MAKIKIPAG-UGNAYAN ang kampo ni Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire sa Department of Education ( DepEd ) ukol sa umano’y COVID-19 transmission sa mga eskuwelahan simula nang magbalik ang face-to-face classes. Ayon kay Vergeire, handa na silang makipag-ugnayan sa DepEd upang mapagsama-sama at mapag-isa ang datos dahil ang kanila aniyang reporting ay hindi pa rin kumpleto sa ngayon. “Inaayos po pa nila ‘yung reporting nila– so ‘yung kanilang numero or statistics that they have right now is under reported,” sabi ni Vergeire sa press briefing. Dagdag pa nito, ibinabase ng…
Read MoreCategory: METRO
TONDO STUDENTS NAGSIMULA NANG MAKATANGGAP NG CASH AID
NAGSIMULA na ang pamamahagi ng buwanang cash assistance ng Manila Police District – Moriones Police Station sa ilang mag-aaral ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Manila nitong Lunes. May 35 piling mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade Vl ang benepisyaryo ng P500.00 cash assistance. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Harry Lorenzo lll, Station Commander, sinimulan nila ang pamamahagi bandang 10:00 ng umaga sa tanggapan ni Mrs. Eleodora Vergara, Punong Guro ng nasabing paaralan. Katuwang sa pamamahagi ng cash sina Edwin Fan at Jarold Go ng Manila Chinese Action Team…
Read MoreKAANIB NG COMMANDO GANG, BINISTAY NG BALA
LIMANG putok ang umalingawngaw sa katahimikan ng madaling araw na nagresulta sa pagkamatay ng isang lalaki na pinagbabaril habang naglalakad sa Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo, Manila. Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit hindi umabot nang buhay ang biktimang si Mark Ryan Pellingon, nasa hustong edad, at residente ng Parola Compound, Tondo, umano’y miyembro ng Commando gang, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan. Batay sa isinumiteng ulat ni Det. John Paul Rojo, kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police…
Read MorePulis inalok na bumatak 3 TIKLO SA P.3-M DROGA, BOGA
ARESTADO ang tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu at baril matapos aluking bumatak ang isang parak sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda sina Raymond Arcilla, 31; Glenn Dupang, 33, at Ramil Montes, 53, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Bandang alas-9:30 ng gabi noong Lunes, nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa 3rd Avenue, Brgy. 118, kung saan isang undercover cop ang nakaiskor sa mga suspek ng P7,500…
Read More‘BATANG PASAY’ TIMBOG SA P.5-M SHABU
NAHULOG sa bitag ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District – Malate Police Station, ang isang 23-anyos na binata sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Manila nitong Martes ng madaling araw. Umabot sa P510,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska mula sa suspek na si alyas “Raffy”, jobless, residente ng Barangay 66, Pasay City. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng MPD-Malate Police Station, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Ito ay makaraang inguso…
Read More12 CRIME SUSPECTS NABITAG SA VALENZUELA
UMABOT sa 12 suspek sa iba’t ibang kaso ang nadakip sa loob ng anim na araw sa Valenzuela City. Mula Setyembre 26 hanggang Oktubre 1, kabilang sa mga arestado sina Johnson Acabal, 49, sa kasong attempted murder; Allan Fadriquilan, 54, sa kasong paglabag sa Republic Act 6425 (Possession or Use of Regulated Drugs); Henedino Leal, 51, sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property, at Julius Taguines, 26, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nalambat din sina John Israel Remandabam, 33, theft; Rizza Pabilan,…
Read MoreGRADE 10 TIMBOG SA BENTAHAN NG DROGA
SA halip na aklat sa paaralan, malamig na rehas ng kulungan ang hinihimas ngayon ng isang grade 10 student na inaresto kasama ang isa pa, sa kasong pagtutulak ng marijuana, sa Novaliches, Quezon City. Kinilala ni Novaliches Police Station commander Lt. Col. Von June Nuyda, ang suspek sa pangalang “Boss” at Amado Grefal, alyas “Nonoy,” na kapwa residente ng Barangay Commonwealth ng nasabing lungsod. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa Jordan Plains Subd. na sakop…
Read MoreKASO VS FUJIFILM OFFICERS TULOY
NAKITAAN ng probable cause ng piskalya ng Lungsod Pasig para sampahan ng asunto ang mga opisyal ng Fujifilm Philippines dahil sa reklamong “other deceits”. Sa resolusyon ng piskalya, sasampahan ng reklamo sa korte sina Ryo Nagaoka, Evan Reyes at John Paul Camarillo, at mga opisyal ng Fujifilm Healthcare Asia Pacific Pte Ltd (Singapore) na sina Anil Jacob John, Dinesh Mehra at Erik Koh sa krimeng “other deceits” na may kaparusahan sa ilalim ng Artikulo 318 (1) ng Revised Penal Code. Nabatid na inakusahan ng Sunfu Solutions, Inc. ang mga opisyal…
Read MoreLulan ng barko galing Liberia 25 DRUMS NG SHABU CHEMICAL, NASAMSAM NG PDEA, BOC
UMABOT sa 25 drums ng kemikal na sinasabing pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu, ang kinumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs mula sa isang barko galing ng Liberia. Nakatakda ring sampahan ng kaso ng BOC at PDEA ang pamunuan ng nasabing barko sa pagpupuslit ng hydrochloric acid, sangkap na ginagamit sa paggawa ng shabu. Napag-alaman sa pagrerekisa ng mga tauhan ng BOC, nadiskubre ang mga kemikal na lulan ng barko nang dumating mula Liberia at dumaong sa lalawigan ng Cebu. Bigo ang…
Read More