‘PLATEAU’ SA COVID-19 CASES NASISILIP NA

BUMABA at nasa plateau na ang estado ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa mga nakalipas na araw. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang ibig sabihin lamang nito ay napananatili nang muli sa lebel na hindi na tumataas ang kaso nito sa mga nagdaang araw. Aniya, nagkaroon man ng pagtaas sa kaso partikular noong isang buwan, ito naman ay napababa rin at namamantine ng muli sa range na hindi na sumisipa. Nai-record ang pagtaas sa kaso ng covid noong nagdaang buwan kasunod ng pagdiriwang ng 2020 holiday season…

Read More

MAKATI HANDA NA SA COVID-19 VACCINES

TINIYAK ni Makati City Mayor Abby Binay na handa nang magpaturok ng anti-covid vaccines ang mga naninirahan sa Lungsod ng Makati sapagkat ang mga ito ay sayantipikong garantisado na makapupuksa ng nasabing sakit. Ayon kay Binay, naglabas ng isang bilyong piso para sa vaccination program ang administrasyon ng nasabing lungsod para sa itinakdang bilang na mga residente ng Makati, mga hindi naninirahan sa lungsod at mga nagnenegosyo. Ang Lungsod ng Makati ay bumili ng 42 refrigerators at freezers na pangmedikal upang masiguro ang efficiency at epekto ng mga bakuna. “As…

Read More

50 pa nagpositibo 3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA VALENZUELA

TATLO ang bagong naitalang namatay dahil sa COVID-19 habang 50 naman ang nagpositibo sa nasabing sakit sa Valenzuela City noong Pebrero 9. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, 270 na ang pandemic fatalities sa lungsod, 9,518 ang confirmed cases at 216 naman ang active cases. Umakyat naman sa 9,032 ang bilang ng mga gumaling matapos na 46 ang makarekober. Sa lungsod naman ng Navotas ay siyam ang nagpositbo sa COVID habang anim ang gumaling sa nasabing petsa. Samantala, isang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay Tinajeros, Malabon City noong…

Read More

PUBLIC SCHOOLS GAGAWING VAX CENTERS

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring magsilbing vaccination centers ang mga pampublikong eskuwelahan kapag nagsimula nang mag-roll out ang gobyerno ng mass inoculation program laban sa COVID-19. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na maaaring gamitin ng local government officials ang public schools sa urban areas para ma-accommodate ang immunization programs kapag walang makitang suitable venues gaya ng gymnasiums. “Wala pa namang klase. If there is no malaking mga coliseum or gym, then we will utilize the schools,” ayon sa pangulo. Inulit…

Read More

DUTERTE PRIORITY SA BABAKUNAHAN

KASAMA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa priority list para sa COVID-19 inoculation drive dahil sa kanyang edad. Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon. “Ang presidente will enjoy priority dahil nga po siya ay senior citizen. Pero siyempre, importante na magbakuna rin siya para sa vaccine confidence. Inaasahan po natin na isa siya sa mga pinakauna,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Whether it is done privately or publicly will be his decision,” dagdag na pahayag nito. Hindi naman kasama sa priority list ang pamilya ni Pangulong…

Read More

GAGAMIT NG PEKENG SWAB TEST RESULTS, AARESTUHIN NA

ITO ang ipinag-utos ng Department of Interiors and Local Government (DILG) matapo mabatid na dumarami ang gumagamit ng mga pekeng COVID-19 swab test results. Inatasan ng DILG ang Philippine National Police na maging agresibo sa pagtunton sa mga indibiduwal o grupo na namemeke ng COVID-19 swab test results. Lubha na umanong dumarami ang ulat ng pamemeke ng swab test results para makabiyahe o makapagbakasyon, ayon kay DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr. Target ni Florece na buwagin, arestuhin at kasuhan ng PNP ang mga gumagawa ng huwad na swab test result…

Read More

MAGBEBENTA NG PEKENG COVID VACCINE TUGISIN

HINIMOK ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ang lahat ng law enforcement agencies na tugisin ang mga nasa likod ng online selling ng mga peke at hindi rehistradong bakuna. Ito ay kaugnay na rin ng inaasahang pagdating sa bansa ng unang batch ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines. Ayon kay Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, hindi malayong samantalahin ng ilang tiwaling grupo o indibidwal ang pagkakataong isagawa ang kanilang ilegal na gawain kapag ganap nang magkaroon sa bansa ng COVID-19 vaccines partikular ang inorder ng gobyerno, ilang…

Read More

DOH TAHIMIK PA RIN SA FAKE LABORATORIES

HAYAGANG tumanggi ang Department of Health (DoH) na isapubliko ang impormasyon ukol sa mga pekeng laboratoryo na nagsasagawa ng COVID-19 test dahil on-going pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeirre na mayroon na silang inimbestigahan na mga laboratoryo na ilegal na nagsasagawa ng mga pekeng COVID-19 test. Sa katunayan, kamakailan lamang aniya ay nagpalabas na sila ng advisory upang ipaalam sa mamamayang Pilipino kung paano maiiwasan ang non-licensed laboratories na nagbibigay ng mga pekeng test result. Nakasaad din…

Read More

MARCOS UMALMA SA ‘DOUBLE STANDARD’ GUIDELINES LABAN SA COVID-19

INALMAHAN ni Senador Imee Marcos ang umano’y “double standard” o magkasalungat na pamantayan ng pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19 . Ang pahayag ng senador ay makaraang payagan nito ang mga empleyado ng gobyerno na huwag nang dumaan pa sa testing at quarantine sa local government units (LGUs) kung saan sila dumating para sa opisyal na gawain. Binigyang-diin ni Marcos na ang nasabing special treatment ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga empleyado ng gobyerno ang mas magpapahirap sa mga LGU na kontrolin ang…

Read More