BINIGYANG-PUGAY ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) ang mga tinaguriang peace exemplars bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa. Sa ilalim ng Proclamation No. 675, ipinagdiriwang ang Setyembre bilang National Peace Consciousness Month. Bahagi nito ang pagkilala sa mga indibidwal na itinuring na peace champions dahil sa kanilang ambag sa proseso ng kapayapaan. Layunin ng pagdiriwang na palaganapin ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga sa komprehensibong proseso ng kapayapaan, gayundin ang pagpapatibay ng mga institusyong nagsusulong ng kapayapaan at seguridad…
Read MoreCategory: METRO
1,500 FIRETRUCKS TARGET NG DILG NA MAIPAMAHAGI SA BUONG BANSA
TARGET ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maipamahagi sa buong bansa ang nasa 1,500 firetrucks sa susunod na taon upang tugunan ang kakulangan sa firefighting equipment at mapalakas ang emergency response capabilities ng Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, bibilhin ng Pilipinas ang mga firetruck sa pamamagitan ng government-to-government agreement sa Republic of Korea upang matiyak ang direkta at transparent na procurement process at maiwasan ang middlemen. “Within one and a half years, kumpleto na lahat ang munisipyo, wala na tayong…
Read MoreMALACAÑANG: KARANASAN NI PACQUIAO SA PAGTULONG SA MAHIHIRAP, ISINAALANG-ALANG SA NAPC APPOINTMENT
SINABI ng Malacañang na kabilang sa mga konsiderasyon sa pagkakatalaga kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary and Lead Convenor Manny Pacquiao ang kanyang karanasan at malasakit sa mga Pilipinong kabilang sa marginalized sectors. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang kasaysayan ni Pacquiao sa pagtulong sa mahihirap at marginalized communities ang naging dahilan kung bakit nakita itong akma upang pangunahan ang NAPC. “Alam naman po natin na si dating senator Manny Pacquiao kung paano siya nakisalamuha sa ibang mga kababayan natin na nasa…
Read MoreTugon sa mensaheng inabot sa Seoul Dialogue TEODORO SA CHINA: MAHIYA NAMAN KAYO!
“MAGING disente lang kayo nang konti. Mahiya naman kayo nang konti.” Ito ang naging tugon ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. sa isang liham na umano’y mula sa China na iniabot sa kaniya habang dumadalo sa Seoul Defense Dialogue (SDD) 2026 sa Seoul, South Korea. Sa video na ibinahagi ng Department of National Defense (DND), makikitang sumasagot si Teodoro sa mga tanong sa plenaryo ng SDD nang maantala ang talakayan matapos may biglang mag-abot sa kaniya ng mensaheng nakasulat sa papel. “I have a note here. I think this…
Read MoreSEN. MARK VILLAR, NANAWAGAN NG MAS MAIGTING NA AKSYON KONTRA SUICIDE CASES
PASAY CITY — NANAWAGAN si Senator Mark A. Villar ng agaran at komprehensibong aksyon mula sa pamahalaan upang tugunan ang tumataas na bilang ng suicide cases sa bansa, kasabay ng panawagang palawakin ang access sa mental health professionals at serbisyo, paigtingin ang suicide prevention efforts, at tiyakin ang sapat na pondo para sa mental healthcare. Sa kaniyang privilege speech bilang pakikiisa sa Suicide Prevention Month, sinabi ni Villar na dapat bigyan ng kaparehong urgency, respeto at dignidad ang mental health at physical health, lalo na sa gitna ng dumaraming Pilipinong…
Read MoreAMENDMENTS NI CAYETANO SA NUTRITION BILL, MAGPAPALAKAS SA MGA HAKBANG KONTRA STUNTING
MAS palalakasin ang pagtugon sa child stunting sa ilalim ng national nutrition program matapos tanggapin ang mga amendment ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para sa maagang pagtukoy, regular na monitoring at targeted intervention sa mga batang nasa panganib na maging stunted. Binasa sa Senate plenary nitong Lunes ang mga amendment ni Cayetano sa Senate Bill No. 2272 o ang “Expanded National Nutrition Program Act,” kasunod ng kanyang interpellation sa panukala noong nakaraang sesyon. Pinuri ni Senate President Sherwin Gatchalian si Cayetano sa kanyang pagsusulong laban sa child stunting.…
Read MoreDOJ ‘HANDS OFF’ SA POSIBLENG HOSPITAL ARREST NI ROMUALDEZ
HINDI makikialam ang Department of Justice (DOJ) sa magiging desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng posibleng hospital arrest ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, wala sa kanilang mandato ang panghimasukan ang anumang hakbang ng Ombudsman at Office of the Special Prosecutor sa mga kasong nasa ilalim ng kanilang supervision at control. “The Department of Justice defers to the wisdom of the Office of the Ombudsman, including the Office of the Special Prosecutor, with respect to any actions it may take…
Read MoreKung wala nang tiwala SECURITY PWEDE BITIWAN NI SARA – TEODORO
“KUNG totoong wala na siyang tiwala sa kanyang security pwede niyang hilingin na i-withdraw na ito.” Ito ang naging posisyon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro hinggil sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na may banta sa kanyang buhay simula noong taong 2024 at sa umano’y pahayag ng bise presidente na wala siyang tiwala sa kanyang security. Ayon kay Sec. Teodoro, kung totoong nasabi niya (VPSD) na wala na siyang tiwala sa kanyang security ay pwede na niyang i-request na i-withdraw ito dahil ang pagbibigay ng security ay pribilehiyo…
Read MoreMAS MATIBAY NA HOME-SCHOOL PARTNERSHIP LUSOT SA KAMARA
LUSOT na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong gawing institusyonal ang Parent-Teacher and Community Associations (PTCAs) sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Ang House Bill No. 10768, pangunahing akda ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla at inendorso ng House Committee on Welfare of Children, ay naglalayong amyendahan ang Presidential Decree No. 603 o ang Child and Youth Welfare Code. Ayon sa mambabatas, layunin nitong bigyan ang mga PTCA ng malinaw na basehang legal at tiyak na tungkulin sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata. Binigyang-diin…
Read More