6M PRINTED BALLOTS SISIRAIN – COMELEC

SISIRAIN ng Commission on Elections (Comelec) ang anim na milyong balota na inisyal na naimprenta para sa midterm elections upang maalis ang pagdududa na maari itong magamit sa darating na halalan. Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia nitong Miyerkoles na ang mga balotang ito ay iimbentaryuhin, iuulat sa Commission on Audit (COA), at saka sisirain. Ayon kay Garcia, ang mga naimprentang balota ay para sa local absentee voting, overseas voting, test ballots, Bangsamoro at Caraga region. Ito ay matapos maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining Order (TROs) na pumipigil…

Read More

NBI PINAKILOS; SABWATAN NG RICE TRADERS SUGPUIN

(BERNARD TAGUINOD) PINAKILOS na ng Quinta Committee ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang sabwatan ng mga rice trader kaya hindi bumababa ang presyo ng bigas sa bansa kahit sobra ang supply at bumaba na ang halaga nito sa world market. Kasabay nito, pinatitigil ni Iloilo Rep. Janette Garin ang P58/k maximum suggested retail price (MSRP) sa imported na bigas dahil maaaring samantalahin ito ng rice traders para pagkakitaan pa nila nang husto. “Apparently, there’s a flow of at least five traders before the rice reaches the actual…

Read More

Sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Bureau of Quarantine BRIAN POE SUPORTADO ANG MGA FRONTLINER

(Evelyn Ruiz, Ronald Christian Antenor — Health Education and Promotions Officer, FPJ Panday Bayanihan Partylist’s First Nominee — Brian Poe, and Director Roberto Salvador Jr.) MANILA – Ipinahayag ni Brian Poe, unang nominado sa FPJ Panday Bayanihan partylist, ang suporta para sa mga frontliner sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Bureau of Quarantine (BOQ) noong Martes, Enero 7. Binanggit ni Poe ang kritikal na papel ng BOQ sa pangangalaga ng pampublikong kalusugan, lalo na sa harap ng umuusbong na nakahahawang sakit gaya ng monkeypox at Human Metapneumovirus. “Ang BOQ ay…

Read More

DATING ARMY OFFICER KINASUHAN NG SEDITION

SINAMPAHAN ng kasong inciting to sedition ng pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang dating Philippine Army officer kaugnay ng operasyon noon laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy at iba pa sa Davao City. Si dating Army captain Clemente Enrique, kilala rin bilang “Dado” at “Iking” online ay ipinagharap ng kasong inciting to sedition ni CIDG chief Police Brig. Gen. Nicholas Torre III sa Department of Justice kaugnay sa paglabag umano nito sa Article 142 of the Revised Penal Code or Inciting…

Read More

HINDI LISENSYADONG ONLINE GAMING INIREREKLAMO

INIREREKLAMO ng maraming tao ang isang kumpanya na nagngangalang Procap International. Ayon sa mga reklamo, nanghihikayat ang mga opisyales nito na mag-invest ang publiko sa naturang kumpanya upang kumita ng malaking interes, na sa ilang buwan lamang at dodoble na ang investment. Diumano, ang negosyo ng Procap ay online gaming, kung saan siguradong mananalo ang investors nito, at ang slogan pa nito ay “win once, win for life.” Ngunit sa pagsasaliksik, noong Agosto 28 ng nakaraang taon ay kinansela na ng Securities and Exchange Commission ang rehistro ng Procap sa…

Read More

NAIS MAGPAALIS SA PANGALAN NI MARCY TEODORO SA BALOTA, TAGA-CAGAYAN DE ORO?

TUBONG Cagayan de Oro, at hindi taga-Marikina City, ang lalaki na nais ipatanggal ang pangalan ni Mayor Marcy Teodoro sa balota bilang kandidatong kongresista ng Unang Distrito ng siyudad. Ito ang napag-alaman sa pagsasaliksik ng vlogger na si Eric Songcuan ukol sa katauhan ni Bencyrus Ellorin, na nagpapakilalang chairperson ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment. “He’s from Cagayan de Oro. He went to Xavier University at Ateneo de Cagayan. I don’t know what he’s doing here, what’s his business in doing this,” wika ni Songcuan. Kinuwestiyon din ni…

Read More

KAPABAYAAN NG GRAB-MOVE IT SA SCREENING PROCESS ITINURONG UGAT NG MATAAS NA KASO NG AKSIDENTE

BINATIKOS ng isang grupo ang motorcycle taxi na Move It dahil sa kapabayaan nito sa screening process na nagresulta sa mataas na bilang ng aksidente. Isinumite ni Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, sa hearing ng Senate Committee on Public Services ang affidavit ng ilang riders kung saan inamin nila na kinuha sila ng Move It nang hindi sumasailalim sa skills assessment at field training. Ang Grab Philippines ang may-ari ng Move it. “Move It po iyong pinasukan nila. In fact, nandito po iyong riders na kasamahan ng ibang…

Read More

KAUNA-UNAHANG OFW, NAISAKATUPARAN ANG PANGARAP NA MALIBOT ANG MUNDO MATAPOS ANG 10 TAON

PINATUNAYAN ng overseas Filipino worker at Digital Nomad na si Kach Medina Umandap ang kakayahan ng Pinoy worker na malibot ang buong mundo gamit lamang ang kanyang Philippine Passport. Ayon kay Kach, hindi naging madali para sa kanya ang ginawang paglibot sa 195 UN Countries lalo pa’t naipit siya noong kasagsagan ng pandemya. Ngunit sa kabila nito ay gumawa siya ng paraan at ipinagpatuloy ang kanyang pangarap. Noong 2013 nang magtrabaho si Kach bilang QA supervisor sa isang Kuwaiti hospital ngunit kalaunan taong 2014 ay umalis din ito para simulang…

Read More

BAM AQUINO TITIYAKIN SAPAT NA PONDO SA EDUKASYON, KALUSUGAN AT SOCIAL SERVICES

DISMAYADO sa nabawasang pondo para sa mahahalagang programa at serbisyo, nangako si dating Senador Bam Aquino na titiyaking sapat na pondo para sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan sa mga susunod na pambansang budget kapag nanalo bilang senador sa 2025. “Hindi ko matanggap na bumaba yung budget ng mga ito. Kung bibigyan ng pagkakataon, uunahin talaga natin ang budget. Itong nakaraang budget, ang hirap talagang tanggapin na mayroong cuts sa edukasyon, sa kalusugan, at sa DSWD, pati na sa computerization program ng DepEd,” wika ng dating Senador sa panayam sa…

Read More