AGARANG BAKUNA KONTRA COVID-19, SUSI SA ‘LEARNING RECOVERY’ – GATCHALIAN

BUKOD sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa, nakasalalay rin sa mabilis na pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang “learning recovery” para sa mahigit dalawampu’t limang milyong mag-aaral ng K to 12. Ito ang pahayag ni Senador Win Gatchalian na hinimok ang pamahalaang bigyan ng prayoridad ang ligtas na pagbabalik sa eskwelahan ng mga mag-aaral upang maiwasan ang paglala ng “krisis sa edukasyon” pati na ang posibleng pang-matagalang pinsala at panganib na dulot ng COVID-19 pandemic sa mga mag-aaral habang tumatagal din ang kanilang pananatili sa bahay. Kabilang…

Read More

UNANG BATCH NG BAKUNA PARATING NA

INIHAYAG ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Miyerkoles, Pebrero 3, na nakatakda nang dumating ang unang batch ng 117, 000 doses ng bakuna mula sa Pfizer na idedeliber sa Pilipinas sa buwang ito kabilang ang mahigit 5.5 milyon hanggang 9 milyong doses ng bakuna mula naman sa AstraZeneca na darating sa una at ikalawang yugto ng taon. Sa pahayag, sinabi ni Go na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang pangunahan ang bansa patungo sa kabuuang pagbabangon dahil paparating na ang mga bakuna na inorder ng gobyerno. “Sa ngayon po,…

Read More

Kontrolado ng EU – Palasyo ASEAN KULELAT SA COVID VACCINES

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang impluwensiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kahalintulad ng impluwensiya na mayroon ang European Union pagdating sa pag-secure ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa public address ng pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang ASEAN countries ay hindi naman makapangyarihan gaya ng EU. “Eh wala tayong koneksiyon. Wala tayong pera. Itong problema ng covid, hindi talaga madali. Ang greatest disadvantage natin, hindi tayo mayaman,” ayon kay Pangulong Duterte. “One day, maybe, one day… magkakaroon din…

Read More

71 CONTACTS NG UK VARIANT CARRIER SA BONTOC, POSITIBO

HINILING ng Department of Health (DOH) sa mga residente ng Mountain Province na sundin at ipatupad ang lahat ng protocols laban sa COVID-19 dahil positibo sa naturang sakit ang 71 close contacts ng sinasabing carrier ng United Kingdom variant ng virus sa bayan ng Bontoc. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natunton na ang 410 katao na nagkaroon ng kontak sa 12 indibidwal na pinaniniwalaang tinamaan ng UK variant ng matinding virus. Ani Vergeire, positibo sa COVID-19 ang 71 katao mula sa 410, samantalang 197 ang negatibo. Mayroon pang…

Read More

MASS VACCINATION TIYAKING BROWNOUT-FREE

KAILANGANG tiyakin ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng brownout sa sandaling simulan na ang mass vaccination laban sa COVID-19 hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Sa kanyang House Resolution (HR) 1572, nais makasiguro ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na walang magaganap na brownout sa mass vaccination rollout lalo na’t ilan sa mga bibilhing bakuna ay nangangailangan ng malamig na temperature. “Given the importance of successfully implementing the vaccination program, the government must ensure that the vaccination program will not be disrupted by power…

Read More

34 NADAGDAG SA COVID CASES SA KAMARA

NAKAPAGTALA ng 34 bagong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikalawang mass testing sa 2,848 empleyado at opisyales sa Batasan Pambansa. Ito ang nabatid mula kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, kaya mula nang maging Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay umaabot na sa 132 ang naitatalang COVID-19 case sa kapulungan. “This is equivalent to a positivity rate of only 1.19 percent, which is way below the 5 percent positivity rate recorded during the first mass testing,” ani Mendoza. Magugunitang unang nagsagawa ng mass…

Read More

Ilalagay ng DENR sa bawat barangay YELLOW BIN PARA SA USED FACE MASK, FACE SHIELD

NAKABABAHALA ang pagtaas ng bilang ng mga ginamit na face shields, face masks at itinatapong mga gamit na bagay na may kaugnayan sa COVID 19 pandemic sa level ng mga barangay sa nakalipas na ilang buwan. Mayroon ding iilang mga tao ang gumagamit ng mga guwantes o rubber gloves bilang dagdag na pag-iingat at proteksyon. Pero matagal nang ikinababahala ng environmentalist groups ang pagdami ng mga naitatapong face mask at face shield na hindi naman nabubulok. Gayunman, sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, hindi naman maaaring tukuyin ang volume nito…

Read More

SALIVA TEST SA COVID-19 SISIMULAN NG PRC SA PEBRERO

TINIYAK ni Senador Richard J. Gordon, chairman at CEO ng Philippine Red Cross, na magsasagawa sila ng saliva test laban sa COVID-19 sa buong bansa simula Pebrero 1 upang mas madami pa ang masuri sa sakit. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na sinimulan ng PRC ang Saliva test bilang alternatibong specimen sa nasopharyngeal swab para sa RT-PCR testing sa laboratory ng organisasyon nitong Lunes matapos aprubahan ng Department of Health (DOH) ang bagong sistema. “Our goal is to go nationwide by Feb. 1. Today, we opened our machines in Manila…

Read More

DISTRIBUSYON NG COVID VACCINES KASADO NA

INILATAG na ng gobyerno ang sistema na ipatutupad kaugnay sa pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines hanggang sa ito ay maibigay sa mga recipient. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mula sa paliparan ay kukunin ang mga paparating na bakuna ng refrigerated trucks. At mula sa airport ay dadalhin naman ito sa DOH rented private warehouse o sa RITM at mula roon ay dadalhin sa regional warehouse at hub. Habang ang susunod na destinasyon ng mga bakuna ay sa rural health units na at sa mga city health office hanggang…

Read More