SOCIAL PENSION NG MGA LOLO AT LOLA, ‘DI SAKLAW NG ELECTION SPENDING BAN

IKINATUWA ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang aksyon ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan ng exemption sa election spending ban ang social pension ng senior citizens. Sinabi ni Ordanes na nagpapasalamat siya at nauunawaan ng Comelec ang sitwasyon ng mahihirap na senior citizen. Ayon sa mambabatas, nakasanayan na ng mga benepisyaryo na sa buwan ng Abril at Mayo ay nakukuha na nila ang kanilang P3,000 o P4,000 pensyon. “Ang social pension ay bahagi na ng tinatawag na survival budget ng seniors para sa kanilang mga gamot…

Read More

CHINESE AMBA KAILANGANG MAGPALIWANAG SA ESPIYA AT MONSTER SHIP – CONG. ERWIN TULFO

NAIS ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na magpaliwanag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kung bakit ayaw umalis ng Chinese Coast Guard “monster ship” sa karagatan ng Zambales at ang pagkakaaresto sa isang Chinese spy sa Maynila kamakailan. Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Tulfo na labis-labis na ang pambabastos ng China sa Pilipinas. “Hindi na sila nakuntento na pumasok sa ating Exclusive Economic Zone, tapos ngayon magpapadala pa sila ng espiya,” ani Tulfo. Aniya pa, ” I am sure alam ng Chinese…

Read More

ANTI-ESPIONAGE LAW KAILANGAN NA – SOLON

IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kailangan nang ipasa ang dalawang anti-espionage bills upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga nag-eespiya sa bansa. Ginawa ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang panawagan kasunod ng pagkakahuli ng Chinese spy na si Deng Yuanqing at dalawang Pilipino na kasabwat nito sa pag-eespiya sa bansa mula 2015. “The arrest of these suspected Chinese and Filipino spies should prompt Congress to immediately pass bills that would expand the coverage of the crime of espionage,” ayon sa…

Read More

VIRGINIA RODRIGUEZ, NAPILING “OUTSTANDING FILIPINO WOMAN LEADER” NG AMERIKA PRESTIGE AWARDS

INANUNSYO ng Amerika Prestige Awards na ang Filipino businesswoman na si Virginia Ledesma Rodriguez ay napili ngayong taon bilang Outstanding Filipino Woman Leader, dahil sa kanyang ipinakitang exceptional innovation, leadership, community impact at bunsod ng kanyang kontribusyon sa pagpapahusay ng agrikultura at industriya ng edukasyon sa Pilipinas. Ang Amerika Prestige Awards ngayong taon ay idaraos sa Mayo 24, 2025 sa Church Of Scientology Valley Burbank Blvd. sa Los Angeles, USA, ayon kay Sam Azurel, president at founder ng Amerika Prestige Awards. Si Ms. Rodriguez, isang pilantropo at kilala sa kanyang…

Read More

ISKO UMALAGWA NA: 72% VOTING PREFERENCE SA PHILDATA TRENDS, 86% SA OCTA

KINUMPIRMA ng dalawang political survey ang hindi na mapipigilang pagbabalik ni dating Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Manila City Hall. Ayon sa resulta ng survey ng OCTA Research at Phil Data Trends, nagpapakita ng posibilidad na mananalo si Yorme Isko bunga ng malaking tiwala sa kanya ng mga botante ng Maynila. Sa ulat ng PhilData Trends, lumitaw na nakakuha si Isko ng 72.1% of voter preference sa buong Maynila, ayon sa isinagawang survey mula Enero 2 hanggang Enero 7, 2025. Nasa likod ni Yorme si Sam Verzosa na kumubra…

Read More

SENADO PINAKILOS PARA MAPALAKAS ANTI-ESPIONAGE LAW

IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros ang pangangailangan ng agarang pagkilos ng Senado upang mapahusay at mapalakas ang kasalukuyang Anti-Espionage Law. Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese national na sangkot sa pang-eespiya. Ayon kay Hontiveros, habang patuloy na nagpapabalik-balik ang monster ship ng China sa West Philippine Sea, dapat matiyak ng pamahalaan na hindi natin hahayaan na napapalibutan na tayo ng mga espiya. Sinabi ng senador na matagal na niyang sinasabi na posibleng may Chinese spies sa bansa lalo na noong nagkaroon ng Visa Upon Arrival scheme sa Bureau…

Read More

BAM AQUINO UMAKYAT NG 5 PUNTOS SA PINASURVEY

NAKAMIT ni dating Senador Bam Aquino ang pinakamalaking pagtaas sa percentage points sa tracking ng Pinasurvey noong Disyembre. Dahil sa ratsadang ito ni Aquino, umakyat siya sa tabla para sa pang-anim hanggang pang-13 puwesto. Ayon kay Rolland Ramirez, Managing Director ng Insightspedia, Inc., ang kumpanya sa likod ng Pinasurvey, tumaas ng limang puntos ang percentage points ni Aquino, na siyang pinakamataas sa mga kandidatong katabla niya sa posisyon. Paliwanag ni Ramirez, nagpapakita ito na mayroon nang momentum si Aquino at ang kanyang totoong puwesto sa survey ay nasa itaas na…

Read More

ALTERNATIBONG GAMUTAN PARA SA MASA

MAGKATUWANG ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) at ang Serve the People Health and Wellness (STP-HW) Volunteers sa pagtatayo ng bagong klinika na naglalaan ng alternatibong gamutan. Ang bagong klinika ay matatagpuan sa 56 Mother Ignacia Avenue, Diliman, Quezon City, sa ikalawang palapag ng PRRM building (sa pagitan ng Scout De Guia Street at Scout Dr. Lazcano Street). Ang serbisyong medikal ay bukas tuwing Martes mula 10:00 am hanggang 5:00 pm. para sa masang mahihirap. Sa idinaos na soft launch ng klinika kamakalawa ay may 35 na mga pasyente at…

Read More

GRIJALDO PINAKULONG SA POLICE STATION

MULA sa de-aircon na detention cell sa Batasan Pambansa, inilipat sa kulungan ng Quezon City Police District Station 6 sa Batasan, Quezon City si Police Col. Hector Grijaldo matapos muling ma-contempt dahil sa kawalang galang umano nito sa Quad Committee. Sa mosyong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, inaprubahan ang panibagong contempt order laban kay Grijaldo na sinegundahan ng mosyon ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na ikulong sa Batasan Police Station ang opisyal. Hindi napigilan ni Acop ang kanyang sarili na ipacontempt muli si Grijaldo matapos ang…

Read More