IMPEACHMENT NI VP SARA ‘DI HAHARANGIN NI PBBM

HINDI hinahadlangan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proseso ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa di umano’y pakikialam ni Pangulong Marcos kaya naaantala ang impeachment proceedings laban kay VP Sara. “He (Marcos) is not blocking. He cannot do that because it is the discretion of the collective of the lower house. If they decide…

Read More

Simula na immigration countdown ni Trump HOTLINES INILATAG PARA SA MGA PINOY SA US

(CHRISTIAN DALE) NAGLAGAY ang Philippine Embassy sa Estados Unidos ng 24/7 hotlines para sa mga Pilipino na nandoon sa gitna ng implementasyon ni US President Donald Trump na paglansag sa illegal immigrants. Sa isang Facebook post, sinabi ng Philippine Embassy na ang lahat ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay mayroong karapatan anoman ang kanilang immigration status. Sinasabing, available ang 24/7 consular hotlines sa mga ‘urgent situation.’ Ayon sa Philippine Embassy, ang consular services ay available sa lahat ng mga Pinoy, anoman ang status. Ang mga hotline ay nasa Washington…

Read More

COMELEC SA PNP: KALUSIN LAHAT NG PRIVATE ARMED GROUPS

UMAPELA si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na kalusin na ang mga private armed groups sa bansa na nagdudulot ng takot sa mga tao at marami ang naibubuwis na buhay tuwing may halalan. Ito ang pakiusap ni Garcia sa PNP sa ginanap na “The Agenda” media forum sa Club Filipino, sa Greenhills, San Juan City kahapon ng umaga, bago magsimula ang halalan sa May 12, 2025. Batay sa huling datos, 716 ang naitalang insidente na may kinalaman…

Read More

Tampok sa Digiplus at BingoPlus Foundation Premiere sa QC PUSTA DE PELIGRO: SHORT FILM PARA SA RESPONSIBLE GAMING

PARA sa isang responsible gaming, tatlong pelikula na tumatalakay sa responsableng paglalaro ang inilunsad ng DigiPlus at BingoPlus Foundation na tinaguriang Pusta de Peligro short films sa Cinema 11 ng Gateway Mall sa Quezon City bilang bahagi ng kanilang national conversation para sa responsible gaming. Ang tema ng mga palabas ay “Pag Pusta de Peligro na, pause Muna dahil ang gaming dapat fun fun lang”. Tatlong short films ang ipinalabas upang itaas ang kamalayan ng publiko na ang gaming ay stress free, financially safe at tunay na entertaining. Nabatid na…

Read More

URDANETA CITY MAYOR AT VICE MAYOR DEDMA SA SUSPENSION ORDER

PATULOY umanong iniisnab ng mayor at vice mayor ng Urdaneta City, Pangasinan ang suspension order ng Malakanyang laban sa kanila. Sa kabila umano ng naipalabas na tig 1-taong suspension order laban kina Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno ng Malakanyang sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng mga kasong grave misconduct at grave abuse of authority ng dalawang Parayno ay hindi sila bumababa sa pwesto. Katwiran umano ni Mayor Parayno ay hindi pa…

Read More

SOCIAL PENSION NG MGA LOLO AT LOLA, ‘DI SAKLAW NG ELECTION SPENDING BAN

IKINATUWA ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang aksyon ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan ng exemption sa election spending ban ang social pension ng senior citizens. Sinabi ni Ordanes na nagpapasalamat siya at nauunawaan ng Comelec ang sitwasyon ng mahihirap na senior citizen. Ayon sa mambabatas, nakasanayan na ng mga benepisyaryo na sa buwan ng Abril at Mayo ay nakukuha na nila ang kanilang P3,000 o P4,000 pensyon. “Ang social pension ay bahagi na ng tinatawag na survival budget ng seniors para sa kanilang mga gamot…

Read More

CHINESE AMBA KAILANGANG MAGPALIWANAG SA ESPIYA AT MONSTER SHIP – CONG. ERWIN TULFO

NAIS ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na magpaliwanag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kung bakit ayaw umalis ng Chinese Coast Guard “monster ship” sa karagatan ng Zambales at ang pagkakaaresto sa isang Chinese spy sa Maynila kamakailan. Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Tulfo na labis-labis na ang pambabastos ng China sa Pilipinas. “Hindi na sila nakuntento na pumasok sa ating Exclusive Economic Zone, tapos ngayon magpapadala pa sila ng espiya,” ani Tulfo. Aniya pa, ” I am sure alam ng Chinese…

Read More

ANTI-ESPIONAGE LAW KAILANGAN NA – SOLON

IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kailangan nang ipasa ang dalawang anti-espionage bills upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga nag-eespiya sa bansa. Ginawa ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang panawagan kasunod ng pagkakahuli ng Chinese spy na si Deng Yuanqing at dalawang Pilipino na kasabwat nito sa pag-eespiya sa bansa mula 2015. “The arrest of these suspected Chinese and Filipino spies should prompt Congress to immediately pass bills that would expand the coverage of the crime of espionage,” ayon sa…

Read More

VIRGINIA RODRIGUEZ, NAPILING “OUTSTANDING FILIPINO WOMAN LEADER” NG AMERIKA PRESTIGE AWARDS

INANUNSYO ng Amerika Prestige Awards na ang Filipino businesswoman na si Virginia Ledesma Rodriguez ay napili ngayong taon bilang Outstanding Filipino Woman Leader, dahil sa kanyang ipinakitang exceptional innovation, leadership, community impact at bunsod ng kanyang kontribusyon sa pagpapahusay ng agrikultura at industriya ng edukasyon sa Pilipinas. Ang Amerika Prestige Awards ngayong taon ay idaraos sa Mayo 24, 2025 sa Church Of Scientology Valley Burbank Blvd. sa Los Angeles, USA, ayon kay Sam Azurel, president at founder ng Amerika Prestige Awards. Si Ms. Rodriguez, isang pilantropo at kilala sa kanyang…

Read More