AYUDA SA LGUs WALANG KULAY PULITIKA – MARCOS

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang kulay pulitika ang ibinibigay na tulong pinansyal ng pamahalaan sa mga local government unit (LGU) sa bansa. Sa kanyang Facebook post, sinabi ng Pangulo na anoman ang political affiliation ng mga lokal na opisyal ay nakahanda ang pambansang pamahalaan na tumulong. Ayon sa Pangulo, halos P58 bilyon mula sa Local Government Support Fund (LGSF) ang maaaring gamitin ng mga LGU upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga komunidad. Ibinahagi rin ng Pangulo ang mga larawan ng mga local chief executive mula sa…

Read More

SOUTH AFRICAN SYNDICATE SINISILIP NG PNP-AVSEGROUP SA DRUG SMUGGLING

TINITINGNAN ng PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang posibilidad na may sindikato mula South Africa na nasa likod ng sunod-sunod na pagkakaaresto ng mga drug courier sa bansa. Ayon kay AVSEGROUP spokesperson Lt. Col. Harold Tosino, magkakapareho ang modus operandi ng mga nahuhuling suspek na nakatago ang ilegal na droga sa backpack o maleta. Napag-alaman na ang mga naarestong dayuhan ay nagmula sa Johannesburg, South Africa bago dumating sa Pilipinas. Kabilang sa mga nahuli ang isang German national, isang South African at isang Pinay. Noong Enero, may nauna ring South African…

Read More

BOC: LIBRENG ‘TOUR’ GINAGAWANG PAIN SA DRUG COURIER RECRUITMENT

GINAGAMIT umano ng mga sindikato ang alok na libreng biyahe o “fully sponsored tour” bilang pain sa pagrerecruit ng mga indibidwal na nagiging drug courier. Ito ang babala ng Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagtaas ng mga kasong kinasasangkutan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa drug trafficking. Ayon sa BOC, kabilang sa mga modus ng sindikato ang pagrerecruit ng mga aplikante para sa trabaho sa ibang bansa, gaya ng domestic helper. May mga pagkakataon din umanong iniaalok ang free tour upang makumbinsi ang target na bumiyahe, kung saan pinaniniwalaang…

Read More

PANUKALANG PAG-ABOLISH SA TRAVEL TAX LUSOT SA HOUSE COMMITTEE

APRUBADO na sa House Committee on Tourism ang mga panukalang mag-aalis sa travel tax, kabilang ang House Bill No. 7443 na inihain ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa pagdinig na pinamunuan ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, inaprubahan ang anim na panukala kaugnay nito. Ang travel tax ay kasalukuyang pinakikinabangan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Commission on Higher Education (CHED), at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Ayon kay TIEZA COO Mark Lapid, 90% ng operating budget ng ahensya ay mula sa travel tax…

Read More

4 IMPEACHMENT COMPLAINTS VS VP DUTERTE, NASA HOUSE JUSTICE COMMITTEE NA

OPISYAL nang inirefer ng House Plenary sa House Committee on Justice ang apat na impeachment complaints laban kay Sara Duterte. Ang hakbang ay nangangahulugang maaari nang umusad muli ang impeachment process matapos ang isang taong ban. Ang unang reklamo ay inihain ng Makabayan Coalition at inendorso nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Jane Elago, at Kabataan Rep. Renee Louise Co. Ang ikalawa ay mula sa mga progressive at civil society groups na inendorso nina ML Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Perci Cendaña. Ang ikatlo…

Read More

LTFRB NAGLABAS NG SCO LABAN SA BUS OPERATOR SA AKSIDENTE SA QUEZON

NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng isang pampasaherong bus na nasangkot sa aksidente sa Gumaca, Quezon na nagresulta sa pagkasugat ng hindi bababa sa 25 pasahero. Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada. Sa ilalim ng pangangasiwa ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, pinatawag ng LTFRB ang operator upang magpaliwanag sa insidente. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II,…

Read More

PBBM: NATION FIRST, PERSONAL AGENDAS LATER

HINDI dapat maging hadlang ang political differences upang magtrabaho para sa bayan. Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang social media post kaugnay ng kanyang pagbisita sa Naga City, kung saan kasama niya si Mayor Leni Robredo. Ayon sa Pangulo, serbisyo muna bago pulitika, at ang layunin ng kanyang pagbisita ay inspeksyunin ang Oplan Kontra Baha ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Inilunsad noong Pebrero 18, 2026 ang operasyon na tatagal hanggang Hulyo 31, 2026. Saklaw nito ang paglilinis ng 29 ilog at sapa at…

Read More

PROJECT HILAMOS UMARANGKADA SA QC

ISINAGAWA ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGEN Randy Glenn Silvio, katuwang si Joy Belmonte, ang Project HILAMOS sa Barangay Sikatuna (Lot 141, Maginhawa St.) at 76 Maginhawa St., Barangay Teachers Village East, Quezon City. Tampok sa inisyatiba ang muling pagpipinta sa mga pader na may vandalism upang gawing makukulay na lokal na obra ang mga napabayaang lugar. Layunin nitong isulong ang kalinisan at kaayusan, palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at buhayin ang pagmamalaki sa mga pamayanan. Nakiisa ang mga opisyal ng Barangay Teachers Village…

Read More

ANTI-DYNASTY LAW DAPAT MAGSIMULA SA LOCAL – COMELEC

DAPAT magsimula muna sa local ang pagpapatupad ng anti-political dynasty law, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, sa local government posts muna bago ang posibleng ban sa national positions habang suportado niya ang naturang panukalang hakbang. Mas makabubuti aniya kung ipatutupad ng bansa ang ganitong batas upang mas maraming tao ang makatakbo sa halalan. Ayon kay Garcia, kalimitang sinasabi na ang makapagpapaurong sa pagbabago ng ating bansa ay kapag tutok ang kapangyarihan sa lokal. Sinabi ni Senador Risa Hontiveros, ang chair Senate Panel on…

Read More