Mula 130 planong gawing 25 na lang PNP MAKUPAD SA DAMI NG HENERAL

IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police general mula sa mahigit 130 ay maging 25 na lamang. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato sa DILG. ”That’s my plan… It’s still a plan, that’s one of my recommendations, to flatten the organization,” ang sinabi ni Remulla. ”There are a lot of generals without commands. Mayroon tayong APC, area police commands,…

Read More

Aprubado noon drug war ni Duterte QUADCOM IPOKRITO, DUWAG – ALVAREZ

GANITO inilarawan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang imbestigasyon ng Quad Committee sa Extra-Judicial Killings (EJK) kung saan nakapokus na umano sa dating pangulong Rodrigo Duterte ang Kamara gayong bahagi ang mga ito sa war on drug ng nakaraang administrasyon. Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos imbitahan ng Quad Comm si Duterte subalit sa pagdinig kahapon ng komite, hindi dumalo ang dating Pangulo at base sa ipinadalang sulat ng kanyang abogado ay masama umano ang pakiramdam nito. “Hindi mangyayari ang War on Drugs kung hindi ito suportado ng…

Read More

ROMUALDEZ, DSWD, LOCAL OFFICIALS NAMAHAGI NG P139-M CASH AID SA DAVAOEÑOS

NAGKAKAHALAGA ng P139.812 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro, at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na opisyal. Isinagawa ang payout mula Oktubre 18 hanggang 21. Si dating Civil Service Commission chair Karlo Nograles ang namigay ng…

Read More

LGUs PINAGHAHANDA SA HAGUPIT NI ‘KRISTINE’

KINALAMPAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units laban sa Tropical Storm Kristine. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor Remulla Jr. na ang pagkilos ay bilang tugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na maghanda ang bansa sa epekto ng bagyo. “All units have been mobilized. All local government units have been informed,” ang sinabi ng Kalihim. Sa kabila ng pagiging ‘unpredictable’ ng tropical storm, sinabi ni Remulla na ang lahat ng LGUs at civil…

Read More

PHILANTHROPIST NAMAHAGI NG BIGAS AT FERTILIZERS SA 2K PAMILYA

NAMAHAGI si businesswoman-philanthropist Virginia Rodriguez ng mga kalidad na bigas at fertilizers sa daan-daang magbubukid at pamilya na nakatira sa Brgy. Dapdap, Tagaytay City, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay. Si Rodriguez, nominado ng ATeacher party-list, ay namamahagi ng tulong para sa mga kapos nating kababayan at nais niyang ipagpatuloy ang adbokasiyang ito upang maiangat ang buhay ng mahihirap na Pilipino. Dahil sa kanyang adhikain na makatulong, pinalawak pa ni Rodriguez ang kanyang mga programa sa buong Metro Manila at sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sa…

Read More

SEGURIDAD SA MANILA CEMETERIES, KASADO NA

KASADO na ang ipatutupad na seguridad sa mga sementeryo sa Maynila para sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day sa Nobyembre 1 at Nobyembre 2. Kabilang sa mga sementeryo sa Maynila ang Manila North Cemetery, South Cemetery, Chinese Cemetery at Paco Cemetery. Inaasahang daragsain ng mga mahal sa buhay, mga kaibigan at kamag- anak ang mga sementeryo kaya dapat ay nakahanda na ang pamunuan ng mga ito, ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO). Ayon sa pamunuan, sa Oktubre 25 ay dapat…

Read More

SENIORS, BUNTIS, PWDs MAY LIBRENG SAKAY SA MNC – MAYOR HONEY

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na magkakaroon ng libreng sakay para sa senior citizens, persons with disability at buntis sa kanilang pagbisita sa city-run Manila North Cemetery at Manila South Cemetery. Inanunsyo rin ng alkalde na bawal ang kahit anong political activities sa panahon ng ‘Undas’ upang masiguro ang solemn observance ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Sinabi ni Lacuna na ang mga libreng e-trikes ay ilalagay sa gates ng dalawang nasabing sementeryo para madali itong makita at masakyan ng PWDs, seniors at mga buntis sa operasyon…

Read More

YOUTH AGENDA BITBIT NG FPJ PANDAY BAYANIHAN

MAYORYA sa mga rehistradong botante ay nagmumula sa hanay ng kabataan kaya kailangang gamitin nila ang kanilang pangunahing karapatang bumoto, lahad ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist. Lumalabas sa talaan ng Commission on Elections (Comelec) na may 52% ng kabuuang rehistradong botante para sa May 2022 elections ay edad 18-40, na nasa ilalim ng youth vote category. Sa pag-aaral ng United Nation Development Program, “kadalasan ang mga kabataan ang nagtutulak na pwersa sa likod ng mga kilusang reporma at ang kabataan ay may posibilidad na…

Read More

DIGONG-GARMA MAY FACE OFF SA KAMARA?

POSIBLENG magharap sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma at dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig sa Kamara. Ito ay matapos pormal nang padalhan ng Quad Committee ng imbitasyon si Duterte para sa ika-9 na pagdinig sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Illegal Drug Trade at Extra-Judicial Killings bukas, Martes. Pirmado ni Quad Comm lead chairman Rep. Robert Ace Barbers ang imbitasyon sa dating pangulo na ipinadala noong Oktubre 18, 2024 sa bahay nito sa Davao City. “In this regard, the joint Committee respectfully invites you…

Read More