HINDI umano dapat ituring bilang isang simpleng pamemeke ng public document o health record ang pandaraya sa COVID-19 test results dahil nailalagay nito sa peligro ang kaligtasan at kalusugan ng marami kung kaya marapat lamang na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga gumagawa nito. Ito ang binigyan-diin ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa inihain niyang House Bill (HB) No. 8643. Kasabay nito, nagpahayag ng kalungkutan ang mambabatas dahil posibleng sa mahal ng COVID-19 testing, may iba na mas piniling magpagawa na lamang ng pekeng…
Read MoreCategory: COVID-19
3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS
TATLO sa walong COVID-19 patients na nagpositibo sa swab test ang binawian ng buhay sa Navotas City nooong Pebrero15 habang dalawa lamang ang gumaling. “Marami po sa mga nagpositibo nitong mga nakaraang araw ay mga naghahanap ng trabaho o nagtatrabaho. Dahil sa COVID-19, pansamantalang mahihinto ang kanilang kabuhayan. Kaya nga po ingatan natin ang ating sarili at gawin ang lahat ng makakaya para hindi mahawaan. Kalusugan po at kabuhayan ang nakasalalay rito,” ani Mayor Toby Tiangco. “Parating mag-mask at face shield. Iwasan muna ang pakikipagsalo-salo at pakikipagtipon-tipon. Dumistansya ng 1-2…
Read MoreCOVID-19 CASES TUMAAS SA 8 LUNGSOD NG NCR
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa walong syudad sa National Capital Region (NCR). Ang mga ito ay ang Pasay, Makati, Las Piñas, Malabon, Pasig, Navotas, Valenzuela at Maynila, pahayag ng DOH nitong Martes. Mayroong labing-anim na lungsod at isang munisipalidad ang NCR. Ayon sa DOH, nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang walong lungsod. Ngunit hindi kasing taas ng mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang mga linggo. Inihayag ni Dr. Alethea de Guzman, ng DOH-Epidemiology Bureau, ang “Healthcare Utilization Zone”…
Read MoreMABIGAT NA PARUSA SA PAMEMEKE
HINDI umano dapat ituring bilang isang simpleng pamemeke ng public document o health record ang pandaraya sa COVID-19 test results dahil nailalagay nito sa peligro ang kaligtasan at kalusugan ng marami kung kaya marapat lamang na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga gumagawa nito. Ito ang binigyan-diin ni Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa inihain niyang House Bill (HB) No. 8643. Kasabay nito, nagpahayag ng kalungkutan ang mambabatas dahil posibleng sa mahal ng COVID-19 testing, may iba na mas piniling magpagawa na lamang ng pekeng…
Read MoreMajority ng AFP at PNP manpower ISASABAK SA COVID-19 VACCINE ROLLOUT
INIHAYAG ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines at maging ng Philippine National Police na mayorya ng kanilang mga tauhan ang isasabak kaugnay sa mga posibleng suliranin, balakid o banta sa nakatakdang rollout ng coronavirus vaccine. Una nang inihayag ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang bagong talagang chairman ng Joint Chief of the Armed Forces of the Philippines na halos 75 percent ng kanilang puwersa ang pakikilusin para sa pangangalaga sa seguridad ng COVID-19 vaccine kabilang ang mga inoculation team at iba pang medical practitioners. Ayon kay Ltgen Sobejana,…
Read MoreCOVID-19 VACCINES AALISAN NG DONOR’S TAX
INIHAYAG ni Senador Edgardo “Sonny” Angara na nakatakdang alisin ang donor’s tax sa lahat ng donasyong bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) kabilang ang mga kritikal na suplay. Sa pahayag, sinabi ni Angara na makatutulong ito sa pagpapadami ng suplay ng bakuna at iba pang kritikal at pangunahing suplay na kailangan ng bansa laban sa pananalasa ng COVID-19. Ayon kay Angara, dapat hindi na papatawan ng buwis ang lahat ng donasyon na bakuna kabilang ang kagamitan sa administrasyon, paghahatid at pag-iimbak nito ngayon marami nang gustong bumili. “The national…
Read MoreChina vaccine gawing exclusive sa law enforcement agencies- solon SINOVAC ITUROK SA SUNDALO, PULIS
PABOR ang isang lider ng Kamara na gawing exclusive sa mga sundalo, pulis at iba pang armadong sangay ng gobyerno at sa kanilang pamilya ang bakunang Sinovac sa mga ito. Ginawa ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pahayag matapos hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng sapat na bakunang Sinovac para sa mga sundalo at pulis. Subalit ayon kay Herrera, dapat isama sa mga exclusive na tutukuran ng Sinovac ang iba pang kawani ng gobyerno tulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP),…
Read MoreVIRTUAL MEETING SA COVID VACCINE ISASAGAWA SA CALOOCAN
MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng Virtual Town Hall meeting on COVID-19 Vaccination Awareness upang maipaliwanag ang mga tamang kaalaman at impormasyon hinggil sa bakuna kontra COVID-19, Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, makakasama sa nasabing webinar sina Dr. Jason Dela Cruz, Infectious Disease Specialist sa San Lazaro Hospital; Dr. Ronald Cantilang, Infectious Disease Specialist; at Dr. Manolito Marciano, head ng COVID-19 team ng Caloocan City Medical Center. “Nais nating masagot ang mga katanungan ng ating mga mamamayan at magkaroon sila ng tamang impormasyon upang mahikayat na magpabakuna. Sa tulong…
Read More57 nagpositibo sa COVID-19 NAVOTAS ACTIVE CASES, SUMIPA SA 134
BIGLANG sumipa sa 134 ang active COVID-19 cases sa Navotas matapos na 57 ang magpositibo noong Pebrero 13, habang tatlo lamang ang gumaling Ayon kay Mayor Toby Tiangco, simula Pebrero 6 ay pataas na nang pataas ang mga kaso sa lungsod at marami ang nadadagdag na bagong kaso ngunit kakaunti lamang ang gumagaling. “Hanggang maaari, ayaw na po nating maghigpit ulit dahil pare-pareho lang po tayong mahihirapan. Kaya kailangan po natin ang tulong ng bawat isa para mapigilan natin ang pagdami pa ng mga nahahawaan. ‘Wag nating sayangin ang 11…
Read More