IBINIDA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa international community ang mga nakamit na pagbabago ng Pilipinas sa larangan ng siyensa, teknolohiya at inobasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. Sa kanyang pagharap sa ika-149 Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly sa Geneva, Switzerland nitong Lunes (oras sa Switzerland), inihayag ni Speaker Romualdez ang pagtutulungan ng Pangulo at Kongreso sa pagsusulong ng siyensya, teknolohiya at inobasyon para sa pagpapa-unlad ng bansa. Bilang bahagi ng legislative priority ni Pangulong Marcos, binuo aniya ang National Innovation Council para masiguro…
Read MoreCategory: METRO
Sa liquidation ng P15-M confi funds MGA OPISYAL NG AFP HINDI PABOR SA PAGGAMIT SA KANILA NI VP SARA
HINDI pabor ang mga opisyal ng sundalo sa paggamit ni Vice President Sara Duterte sa inilabas nilang sertipikasyon sa pag-liquidate ng P15 milyong halaga ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) dahil hindi naman ito sa kanila napunta. Kung alam lamang umano nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtanggol Panopio na sa ganito gagamitin ang hininging sertipikasyon ay hindi sila magbibigay nito. Ang apat ay tinanong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa pagdinig ng House committee…
Read MorePHILSAGA MINING PINAIIMBESTIGAHAN NI REP. TULFO SA PAGLABAG SA KARAPATAN NG IPs SA AGUSAN DEL SUR
MAGHAHAIN ng resolusyon ngayong Lunes (Okt. 21) si House Deputy Majority Leader, ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo para paimbestigahan ang PHILSAGA Mining Corp. dahil umano sa paglabag sa mga karapatan ng mga Indigenous Peoples (IPs) sa kanilang ancestral lands sa Consuelo at San Andres sa Bunawan, Agusan del Sur. Si Tulfo, kasama ang kanyang mga kasamahan mula sa ACT-CIS party-list na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap, at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Tulfo, ay maghahain ng resolusyon na humihikayat sa Komite ng Indigenous…
Read MorePAGPAPATUPAD NG MAGNA CARTA NG SEAFARERS TUTUTUKAN NG TRABAHO PARTYLIST
NAPAPANAHON man para sa Trabaho Partylist ang pagpasa ng Magna Carta for Filipino Seafarers, layunin pa rin nitong tutukan ang pagpapatupad ng batas upang mapagaan ang buhay ng mga marinong Pinoy. Ayon kay Atty. Mitchelle Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, dapat itong bantayan sapagkat may mga probisyon sa batas na tinututulan ng ilang grupo ng marino. Kasama aniya rito ang pangangailangang mag-post ng execution bond kapag nanalo sa kaso ang marino habang nag-aapela ang shipowner o manning agency. Dagdag ng Trabaho Partylist, babantayan din nito ang prosesong pagdadaanan ng mga…
Read MorePAG-UNAWA NI REP. LUISTRO SA EO 13 PINUNA
PINUNA ng ilang vlogger at netizens ang anila’y maling interpretasyon ni Rep. Gerville Luistro ng Batangas 2nd District sa Executive Order 13 (EO 13) na inilabas ni Pangulong Duterte noong 2017. Sa isang pagdinig kamakailan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Luistro na ang EO 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas, bagay na kinontra ng ilang nakapanood. Anila, mali ang interpretasyon ng mambabatas. Ang EO 13 ay isang administratibong utos na naglinaw sa mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay…
Read MoreKOREAN GAMBLING LORD, ARESTADO SA BI
ISANG South Korean national na wanted sa kanilang bansa ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit (FSU) dahil sa illegal gambling. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang dayuhan na si Choi Jonguk, 42, ay naaresto sa isang sikat na entertainment area sa Brgy. Tambo, Paranaque City. Si Choi ay nasa wanted list ng BI noon pang 2019 dahil sa pagpapatakbo ng isang illegal gambling website na ang mga customer ay mga Koreano na tumataya sa resulta ng isang sports competitions. Sinasabing kumikita siya sa pamamagitan…
Read MoreSEDITION VS QUIBOLOY LAWYER, 12 PA ISINAMPA
NAGSAMPA ng reklamong sedition at inciting to sedition ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa lawyer ni KOJC Pastor Apollo Quiboloy at mahigit 12 iba pa. Nag-ugat ito sa naging hakbang ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Agosto nang pigilan ang tangkang pag-aresto ng mga pulis sa puganteng pastor. Kasama rin sa inireklamo ni Brig. General Nicolas Torre ang iba pang lider at kasapi ng KOJC na sina Eleanor Cardones, Carlo Catiil, Jeffrey Celia at ang dating…
Read MoreDELICADEZA NAMAN D’YAN SEN. BATO — SOLON
UMAASA ang isa sa apat na chair ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa extra-judicial killings (EJK) na magkakaroon ng konting delicadeza si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Ginawa ni House committee on public order and safety chairman Rep. Dan Fernandez ang pahayag matapos ianunsyo ni Dela Rosa na magpapatawag ito ng motu-proprio investigation sa madugong war on drugs noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “Delicadeza na lang sana ang pairalin ni Sen. Bato. For me it is highly inappropriate for him, the chief enforcer of the drug war, to…
Read MoreQUIMBO BINATIKOS SA PAKIKIALAM SA PAMAMAHAGI NG AYUDA
INULAN ng batikos si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo matapos makunan ng video na namimigay ng cash ayuda na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa viral video na pinost ng isang Krizette Laureta Chu, makikita ang nakangiting si Quimbo habang binibilang ang ayuda bago iabot sa isang benepisyaryo. Inilarawan ng isang netizen ang ginawa ni Quimbo bilang galawang trapo, kasabay ng panawagan sa mga taga-Marikina na huwag magpabudol sa mambabatas at huwag magpasilaw sa ayudang ibinibigay nito na galing sa buwis ng taumbayan. “Sa una…
Read More