NANAWAGAN si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA) na igalang ang idineklarang ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kampanya para makontro ang paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19. Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan matapos magkaroon diumano ng engkuwentro sa Montalban, Rizal kung saan isang sundalo at NPA guerilla ang namatay. Base sa report ni Captain Jayrald Ternio ng public affairs office ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, inatake umano ng tinatayang 30 rebeldeng NPA…
Read MoreCategory: COVID-19
Deployment sa ibang bansa pinatitigil ng solon PINAS MAUUBUSAN NG HEALTH WORKERS
HINDI malayong kapusin na rin sa healthcare workers (HCWs) ang Pilipinas dahil patuloy sa paghakot ang iba’t ibang panig ng mundo sa gitna na rin ng kinakaharap na COVID-19 pandemic. Labis itong ikinababahala ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kaya umapela ito kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na suspendehin muna ang pagpapadala ng HWCs sa ibang bansa. Ayon kay Rodriguez, ilang araw na ang nakararaan nang mapaulat na nagpadala umano ng eroplano ang Germany sa Manila para hakutin ang may 75 intensive…
Read MoreSupporters ni Kap laging una sa listahan FAVORITISM SA RELIEF GOODS BINIRA NG SOLON
MALALA ang favoritism sa relief operations ng mga barangay dahil tanging supporters umano ng mga barangay captain ang binibigyan ng ayuda habang pinagdadamutan ang mga hindi bumoto sa kanila. Ito ang kinumpirma ni House deputy minority leader Carlos Zarate ng Bayan Muna kaugnay ng relief operations naisinagawa ng mga Local Government Unit (LGUs) na idinadaan sa mga barangay captain. “We have received reports from barangays all over the country like in Manila, Quezon City, Mandaluyong, Rizal, Tacloban, Gen. Santos City and several other areas in Mindanao that quarantined residents, particularly…
Read MoreTAYTAY MAYOR POSITIBO RIN SA COVID-19
NADAGDAG ang alkalde ng Taytay sa lalawigan ng Rizal sa humahabang talaan ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019 sa bansa. Sa kanya mismong Facebook page, inanunsyo ni Mayor Joric Gacula na “nakaramdam po ako ng pangangati ng lalamunan, at nakaramdam ng ginaw at nakaexperience ng sinat o tinatawag na slight fever. Agad po ako kumonsulta sa family doctor.” March 29 aniya nang lumabas ang resulta ng kanyang test at nagpositibo siya. Nilinaw naman ng alkalde na mild ang kanyang kaso. Kasabay nito ay pinayuhan niya ang mga kababayan na…
Read MorePDU30 MAY PUBLIC ADDRESS NGAYONG ALAS-4 NG HAPON
MAGBIBIGAY ng public address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte alas-4:00 ngayong hapon. Nasa kalahati na kasi ng buwan ang ipinatutupad na lockdown sa Luzon dahil sa COVID 19. Bukod pa sa hinihintay ng Kongreso ang report ng pamahalaan ukol sa naging pagtugon nito sa COVID-19 pandemic. “He will have a televised message today tentatively set at 4:00pm,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Sa kabilang dako, nakatakda namang magsumite ng kanyang report si Pangulong Duterte sa Kongreso ukol sa kung paano ginastos ng administrasyon ang public funds na pantulong sa…
Read MoreDRIVER NG SENADOR NAMATAY SA COVID-19
TULUYAN nang bumigay ang 73-anyos na staff ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sanhi ng corona virus 2019, ayon mismo sa senador, nitong Linggo ng hapon. Sa kanyang text messages sa kapwa senador, sinabi ni Revilla na isang staff niya ngayon ang namatay sanhi ng COVID-19. “Dear colleagues, it is with deepest sadness that I am informing u that my staff expired just today due to COVID,” ayon kay Revilla. Hindi pinangalanan ang biktima ngunit, sinabi ng ilang source na matagal na itong nagsisilbi sa pamilya Revilla. Ikaapat ang biktima…
Read MoreMALABON, MAY 3 KASO NA NG COVID-19 POSITIVE
MAY tatlong kaso na ng COVID-19 positive ang naitala sa Lungsod ng Malabon. Sa post ni Mayor Lenlen Oreta sa kanyang facebook account, kahapon, March 27, kinumpirma ng City Health Department ang pangatlong pasyente na mula sa Barangay Dampalit. “Mag-expect tayong tataas pa ito sa mga susunod na araw. Muling pinaaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga alituntunin ng enhanced community quarantine. Maging responsable upang masigurong ligtas laban sa COVID-19” base sa kanyang post. Ang pangalawang pasyente naman ay mula sa Barangay Acacia ngunit naka-confine ito sa isang ospital sa…
Read MoreCOVID POSITIVE SA PASAY, 12 NA
NADAGDAGAN ng tatlo katao ang mga positibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Pasay. Batay sa bagong tala ng Pasay City Health Office, umakyat na sa 12 ang positibo sa coronavirus disease mula sa dating 9 confirmed cases. Samantala, ang dating bilang ng person under investigation na 49 kaso ay umakyat na sa 50, habang ang dating person under monitoring na 97 ay pumalo na sa 115. Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente ng Pasay na sakaling makaramdam ng mga sintomas katulad ng ubo, sipon at lagnat ay agad makipag-ugnayan sa Pasay…
Read MoreTAYTAY HEALTH OFFICER TINAMAAN NG COVID-19
RIZAL – Inamin ng isang health officer sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, na nasuri siyang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ngayon ay naka-home quarantine ngunit stable ang kanyang kondisyon. Sinabi ni Dr. Jeffrey Roxas, sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagtatrabaho pa rin siya sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone at nagbibigay ng ‘instructions’ sa mga kawani ng ospital at frontliners, kung ano ang mga dapat gawin. Patuloy rin aniya ang kanyang koordinasyon kay Mayor Joric Gacula hinggil sa up-dates sa COVID-19 cases sa kanilang lugar.…
Read More