TUMATAAS NA KASO NG CHRONIC KIDNEY DISEASE, PINAIIMBESTIGAHAN NI VILLAR

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Mark Villar kaugnay ng umano’y lumalalang krisis sa kalusugan dulot ng pagdami ng kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 313, nanawagan si Villar ng agarang imbestigasyon, in aid of legislation, hinggil sa pagtaas ng kaso ng CKD sa bansa. Ayon sa senador, batay sa datos ng Department of Health (DOH), pabata nang pabata ang mga tinatamaan ng sakit sa bato. Mayroon din aniyang mga ulat na may mga batang siyam na…

Read More

CATAPANG ITINANGGING SISIPAIN SIYA BILANG BUCOR CHIEF

MARIING pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang kumakalat na balitang malapit na siyang sibakin o palitan bilang pinuno ng ahensya. Ayon kay Catapang, gawa-gawa lamang ito ng “evil forces” na aniya’y naglalayong sirain ang integridad ng BuCor at guluhin ang tiwala ng publiko. Nagpahayag ang opisyal ng kumpiyansa sa katatagan ng institusyon at sa maayos na pagganap ng kanilang mandato sa kabila ng umano’y paninira. Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng paglaban sa fake news at maling impormasyon upang maprotektahan hindi lamang ang reputasyon…

Read More

PNP: HINDI ILEGAL PAG-ARESTO SA 2 AKTIBISTA SA EDSA RALLY

NANINDIGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na legal at naaayon sa batas ang pag-aresto sa dalawang aktibista sa kasagsagan ng kilos-protesta para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Una rito, iginiit ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang agarang pagpapalaya kina human rights activist Edel Parducho at youth activist na si Three Odena. Ayon kay Co, inaresto ang dalawa habang nakikiisa sa rally at posibleng sampahan ng kasong direct assault, disobedience, resisting arrest at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act. Diin ng mambabatas,…

Read More

CHINESE EMBASSY NAGPASALAMAT SA PH COAST GUARD

AGAD nagpaabot ng pasasalamat ang Embassy of China in Manila sa tulong na ipinagkaloob ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may sakit na Chinese na crew ng isang foreign vessel. Partikular na nagpahayag ng pasasalamat si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei. Nabatid na ang Chinese seafarer na sakay ng MV Mount Gilboa ay isinailalim sa medical evacuation (MEDEVAC) ng PCG sa karagatang sakop ng Basilan upang mabigyan ng agarang lunas. Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) hinggil sa kondisyon ng pasyente. Agad silang…

Read More

MALAKANYANG SA 2028 BETS: BAKA HINDI QUALIFIED

PINAYUHAN ng Presidential Communications Office ang mga nagpahayag ng planong tumakbo sa 2028 presidential elections na mag-isip kung kwalipikado at handa silang mamuno. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dapat tanungin ng mga aspirante ang sarili kung makatutulong ba sila sa bayan o sariling interes ang uunahin. Inihayag ito matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na mahalaga ang lider na may malalim na pag-unawa sa ekonomiya, kayang lumikha ng trabaho, mapanatiling mababa ang inflation at matiyak ang…

Read More

BATO DELA ROSA ‘SINAMPAL’ NG ETHICS COMPLAINT

SINAMPAHAN na ng ethics complaint ng isang civil society group si Senador Ronald Bato dela Rosa. Ang reklamo ay inihain ng ‘Wag Kang KuCorrupt’ sa pangunguna ni dating Finance Undersecretary Prof. Cielo Magno. May kinalaman ito sa patuloy na absences ni dela Rosa at hindi pagtupad sa kanyang official duties sa Senado na higit tatlong buwan na. Nakasaad sa reklamo na ang patuloy na hindi pagpasok ni Dela Rosa ay hindi lamang kapabayaan sa kanyang tungkulin kundi grave abuse sa pribilehiyo at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan bilang senador.…

Read More

DISCERNMENT MAHALAGA SA 2028 POLLS – COMELEC

BINIGYANG-DIIN ng Commission on Elections ang kahalagahan ng “discernment” bilang paghahanda sa 2028 elections. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Commissioner Ernest Maceda na mahalagang matutong magsala ng impormasyon sa gitna ng pagdami ng fake news at AI-generated content. Ayon sa kanya, binuo ng Comelec ang Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan (KKK) upang tutukan ang disinformation at makipag-ugnayan sa social media platforms. Tiniyak din ng poll body ang mas pinaigting na voter education para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao…

Read More

DISBARMENT CASE INIHAIN VS GARCIA, 5 PANG COMELEC EXECS

SINAMPAHAN sa Korte Suprema ng kasong disbarment ng mamamahayag na si Jaime Gutierrez-Aquino si Chairman George Erwin Garcia at limang iba pang opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Gutierrez-Aquino, ibinasura umano ng poll body ang kanyang inihaing reklamo “without due process.” Iginiit niyang hindi siya inabisuhan tungkol sa P10,000 filing fee at P100 legal research fee. “Ang laki-laki ng pondo ng Comelec, bakit naniningil? Kung sa piskalya ko sinampa ang kaso na vote buying o vote selling, o kaya sa Office of the Ombudsman, wala akong babayaran kahit…

Read More

CHINESE NA NAGPANGGAP NA PINOY IPRINISINTA NG BI

IPRINISINTA ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na inaresto sa Batangas matapos umanong magpanggap bilang Pilipino at gumamit ng mga pekeng dokumento. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang suspek na si Zhi Ling Guan, 47, na gumagamit din ng mga alyas na “Shi Nengyuan” at “Mike Sy.” Ayon sa BI, nakakuha umano ang dayuhan ng mga pekeng dokumento kabilang ang Philippine passport. Sa rekord ng Land Transportation Office (LTO), nakakuha rin ito ng driver’s license sa pangalang “Shi Nengyuan,” habang ang passport ay nakapangalan sa…

Read More