SUPORTADO ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia kasama ang tatlong grupo ng makabayang Pilipino ang pagpalag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa mga tanong na ibinato ng dalawang mataas na opisyal ng militar ng Tsina na maituturing na isang paraan ng pambu-bully sa taunang security forum na ginanap sa Shangri-La hotel sa Singapore. Ang deklarasyon ng pagsuporta ni Goitia kasama ang kanyang libong miyembro na kumakatawan sa mga grupo ng Alyansa ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement at People’s…
Read MoreCategory: METRO
REPRESENTATIVE-ELECT BRIAN POE, NANUMPA SA BAYAN NI FPJ DA KING
Pinangasiwaan ni Palaming Barangay Chairman Kevin George Calugay ng San Carlos City ang panunumpa ni FPJ Panday Bayanihan Representative Brian Poe Llamanzares. SAN CARLOS CITY, Pangasinan – sa isang makabuluhang seremonya na ginanap sa minamahal na bayan ng yumaong haligi ng pelikulang Pilipino, si Fernando Poe Jr. (FPJ), nanumpa sa tungkulin si Brian Poe, ang bagong halal na kinatawan ng FPJ Panday Bayanihan Partylist noong Huwebes, Hunyo 5, 2025. Ang mahalagang okasyong ito ay simbolo ng panibagong yugto sa paglilingkod-bayan, bilang pagpupugay sa hindi matitinag na pamana ng minahal na…
Read MoreCHINESE NAVY WARSHIP LUMAPIT SA PANATA ISLAND
ISANG barko de giyera ng People’s Republic of China na dumikit sa Panata Island na sakop ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea, ang binantayan ng Philippine Navy (PH NAVY) nitong Biyernes ng umaga. Batay sa mga ulat, namataan ng PH Navy ang Ma’anshan Jiangkai II-class frigate ng People’s Liberation Army (PLA)-Navy na mayroong bow no. 525 sa karagatan ng WPS, habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang PH Navy sa bahaging ito ng WPS. Tinatayang nasa layong 4.6 nautical miles ang distansya nito mula sa BRP Andres Bonifacio na siyang…
Read More8-ORAS NA DUTY NG MGA PULIS SUPORTADO NG NAPOLCOM
SUPORTADO ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pangunguna ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Commissioner Atty. Rafael Calinisan, ang planong pagpapatupad ng 8 hours working shift para sa mga pulis, base sa nais na ipatupad ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Nicolas Torre III nang ito ay manungkulan bilang bagong punong mayor ng pambansang pulisya. Sa katunayan, ayon sa NAPOLCOM, noon pa nila balak na ipatupad ang pagbalik sa 8-hours working shift sa mga pulis kaya agad nilang sinang-ayunan ang pagpapatupad nito. Plano ni Torre na ibalik ang otso oras…
Read MoreFFCCCII UMAPELA SA SOLONS HINGGIL SA P200 WAGE HIKE
UMAPELA ang grupo ng malalaking mangangalakal at mga negosyante sa Pilipinas sa mga mambabatas na maghinay-hinay at pag-aralan munang mabuti ang planong pagpapatupad ng P200 wage hike para sa arawang mga manggagawa. Ayon sa FFCCCII, kinikilala nila ang kahalagahan na matiyak ang pagkakaroon ng tamang pasahod para sa mga manggagawa, subalit nakikiusap umano sila sa policymakers na ikonsidera ang mas balanse, consultative, at region-sensitive approach sa pagdetermina ng wage adjustments. Kinikilala umano ng samahan ng mga mangalakal ang makataong intensyon sa likod ng panukalang P200 legislated wage increase na layuning…
Read MorePAY RULES SA EID’L ADHA, IPINAALALA NG DOLE
MAY karapatang tumanggap ng 200 porsiyento ng kanilang suweldo para sa walong oras na trabaho ang mga empleyado ng pribadong sektor na mag-uulat para sa trabaho sa Hunyo 6 na isang regular holiday bilang Eid’l Adha (Feast of Sacrifice). Sa isang advisory noong Huwebes, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga hindi magre-report para sa trabaho ay may karapatang tumanggap ng buong halaga ng kanilang daily wage “sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may suweldo sa araw…
Read MoreARRAIGNMENT NI TEVES SA MGA KASONG PAGPATAY ITINAKDA SA MARTES
INAASAHANG haharap sa arraignment sa Manila Regional Trial Court si dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa darating na Martes (Hunyo 10), kaugnay ng kasong pagpatay kay dating governor Roel Degamo at ilan pang biktima noong Marso 4, 2023. Si Teves ay babasahan ng sakdal sa Branch 51 sa ganap na alas-2 ng hapon para sa 10 bilang ng murder, 13 bilang ng frustrated murder at apat na bilang ng attempted murder. Magugunita nitong Huwebes ng umaga, iniharap na rin si Teves sa Manila RTC, Branch 12 para…
Read MoreRoque, Bantag at Dumlao HIGH-PROFILE FUGITIVES NEXT TARGET NI GEN. TORRE
TARGET ngayon ng Philippine National Police sa pamumuno ni Police General Nicolas Torre III, ang high-profile fugitives. Nangunguna sa listahan ni Gen. Torre sina dating presidential spokesperson Atty Harry Roque, dating Bureau of Correction chief Gerald Bantag, at dating Police Lt. Colonel Rafael Dumlao III. Ipinangako ni Torre na tutugisin niya ang iba pang high-profile fugitives, katunayan bago pa siya nanungkulan bilang PNP chief, ay tinatrabaho na niya ang mga ito nang siya pa ang hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Inihayag ng heneral na may leads nang…
Read MoreMANILA RTC NAGHAIN NG “NOT GUILTY PLEA” PARA KAY TEVES
MISMONG ang Manila Regional Trial Court na ang naghain ng ‘not guilty’ plea para kay dating Negros Oriental representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. sa mga kinakaharap na kaso nito sa Branch 12 ng Manila Regional Trial Court. Ito’y dahil sa pananatiling tahimik ni Teves sa mga kasong illegal possession of firearms at explosives ng iharap siya sa korte para basahan ang sakdal kaugnay sa umanoy mga baril at pampasabog na nakuha sa kanyang bahay sa Bayawan City, sa Negros Oriental noong salakayin ng mga awtoridad. Mismong ang mga abogado ng…
Read More