Private companies papayagan nang bumili ng bakuna DOH, NTF BUTATA

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado. Tugon na rin ito sa mga batikos at reklamo ng ilang sektor kabilang ang mga mambabatas na nagpahayag ng pag-aalala sa diumano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kumpanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk formula, softdrinks o soda at alak na makabili ng sariling bakuna. Ani Sec. Roque, batay sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR)…

Read More

DND umalma sa China 220 MILITIA SHIPS PINALALAYAS SA WPS

PINALAGAN ng Department of National Defense at maging ng National Security Council ang panibagong panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas matapos malantad ang presensiya ng umano’y 220 militia ships sa Julian Felipe Reef. “We call on the Chinese to stop this incursion and immediately recall these boats violating our maritime rights and encroaching into our sovereign territory. We are committed to uphold our sovereign rights over the WPS,” pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Matapos iparating ng Philippine Coast Guard at National Task Force for the West Philippine Sea…

Read More

1,185 PASAWAY SA PROTOCOL, HULI SA BULACAN

BULACAN – Umabot sa 1,185 katao ang nadakip ng pulisya sa ipinatutupad na health protocols laban COVID-19 sa lalawigan. Base sa report ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, kabilang din sa nadakip ng mga awtoridad ang 13 sugarol sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Meycauayan PNP at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Barangay Lawa, Meycauayan City at Sapang Palay, San Jose del Monte City. Samantala sa 1,185 protocol violators na nasakote ng Bulacan PNP sa tatlong siyudad at 21 bayan, dalawang citation tickets ang inisyu dahil sa paglabag…

Read More

PHYSICAL MASSES SA CUBAO, NOVALICHES SINUSPINDE

SINUSPINDE ang pagsasagawa ng misa ng Diocese of Cubao at Novaliches na pawang nasa Quezon City, dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa buong siyudad. Pumayag sina Bishop Most Rev. Fr. Honesto Ongtioco ng Cubao at Bishop Most Rev. Fr. Roberto Gaa ng Novaliches na suspindehin muna pansamantala ang kanilang physical masses matapos ipresenta ni Mayor Joy Belmonte ang data mula sa OCTA research na nagpapakita ng pagdami COVID-cases noong nakaraang Sabado. Ang parehong dioceses ay ipinagbabawal na ang physical masses bago pa man mag-isyu ng bagong panuntunan…

Read More

CASUALTY SA KAMARA NADAGDAGAN

ISA pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pumanaw nitong Lunes dahil sa COVID-19. Sa media viber group kasama ang Media Affairs and Public Relations Service (MAPRS), inanunsyo ang pagpanaw ng isang empleyado ng nasabing tanggapan na si Mar Castro. “Mga kapatid sa media. We just wish to inform you that our staff Mar Castro just passed away this morning from COVID. May he rest in peace,” ayon sa isang kasamahan ni Castro. Ang nasabing tanggapan ang umaasiste sa mga kagawad ng media sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nabatid…

Read More

5 PA NASAWI SA CAMANAVA

LIMA ang nadagdag na bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 21 habang lumobo na sa 3,348 ang active cases. Sa Caloocan City, isa ang patay habang 1,005 ang active cases. Umabot na sa 16,329 ang kumpirmadong kaso sa lungsod, kung saan 14,799 na ang gumaling at 525 ang namatay. Dalawa naman ang patay sa Malabon City dahil sa pandemya, 140 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,254 na ang positive cases sa siyudad, 789 dito ang active…

Read More

LOCKDOWN AREAS SA QC, UMAKYAT SA 41

MULI na namang nadagdagan ang bilang ng special concern lockdown areas (SCLA) sa Quezon City, na mula sa dating 34 kamakailan ay naging 41 na sa kasalukuyan. Sa nakuhang data sa official Facebook page ng Quezon City government, ang mga isinailalim sa SCLA ay ang mga sumusunod: No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato; K-9th Street, Barangay West Kamias; bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia; No. 138 -178 Orchids Street and No. 153-165 Jasmin Street, Barangay Central; No. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas; bahagi…

Read More

ALIENS BINALAAN VS FAKE QUARANTINE BOOKINGS

NAGBABALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente laban sa ‘arriving aliens’ na magsusumite ng fake quarantine bookings, na agad nilang pababalikin ang mga ito sa pinanggalingang bansa. Ang babala ni Morente ay inisyu kasunod ng implementasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases resolution hinggil sa pagsususpinde ng pagbiyahe ng mga dayuhan patungo sa Pilipinas. “Only certain classes of foreign nationals will be allowed starting today, until April 21,” ani Morente. “Despite this, we will still deport aliens who try to evade quarantine.” Babala…

Read More

BAGONG RESTRICTIONS PAIIRALIN SA GITNA NG PAGLOBO NG COVID CASES

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay nagkaroon ng emergency meeting ang IATF at nagkaroon ng mga bagong rekomendasyon na naaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaasa ang pamahalaan na ang mga bagong restriksyon o pagbabawal ay magreresulta sa mas mababang numero ng COVID-19. Inaasahan din nila na sa pamamagitan ng mga bagong restriksyon ay mapipigil din ang pagkalat ng virus lalung-lalo na ng mga bagong variants sa iba’t ibang parte ng bansa. “Wala po tayong lockdown. Fake news…

Read More