BATID ng gobyerno ang pangangailangang magkaroon pa ng dagdag na mga isolation at quarantine facilities sa bansa sa gitna ng banta ng bagong UK variant ng corona virus. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan itong mapaghandaan lalo’t nakapasok na rin sa bansa ang nasabing virus na napakabilis umanong makapanghawa. Posible aniyang muling magpasaklolo ang pamahalaan sa Department of Education (DepEd) sa harap ng posibilidad na gawing isolation at quarantine facilities ang ilang eskwelahan, lalo na at wala pa namang face-to-face classes. Maliban dito, isa rin sa maaaring maging hakbang…
Read MoreCategory: COVID-19
Sa first case ng UK variant ng COVID-19 143 CONTACTS TUKOY NA NG QC LGU
NATUKOY na ng Quezon City local government at kasalukuyan nang mino-monitor ang kalagayan ng 143 individuals na ikinukonsiderang contacts ng unang Filipino na nahawa ng bagong COVID-19 variant na mas kilala bilang UK variant. Ayon kay Dr. Rolando Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 55 sa kanila ay first-generation close contacts, o individuals na may dalawang metro ang layo sa nasabing infected person. Ito ay kasama sa mahigit 30 healthcare workers at barangay workers na tumulong at nangalaga sa paglilipat ng pasyente mula sa quarantine hotel…
Read MoreHALAL COVID-19 VACCINE HIRIT NI IMEE PARA SA PINOY MUSLIMS
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na siguruhing ‘halal’ o may permiso para sa milyung-milyong Pilipinong Muslim ang mga COVID-19 vaccine para hindi lang masayang o mabasura at marami ang mabakunahan. “Ang pagsasa-alang-alang sa relihiyon at mga kultura o paniniwala ay makakaiwas para hindi masayang ang gastos ng gobyerno at makakahimok sa mga tao para magpabakuna,” ani Marcos na nagsabing 47% ng mga Pinoy na na-survey ng Pulse Asia ay nag-aatubiling magpabakuna. “Dapat na kumonsulta ang pamahalaan sa mga grupong nagsi-certify ng halal tulad ng Islamic Da’wah Council of…
Read More15K CONTACT TRACERS MULING PAKIKILUSIN
MULING minobilisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 15,000 contact tracers para matiyak na magiging tuloy-tuloy ang ginagawang contact tracing efforts ng kagawaran. Muling kinuha ng DILG ang serbisyo ng may 15,000 contact tracers (CTs) sa buong bansa sa loob ng panibagong anim na buwan. Nabatid na inaprubahan ng Department of Budget and Management ang kabuuang P1.9-billion para sa hiring ng CTs ngayong 2021. “While the country’s COVID-19 response is significantly improving, we should sustain our contact tracing efforts especially with the reported entry of the new…
Read MorePagbili ng Sinovac NANGANGAMOY KORAPSYON – LACSON
NAKITAAN ni Senador Panfilo Lacson ng bahid ng korapsiyon ang pagbili ng bakuna mula sa Sinovac dahil magkaiba ang presyo nito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na kanyang natuklasan na aabot lamang sa $5 ang halaga ng bawat doses ng Sinovac sa ibang bansa, ngunit inilantad ng Department of Health noong Nobyembre, na aabot sa $38 (higit P1,800) ang kada doses ng naturang bakuna sa Pilipinas. Ayon kay Lacson, may isang artikulo na inilathala ng Bangkok Post nitong Enero 16, 2021 – na gumamit…
Read MoreBUY ONE, DONATE ONE SA COVID VAX, GIIT NI GORDON
IMINUNGKAHI ni Senador Richard Gordon ang “buy one, donate one” sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Ipinaliwanag ni Gordon na sa ganitong sistema ay mas mapabibilis ang pagbangon ng ekonomiya dahil mas marami ang mabibigyan ng bakuna at makababalik na sa normal nilang pamumuhay. “Nais namin iimplementa sa Red Cross ang “buy one, donate one” kung saan ang mga may kaya makabili ng bakuna ay maaaring mag-donate ng isa o higit pang bakuna para sa mga walang kakayahang makabili. Mas mabilis makakabangon ang ating ekonomiya kung mas marami ang mababakunahan,”…
Read More16 positibo sa Navotas, 2 sa Malabon1 PATAY, 85 NEW COVID CASES SA VALENZUELA
ISA ang namatay habang 85 ang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City habang 16 ang tinamaan ng nasabing sakit sa Navotas City at dalawa sa Malabon City noong Enero 16. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Valenzuela City, bunsod ng karagdagang nagpositibo mula noong Enero 14 ay 8, 897 na ang confirmed cases sa lungsod at biglang lumobo sa 214 ang active cases. Umabot naman sa 261 ang COVID death toll sa Valenzuela habang 8,422 na ang nakarekober. Bunga nito, pinaalalahanan ang mga Valenzuelano na sumunod…
Read MoreSinovac ‘BFF’ price – Roque OPOSISYON IDINIIN SA PANINIRA SA CHINA BRAND VAX
PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine. Ito ang tinuran ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan nang pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 kung saan ay inaasahang unang darating ang China-made na Sinovac. Aniya, nasa gitna o mid-range lang ang presyo ng Sinovac na iba sa nais palabasin ng oposisyon na bukod sa mataas ang presyo ay mababa rin ang efficacy rate. Giit ni Sec. Roque na walang…
Read MoreGURO GAGAMITIN DIN SA VACCINATION PROGRAM
INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na kasama sa bubuuing vaccination team ng gobyerno ang mga public school teacher. Gayunman, sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno, nilinaw ni Duque na magiging boluntaryo ang pagsisilbi ng mga guro sa vaccination teams. Sa pagtatanong ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ipinaliwanag ni Duque na kasama sa magiging papel ng mga guro ang health education o pagpapaliwanag sa mga babakunahan sa magiging epekto ng bakuna, kasama na ang maaaring side effects nito at…
Read More