ng naging babala ng China kay Teodoro matapos nitong sabihing nagpapakita ng “insincerity and duplicity” ang Chinese Embassy sa pagtanggi nito sa posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil…

Read More