(JESSE KABEL RUIZ) BUMUO ng Task Force 29 ang Philippine National Police kung saan target makuha ang lahat ng 29 pulis at kasuhan sa pagkakasangkot sa P6.7 billion drug haul sa Maynila noong Oktubre 2022. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinatag ng PNP ang Task Force (TF) 29 para sa paghuli sa 29 pulis na dawit sa sinasabing humigit kumulang sa isang toneladang shabu . “May task force na si Gen. (Rommel Francisco) Marbil para makuha lahat ng mga accused, lahat (ng) may warrant of arrest. Sabi niya within…
Read MoreCategory: METRO
PBBM, ROMUALDEZ PINANGUNAHAN TURNOVER NG YOLANDA HOUSING
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Martin G. Romualdez ang ceremonial turnover ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) projects sa Leyte, isang patunay sa pagnanais ng gobyerno na muling maitayo ang mga komunidad na winasak ng super typhoon Yolanda, 11 taon na ang nakararaan. Kasama sa event na ginanap sa Burauen, Leyte ang turnover ng symbolic keys sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa walong munisipalidad sa Leyte, Samar, at Biliran kung nasaan ang mga housing project. Ang mga proyektong ito ay bahagi ng inisyatiba…
Read MoreLABANAN SA PAGKA-ALKALDE SA MAYNILA, GITGITAN – SURVEY
INILABAS ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Hong Kong-based Asia Research Center, ang pinakabagong resulta ng kanilang independent at non-commissioned survey ukol sa mayoral race sa Maynila. Habang papalapit ang 2025 elections, umiinit ang labanan sa pUlitika ng lungsod, na pinangungunahan ng tatlong pangunahing kandidato: dating Mayor Isko Moreno, kasalukuyang Mayor Honey Lacuna, at Congressman Sam Versoza. Ang resulta ng survey ay nagpapakita ng masiglang kompetisyon para sa pamumuno sa kabisera ng bansa. Nangunguna si dating Mayor Isko Moreno na may 46% voter preference, na nagpapakita ng…
Read MoreCHILD SUPPORT BILL LUSOT NA SA KOMITE – CONG. ERWIN TULFO
NAGPASALAMAT si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa committee on children welfare matapos lumusot ang isinusulong na batas sa naturang komite para patawan ng mas mabigat na parusang kulong ang mga magulang o tatay na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak. Nasa Committee on Appropriations na ang House Bill 8987 o ang “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof” para pag-aralan kung magkanong pondo ang kakailanganin para makapagtatag ng isang opisina sa DSWD na mangangasiwa sa implementasyon ng batas. “Kailangang-kailangan…
Read MoreCRIME INCIDENTS SA METRO MANILA BUMABA NG 23%
NAKAPAGTALA ang Metro Manila ng pagbaba sa crime rate nitong huling tatlong buwan, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Base sa crime index na kanilang naitala mula huling linggo ng Nobyembre 2024 hanggang kalagitnaan ng Enero 2025, mas mababa ito ng 23.73 percent. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), nakapagtala sila ng 768 index crimes noong nakaraang taon, mas mababa kaysa 1,007 na kaso noong 2023. Sa kanilang datos, nakumpiska ng NCRPO ang P153.29 milyong halaga ng ilegal na droga at inaresto ang 3,806 suspek mula sa…
Read MoreTRABAHO PARTYLIST SUPORTADO PAGPAPATIBAY NG TRILATERAL AGREEMENT NG PILIPINAS, US AT JAPAN
NAGPAHAYAG ng buong suporta ang TRABAHO Partylist para sa pagtutok ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan sa pagpapalakas ng kanilang trilateral na kasunduan na naglalayong pagbutihin ang seguridad at kooperasyong pang-ekonomiya sa rehiyon. Ang pahayag na ito ay kasunod ng magkasamang pangako ng tatlong bansa na palakasin ang kanilang partnership. Ang trilateral na kasunduan ay itinuturing na isang mahalagang hakbang upang tiyakin ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyon ng Indo-Pacific. Tinututukan nito ang mga karaniwang hamon tulad ng banta sa seguridad, pagbabago ng klima, at kaunlarang pang-ekonomiya. Binibigyang-diin ng…
Read MorePANELO: RALLY NG 1.8 MILYONG INC, HUWAG MALIITIN
HINDI dapat maliitin ninoman ang 1.8 milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsagawa ng rally nitong Enero 13 sa Quirino Grandstand. Ito ang sagot ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo kaugnay sa ipinahayag ni ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro sa lingguhang ‘The Agenda’ media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon ng umaga. Sinabi kasi ni Castro na ang nasabing rally ay hindi sentimyento ng mayorya ng sambayanang Pilipino dahil ayon sa mambabatas, 41% ang sumusuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.…
Read MoreP97-M SHABU NASABAT SA 2 SOUTH AFRICANS
NASA 14 kilo ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu, na tinatayang P97 milyon ang halaga, ang nasabat sa dalawang South African nationals nitong Biyernes ng madaling araw sa isinagawang joint operation sa NAIA Terminal 3. Ang joint anti-narcotics operation ay isinagawa ng NAIA International Airport Drug Interdiction Task Group (IADITG), katuwang ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos madiskubre ng Bureau of Customs x-ray inspector ang kahina-hinalang laman ng mga bagahe na dala ng mga suspek. Nabatid matapos na dumaan sa X-Ray examination ay…
Read MoreTERMINO NI MARBIL SA PNP POSIBLENG PALAWIGIN
POSIBLENG palawigin ang termino ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil dahil sa magaganap na May 12, 2025 midterm election. Ipinahihiwatig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng pahabain pa ang termino ni Marbil bilang PNP chief ng hanggang apat na buwan. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, may mga indikasyon na mapalawig pa ang termino ni Marbil, bagaman wala pang inilalabas na pahayag mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “From all indications ma-extend siya but there is no official…
Read More