ISANG COVID-19 patient sa lungsod ng Navotas ang namatay noong Pebrero 6, habang walang bagong nagpositibo at tatlo ang gumaling. Umabot na sa 5,622 ang tinamaan ng COVID sa Navotas, mula sa bilang na ito ay 5,413 na ang gumaling, 176 ang namatay at 33 ang active cases. Samantala, patuloy na lumulobo ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City na umakyat na sa 272 matapos na 64 ang magpositibo noong Pebrero 6. Umabot na sa 9,456 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Sa…
Read MoreCategory: COVID-19
CRACKDOWN VS PEKENG COVID-19 VACCINES IPINAKAKASA
HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang concerned government agencies na magsagawa ng imbestigasyon at crackdown hinggil sa napaulat na kumakalat na mga pekeng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). “Ako po ay nananawagan sa ating Food and Drug Administration na imbestigahan po ito. Hulihin po ito. Ang BOC (Bureau of Customs), bantayan n’yo pong mabuti. Ang ating kapulisan, ang NBI (National Bureau of Investigation), bantayan n’yong maigi. Hulihin po itong (nagpapakalat ng fake vaccines) na ito,” ayon pa kay Go, sa isang panayam matapos na personal na pangunahan…
Read MoreCOVID VACCINATION DRY RUN ISINAGAWA SA NAVOTAS
NAGSAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng ‘simulation’ ng isasagawang COVID-19 vaccination rollout nito, sa Navotas Polytechnic College (NPC), kung saan naroon ang vaccine cold room ng lungsod. “The drill will help us assess our readiness for the citywide COVID-19 immunization and enable us to see what needs to be improved on,” ani Mayor Toby Tiangco. “The first batch of vaccines is expected to arrive this February and we need to ensure that we are set and primed to execute the campaign. We aim to inoculate 1,500 daily and we…
Read MoreMALABON ACTIVE CASES UMAKYAT SA 105
ISA ang namatay sa COVID-19 sa Barangay Longos, Malabon City noong Pebrero 5, ang ika-343 binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya, ayon sa City Health Department. Ayon pa sa CHD, anim ang nadagdag na confirmed cases at 6,358 na ang positive cases sa lungsod,105 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Catmon (1), Dampalit (4) at Tonsuya (1). Sa kabilang dako, 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangay Dampalit (1), Maysilo (3), Potrero (4),…
Read MoreLEGAZPI HOSPITAL, INI-LOCKDOWN DAHIL SA COVID-19
ISINAILALIM sa lockdown ang pagamutan sa Lungsod ng Legazpi sa Albay dahil nagpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito. Ayon kay Mayor Noel Rosal, ipinag-utos niya ang lockdown sa Legaspi City Hospital (LCH) para makapagsagawa ng mga hakbang upang hindi na madagdagan ang mga pasyente ng COVID-19 sa LCH. Ani Rosal, tatlo na lamang ang natitirang mga pasyente sa LCH dahil nailabas na ang 13 mula sa 16. Magsasagawa rin ang pamunuan ng ospital ng COVID-19 swab testing at contact tracing upang matukoy kung saan nakuha ng isa sa 120…
Read MoreBAKUNA NG ASTRAZENECA ‘DI PA UUBRA
IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeire kung bakit kailangan pa ring hintayin ng AstraZeneca ang Emergency USe List o EUL na mula sa World Health Organization (WHO) bago ito tanggapin ng COVAX facility. Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeire na isa sa mga basehan o kondisyon ng COVAX facility para tanggapin ang AstraZeneca at isama sa mga bakunang ipamamahagi sa iba’t ibang bansa ay dapat na may maipakita silang EUL mula sa WHO. Ani Vergeire, internationally accepted kasi sa buong mundo ang EUL na puwedeng gamitin kahit saang bansa.…
Read MoreMEDIA PINATUTULONG SA LABAN VS COVID-19
PINULONG ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang lahat ng lokal na mamamahayag sa nasabing probinsiya sa kanyang Official Residence (OR) nitong Miyerkoles kasabay ng panawagan nito na tulungan ang pamahalaang panlalawigan sa laban nito kontra coronavirus disease o COVID-19. Hiling ng gobernador sa mga lehitimong media practitioner na nakabase sa Bulacan ang kooperasyon ng mga ito na mapalawig ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa nakamamatay na virus sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 Response ng mga nasasagap nitong impormasyon hinggil sa mga lumalabag…
Read MoreLIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA UST APRUB SA MANILA LGU
APRUBADO na kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang balak ng University of Sto. Tomas na makapagdaos ng limitadong face to face classes para sa kanilang medical, allied health programs. Napag-alaman, inaprobahan ng alkalde ang plano ng pamunuan ng UST sa kabila ng COVID-19 pandemic sa bansa. Ayon kay Moreno, nakipagpulong siya sa UST officials para ipakita at ipaalam kung paano maipatutupad ang health and safety protocols, contingency plan sa mga estudyante at faculty staff upang hindi makapag-develop ng mga sintomas ng COVID-19. Nalaman na isang joint memorandum circular…
Read MoreVALENZUELA ACTIVE COVID CASES UMAKYAT SA 181
ISA pang COVID-19 patient sa lungsod ng Valenzuela ang namatay noong Pebrero 3, ang ika-266 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya. Kasabay nito, muling lumobo ang active cases sa lungsod na umabot na sa 181 matapos na 31 ang magpositibo sa swab test habang tatlo lamang ang nakarekober. Umabot na sa 9,326 ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela at sa bilang na ito ay 8,879 na ang gumaling. Samantala, walang nadagdag sa talaan ng mga COVID positive sa lungsod ng Navotas at pito ang gumaling noong Pebrero…
Read More